Chapter Eighteen

641 27 0
                                    

Calixta Salazar

Isang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Bella, umalis na sila ni Lily sa dati kong condo at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Akala ko babalik sila sa dati nilang tinitirhan noon, pero nung pumunta ako may iba ng nangungupahan doon.

"Buti naman at natauhan na ang magaling kong anak" I rolled my eyes when I heard her spoke.

"Tama na, Mom. Ginawa ko na ang gusto mo, huwag mo nang ipamukha pa sa akin"

"Your fiance will come home soon, next next week. Ngayon ko lang nalaman na pinutol mo pala ang connection niyong dalawa kaya hindi mo pa pala alam ang kalagayan niya ngayon"

"Why? What happened to her?" taka kong tanong, tinignan niya ako ng masama.

"She's pregnant"

Bumilog yung mga mata. "What?!"

"Huwag mo ng tanungin kong sayo dahil sayo naman talaga, she's I think 3 months pregnant already. Buntis na pala siya before pumunta sa Australia"

"We've only done it once, yung araw na hindi ko napigilan ang sarili"

"Tignan mo, nagbunga ang ginawa mo sa kanya. Man up, my daughter. Panagutan mo siya, dinadala niya ang isang Salazar"

"Kailan mo pa alam na buntis siya?"

"Matagal na"

"Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi?"

"Kasi ang akala ko alam mo na, ang akala ko may communication kayo. It's your fault na ngayon mo lang malalaman. Kaya nagtataka ako noon na bakit pinili mo ang babaeng yun at ang bastardo niyang anak kaysa sa totoong mag-ina mo"

"Hindi mo na kailangan pang insultuhin sila, lumayo na ako kaya pabayaan mo na sila"

Tumayo siya na hawak ang glass of wine, lumapit siya sa akin. "Ngayon na alam mo nang may anak ka kay Kyla, I don't have to worry about you getting back into that woman's life. Kasi may isip ka naman diba? Mas pipiliin mo ang kadugo mo kaysa sa hindi"

Inubos niya yung wine saka ako iniwan.

***

"Shane, hindi pa pala kita napapasalamatan sa pagtulong sa akin last week"

Nung araw na yun, plinano kung gawin ang halikan si Shane kahit masakit para sa akin at para na rin kay Bella. Kailangan niyang maniwala na may babae ako para siya na ang kusang lumayo. Masakit para sa akin tignan na sobra siyang nasaktan sa ginawa ko pero kailangan ko yung gawin, para sa kapakanan nila. I can't risk involving them in my disaster life, mas mabuti nang lumayo sila kaysa madamay pa.

"Buntis pala si Kyla?" tumango ako. "I saw her posted a pic of herself showing her little bump with the caption 'I'm carrying little Calixta', nagtataka lang ako paano mo siya nabuntis eh nandun siya sa Australia"

I sighed. "She's 3 months already, kaya buntis na pala siya before going to Australia"

"Ginalaw mo na pala siya, hindi ba talaga mapakali yang ano mo ha?" tinignan ko siya ng masama, tumawa siya. "Chill, pinapatawa lang kita"

"Well, hindi nakakatawa"

"Masyado kang tense, I think we should go take a walk for awhile?"

"No, I don't need it"

"I just want to help, to ease your pain"

"Yeah, I really need your help Detective Hernandez"

She smirked. "Now, you mean business. It's been a while since you needed my help with my profession. Okay let's get down to business, ano naman kaya ang ipapagawa ng aking shutang best friend?"

"I want you to know where is Bella and her daughter right now"

Napabuga siya. "Lexy naman, bakit mo pa sila hinahanap? Huwag ka naman maging marupok"

"I just need to know if they're safe kung saan man sila naninirahan ngayon, malaman ko lang na safe sila kahit hindi mo sa akin sabihin kung anong location nila. Gusto ko lang mapakali ang nararamdaman, please Shane. I still love her, you know. And I care for her very much. I really love her. Hindi iyon mawawala, kahit wala na kami"

"Fine..."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you!"

"I pity you though, the destiny is so cruel to you. You don't deserve this, but I know that you're a strong woman. You can handle this, am I right Calixta Salazar?"

"Very much right" I smiled.

"That's my girl!"

***

Today is the day that Kyla will come home, hinihintay ko na lang siya dito sa airport.

"Baby?" I heard that familiar voice again, lumingon ako.

Excited siyang nilapitan ako at niyakap, kumalas agad ako at tinitigan siya. My Eyes were glued on her belly, she's wearing a jacket kaya hindi mapapansin. Napansin niya atang nakatitig ako sa tiyan niya kaya in-unzip niya yung jacket at bumungad sa akin ang umbok ng tiyan niya, hindi pa kalakihan pero kita pa rin. Shet totoo nga.

Yung kamay ko na medyo nanginginig ay dumapo sa tiyan niya, hinaplos ko ito. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, ramdam ko ang koneksiyon sa batang nasa sinapupunan niya. Ito ba ang pakiramdam ng isang ina?

"Sorry..."

"What are you apologising for?"

"Kailan lang na nalaman kong buntis ka because I shut you off, I cut off our communication. Hindi ko alam, Kyla. I feel so guilty, may kasalanan na ako sa anak natin kahit hindi pa siya lumalabas. Wala ako sa tabi niya for 3 months"

"Hey..." pinunasan niya ang luha, ay ang oa ko na pala. May paiyak iyak pang nalalaman. "It's fine, besides you still have 6 months to watch him or her grow in my stomach"

Tumango ako. "Tara na, para makapagpahinga ka na" pumasok na siya sa passenger seat, kinuha ko yung mga gamit niya at nilagay sa compartment ng kotse.

Pumasok na ako sa driver seat at pinaandar ang kotse. "I'm so excited for next week, matutuloy na ang na-postponed nating kasal" nasasabik na saad niya.

"How's Tita Belinda?"

"Her state worsen, pero stable siya as of now. I think, maabutan niya pa rin ang paglabas ng apo niya. She's really excited as much as I do"

"Alam na ba ni Tito Renato" napalunok ako after mabigkas ang pangalan ng ama niya.

"Yes, he's the first one to know"

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon