Bella Vergara
"Ms. Vergara, ikaw na muna ang magsasara ng resto. May pupuntahan pa ako, it's emergency" nagmamadali siyang ilagay ang mga gamit niya sa bag niya.
"Opo, Sir Bonnie"
"Mauuna na ako, Ms. Vergara"
"Ingat po..."
Nang natapos ko ang huling costumer, nag-ayos na ako at kinuha iyong susi. Since Friday naman ngayon, iuuwi ko itong susi. Ganoon kasi ang patakaran dito, kung sino ang magsasara sa tuwing Friday, siya ang mag-uuwi nito.
Malapit na mag-9pm, madalang pa ang mga jeep na dumadaan dito sa ganitong oras. Minsan puno pa, kaya mahigit 15 minuto ako naghihintay minsan.
Ayun! May paparating na jeep, huwag naman sanang puno. Agad kong pinara at tumigil ito, medyo puno pero alam kong kasya ako dito. Sumakay ako at pinagsiksikan iyong sarili ko.
Labintatlong minuto ang lumipas, nasilayan ko iyong apartment na katabi ng inuupahan kong bahay saka pumara na ako.
Pagbaba ko, dumiretso muna ako sa mumunting bahay ni Aling Teresa, harap lang ng inuupahan ko. Kumatok ako, pinagbuksan agad ako.
"Mommy, nakauwi ka na!" tumakbo siya at niyakap ako.
"Magpaalam ka na kay Aling Teresa" tumango siya at pumasok ulit sa loob.
Lumabas silang dalawa. "Salamat po sa pagbabantay sa anak ko ulit"
Ngumiti siya. "Walang anuman, iha. Napakabait at napakaganda ng anak mo, mana sa kanyang ina"
Swerte ko dahil may kapitbahay kaming gustong mag-alaga sa anak ko na hindi humihingi ng kapalit. Siya pa ang nagpapakain sa kanya araw-araw, balang araw maibabalik ko ang kabaitan niya sa amin.
Napangiti ako. "Salamat po ulit, mauuna na po kami" binuhat ko na si Lily at naglakad papunta sa kabila hanggang maabot namin iyong inuupahan naming bahay.
Binaba ko na siya nung nakapasok na kami. "Mommy, inaantok na po ako"
"Mauna ka na sa kwarto, anak. Maliligo lang si Mommy"
"Okay po..."
16 years old ako nung nalaman kong buntis ako nun, sinabi ko sa ex-boyfriend ko pero iyon ang dahilan ng paghihiwalayan namin. Hindi niya ako kayang panindigan, walang kwentang lalake.
Tinakwil din ako ng adopted parents ko nung nalaman nila, wala talaga akong ibang mapuntahan. Buti na lang, tinulungan ako ni Andrei. Si Andrei ay babaeng kakambal ng ex-boyfriend kong si Andreu na ama ni Lily. Hindi ko alam kung bakit ako tinutulangan ni Andrei pero wala akong choice at tinanggap dahil walang-wala ako noon.
Hindi ko na rin tinuloy ang pag-aaral ko dahil wala ng susustento sa akin, nagtrabaho na lang ako bilang waitress sa Bonnie's Restaurant.
Nung pinanganak ko na si Lily, bumalik ang ama niya at gustong makipagbalikan sa akin. Pero tinanggihan ko ito, nagpumilit siya pero tumigil din after a year.
Anim na taon na rin ang nakalipas.
***
Biglang tumunog yung phone ko. Tumatawag si Andrei, sinagot ko ito.
"Hello, Andrei? Ba't ka napatawag?"
"Bella, pwede ba tayong magkita bukas?" tanong niya.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Dalhin mo na rin si Lily, susunduin ko kayo bukas. Surprise na lang. Sige, bye muna" binaba na niya agad, magsasalita pa naman sana ako.
