Tinititigan ko yung bright lights, nakaupo ako dito sa veranda habang nagyoyosi.
Nilingon ko yung wall clock, it's 4:20. Wow, sakto sa ginagawa ko ngayon. Being high makes me forget the cruelty of the reality for awhile.
Nakalahati ko na pala yung isang box, nang hindi namamalayan. I put it aside, sa side table. Tinabihan ko na si Bella na mahimbing ang tulog, matutulog na rin ako.
***
Bella Vergara
Nagising akong masakit sa bandang ibaba, napatingin ako sa katabi kong mahimbing pa rin ang tulog. Grabe, ginawa na pala namin yun kagabe. That is our first night together, it's amazing.
Tinitigan ko siya, napakaganda niya talaga. Feminine ang features, hindi mo aakalaing may tinatago siyang malaking talong.
Tumayo ako pero paika-ika akong naglakad, sa laki niyang yun parang winasak na yung loob ko. Masakit pa rin hanggang ngayon. Bago pa ako makalayo sa kama, may napansin ako sa side table. Nilapitan ko iyun, isang box ng sigarilyo. Lumapit ako sa veranda, maraming cigarette butts doon. Ayaw na ayaw ko pa naman ng ganito.
"Love? Good morning" ngumiti siya, at minamanyak na naman ang hubad kong katawan.
Kunot noo ko siyang hinarap. "Naninigarilyo ka?"
"H-huh?" pinakita ko sa kanya ang box ng sigarilyo.
"Nanigarilyo ka ba kagabi? Saka ganun karami?" tinuro ko yung banda ng veranda. "Hinati mo pa yung isang box!" namumuong galit na saad ko. Tinapon ko yung sigarilyo sa basurahan. "Huwag mo nang balaking kunin pa yun sa basurahan" mariin na tinitigan ko siya.
"Ayaw mo sa naninigarilyo?"
"Maaari kang magkasakit doon? Bakit ba kasi naninigarilyo ka? Ikaka-pogi mo yun?"
Napabuga siya. "To lessen the sadness"
"Maraming ibang paraan para lumigaya, that's bad for your health. Tigilan mo na paninigarilyo kung ayaw mong..."
"Oo na po, titigil na" napipilitan niyang saad.
"Dapat lang..." dumiretso na ako sa bathroom, para maligo.
***
Nakauwi na kami dito sa Pilipinas, hinatid muna kami ni Calixta bago pumunta sa Nanay niya. Kinakabahan ako para sa kanya, kita ko yung takot at lungkot sa mukha niya habang nagmamaneho kanina.
Ako muna ang pumasok, binaba ko yung mga gamit namin. Madilim kaya binukas ko yung ilaw. Bumilog ang mga mata ko, nakangisi siyang nakatitig sa akin.
"Welcome back, Bella" lumapit siya sa akin. Biglang may ini-spray sa mukha ko, nagiging blurry na ang paningin ko.
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, malawak ito. Pero pamilyar yung amoy, biglang may pumasok.
"Andrei..." naalala ko yung nangyari, may ini-spray siya para mawalan ako ng malay. Matalim na tinignan ko siya. "Bakit ako nandito? Nasaan ang anak ko?"
"Don't worry, mahal ko. Nasa labas lang siya kalaro ang mga maids"
"Bakit mo ito ginagawa, Andrei?" malumanay kong tanong.
Lumapit siya at umupo sa tabi ko, hinaplos niya ang mukha ko. "Dahil mahal kita. Kalimutan mo na si Calixta, magkakaanak na rin sila ni Kyla" taka ko siyang tinitigan. "Yes, buntis si Kyla sa anak ni Calixta. Isang buwan na siya, I think. Bubuo na sila ng pamilya, kaya dapat tayo rin" ngumisi siya.