Tumabi ako sa anak kong natutulog na, hinaplos ko ang kanyang mukha. Kahit kinamumuhian ko ang ama niya, mapalad akong naging anak ko siya.
Hindi niya kilala ang kanyang ama, at wala akong balak sabihin sa kanya. Okay na kaming ganito lang, hindi namin kailangan si Andreu. Kinasal na rin naman si Andreu, last year. May ibang pamilya na siya, at wala na rin akong pakialam sa kanya. Hindi niya rin naman inako si Lily, kaya wala siyang karapatan sa anak ko.
Patuloy pa rin ang paghaplos ko sa mukha niya. "Mahal na mahal ka ni Mommy" hinalikan ko ang noo niya, at natulog na rin ako.
Kinabukasan, nag-text si Andrei na susunduin niya daw kami at 9am.
Pinaliuan ko na din si Lily at sumunod ako. "Mommy, bakit po ako magbibihis ng panlabas?"
"Si Tita Andrei mo, niyaya tayong lumabas"
"Tita Andrei?" nasasabik niyang inulit ang pangalan ni Andrei. "Yehey!" gustong gusto ni Lily na kasama si Andrei dahil ini-spoil niya ito.
Biglang may kumatok sa pinto, dali-daling pinagbuksan ito ni Lily.
"Hello, munchkin" bati ni Andrei.
"Tita Andrei!" sigaw niya.
Binuhat ni Andrei si Lily at pumasok sila. Napatingin siya sa akin, ngumiti siya ng malapad. "Hello, Bella. Para sayo" may binigay siyang flowers, tinanggap ko naman iyon at nilagay sa vase.
Kung titignan ng ibang tao, parang anak na rin ni Andrei si Lily dahil magkamukha talaga sila. Girl version kasi ni Lily si Andreu kaya mas nakuha niya ang features ni Andrei, since identical twins sina Andrei at Andreu.
Binalik ko yung ngiti niya. "Salamat sa flowers. Kunin ko lang yung bag ko sa kwarto" tumango siya. Pagbalik ko, naglalaro silang dalawa. "Girls, tara na?"
"Yes, Mommy!" sabay nilang sigaw.
Tinaasan ko ng kilay si Andrei, tumawa lang siya. Binuhat niya ulit si Lily at lumabas na kami, ni-lock ko yung door at gate.
Nilagay niya si Lily sa car seat, palagi nang nandun yung dahil palagi niya kaming nilalabas. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinapasaya niya ang anak ko.
Pinagbuksan niya ako sa passenger seat. "Salamat..."
Hinintay ko siyang makapasok sa kotse, at sinimulan niya ng paandarin ang kotse.
Tahimik lang kami habang bumabiyahe. Lumingon ako kay Lily na nakatulog na, na-stuck na rin kasi kami sa traffic.
"Nakatulog na siya, may 30 minutes pa tayo bago tayo makapunta sa beach"
"Beach?!"
"Surprise!" tumawa siya.
"Hindi mo man lang kami sinabihan na kumuha ng damit"
"Don't worry, I got the both of you. Gusto kong magrelax ka muna, masyado kang stress sa trabaho. Mag-unwind muna tayo"
Tama nga naman siya, wala na akong time noon para makapagrelax. Weekend naman ngayon eh, pagbigyan ko na. Para na rin kay Lily, gustong gusto niyang naglalaro sa tubig. Kaya minsan matagal siyang matapos maligo dahil naglalaro muna sa tubig.
"Thank you, Andrei. Nandiyan ka lagi para sa anak ko"
Yung isang kamay niya kinuha ang kamay ko. "Lahat naman gagawin ko para sa inyo, pumapayag ka na bang maging tayo?"
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceBOOK 1 "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na..." napatigil ako dahil hinalikan niya ako sa labi. "Kahit anong dahilan pa iyan, hindi magiging hadlang upang mahalin kita" pahayag niya. Hindi ko maiwasang mapangiti, napakaswerte ko sa babaeng ito.