Umiling ako. "Hindi totoo yang sinasabi mo"
Napabuga siya. "Believe me, Bella. Dinadala na ni Kyla ang tagapagmana ng mga Salazar. Maawa ka sa bata, Bella. Huwag mong ipagkait sa bata ang ama niya" matalim ko siyang tinignan. "Ngayon, pamilya na tayong tatlo ni Lily. Ayaw mo ba nun? Magkakaroon na si Lily ng isa pang magulang"
"Kaya kong buhayin ang anak ko kahit mag-isa ko lang. Aalis kami ni Lily"
Nanlisik ang mga mata niya at biglang pumatong sa akin, napasinghap ako sa ginawa niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Walang aalis dito sa bahay" galit niyang saad. Sinunggaban niya ako ng marahas na halik, nagpupumiglas ako pero talagang malakas siya.
Naiiyak na lang ako, dahil wala akong magawa. Bumaba siya sa leeg ko. "Tama na, please..." nagmamakaawa na ako. "Tama na!"
Nagising akong tagaktak ang pawis, hinahabol ko ang hininga. Tinignan ko si Lily na mahimbing ang tulog sa tabi ko, nasa bahay kami.
Panaginip lang yun, pero parang totoo.
***
"Love? Ba't tulala ka dyan?" tanong ni Calixta tapos tinuon ang pansin sa pinapanood niya.
Nandito kami ngayon sa dating condo ni Calixta, hindi na daw niya ginagamit kaya gusto niyang kami nalang ni Lily ang maninirahan dito. Tinanggap ko na ang alok niya dahil natatakot rin ako na baka biglang dumating si Andrei, lalo pa't nagpapahiwatig siya sa panaginip ko.
Yung tungkol naman sa Mom ni Calixta, hindi naman siya nagkukwento kaya pinalagpas ko na. Ayaw ko na ring makisawsaw sa away nila baka lalo akong pag-initan ng nanay niya.
"Ano ba yang pinapanood mo?" umupo ako sa tabi niya. "Huy ano yan!" biglang uminit yung pisngi ko nung nakita ko kung ano pinapanood niya, nagtatalik sa ship.
"365 dni. Gusto mo bang panoorin yung Fifty Shades?" nakangising tanong niya. "Tapos gawin natin pagkatapos" kumimdat pa siya, binatukan ko siya. "Aray!"
"Kain na tayo, luto na yung pagkain. Tatawagin ko lang si Lily"
"Anong dessert? Kung wala, okay lang. Meron ka naman eh, mabubusog pa ako"
Tinaas ko yung kamay ko, takot na lumayo siya sa akin. "Kung hindi titigil yang bastos mong bibig, dadapo ito sa bibig mo"
"Hindi na..." tumalikod na ako. "...ako titigil" napasinghap ako dahil tinampal niya ako sa pwet.
"Punyetang nilalang" tumakbo siya palayo, kaya hinabol ko. Para kaming aso't pusa dito. "Huwag kang tatabi sa akin mamaya" hinihingal kong saad. Hindi ko siya mahabol, masyado siyang mabilis.
Nag-pout siya nung narinig niya yun, at lumapit pero alarma pa rin sa aksiyon ko. "Sorry na, love"
"Sorry sorry mo mukha mo" iniwan ko siya, dumiretso ako sa kwarto ni Lily. Simula nung lumipat kami dito, tambayan niya na ang kwarto niya dahil nandun lahat ng mga kagustuhan niya. Nasasanay na siyang hindi ako katabi matulog, lumalaki na ang anak ko. Mabilis talaga ang panahon. Kumatok muna ako. "Anak? Kain na tayo"
"Sige po Mommy!" hinintay ko siyang lumabas, saka sabay kaming pumunta sa kitchen. Nandun na si Calixta, na namumulutan. Ngumiti siya na parang inosente.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceBOOK 1 "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na..." napatigil ako dahil hinalikan niya ako sa labi. "Kahit anong dahilan pa iyan, hindi magiging hadlang upang mahalin kita" pahayag niya. Hindi ko maiwasang mapangiti, napakaswerte ko sa babaeng ito.