Chapter Eight

804 34 0
                                    

Calixta Salazar

At least napatawad na ako ni Kyla, mahigit dalawang linggo ako nagpakatuta para mapatawad niya lang. Kung hindi ako mapapatawad ni Kyla, siguradong sa kulungan ang bagsak ko. Mas lalong magagalit si Mom dahil sa reputasyon na pinoprotektahan niya. Naiinis lang ako kasi, she's taking advantage of the situation. It's like we're playing the 'Can't Say NO Challenge'. Lalo pa siyang nagkaroon ng confidence na angkinin ako.

"Baby, where have you been this morning?" nagulat ako dahil naka bra at panty lang siya.

"Kumain"

Ngumuso siya. "Bakit naman hindi ka nag-invite?"

"Nakatulog ka, saka may ginawa rin ako sa labas"

"Hmm, okay"

I was forced to live with her, dahil nga dun sa ginawa ko. Nalaman din ni Tito Renato, Dad ni Kyla, ang ginawa ko sa anak niya. Takot na takot talaga ako dahil makapangyarihan ang mga Rodriguez, kahit isa akong Salazar pwede niya pa rin akong pabagsakin. Ang akala ipabubugbog niya ako or what, pero parang natuwa pa siya sa ginawa ko dahil gagawin rin daw namin yun kapag naging mag-asawa na kami ni Kyla. Kaya bumili si Tito ng condo para sa aming dalawa, wala na akong magagawa pa kundi tumira dito kasama si Kyla. Syempre tuwang tuwa naman si Mom. Talagang wala akong takas kay Kyla, malakas ang kapit niya kay Tito.

"Lalabas ako mamayang gabi" paalam ko sa kanya.

Tinanggal ko yung jacket ko, at yung shoes ko. Naramdaman ko ang paghapit niya sa baywang ko, yung daliri niya pumunta sa abs ko na visible dahil naka crop top lang ako.

"Where will you go, Baby?"

"Tumawag yung best friend ko, si Shane. May pupuntahan lang kami"

"Pwedeng sumama?" niyakap niya ako, ginalaw niya yung ulo niya sa chest ko para makatingin sa akin. Maliit rin kasi siya eh, gaya ni Bella.

Haist, Bella. Naalala ko na naman siya, galing ako sa Bonnie's Restaurant kaninang umaga. Hindi ko aakalain na magkikita kami doon, doon pala siya nagtatrabaho.

"Best friend night out kasi yun eh" dahilan ko, totoo naman.

Ngumuso ulit siya, palagi niyang ginagawa yan eh. Nakakairita na minsan.

"Umuwi ka ng maaga, huwag kang papagabi" mariin niyang sabi at humiwalay. Nanay kita ghorl?

***

"Lexy!" sigaw ng babaeng parang lumunok ng megaphone. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Na-miss ko rin itong babaeng ito. Siya si Shaniah Hernandez, best friend ko. Actually may history kami noon and it didn't work out, kaya we stayed as best friends na lang. Siya ang nagbigay sa akin ng nickname na yun, at siya rin lang nagtatawag sa akin nun.

"Kailangan bang sumigaw, Shane?" naiirita kong tanong.

"Hehe, sorry naman. Sungit mo ngayon ah, Lexy" pinisil niya yung ilong ko.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko at papunta sa kotse ko pero hinablot niya ang kamay ko at hinila papunta sa kotse niya.

"Isang kotse lang ang gagamitin natin ngayon, at yung kotse ko ang gagamitin natin. Gusto mo bang ma-carnap ulit yang kotse mo ha? Mahilig ka kasi sa mga bright colors na sasakyan"

"Okay okay, miss" tinignan niya ako ng masama, ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siya nun.

Palagi kong inaasar yun sa kanya dahil yun ang nagsimula ng pagiging close namin noon.

Pumasok ako sa passenger seat, siya naman sa driver's seat. Pinaandar na niya ang kotse. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, saan tayo pupunta?"

"Sa bar malamang, doon naman tayo palagi pumupunta diba?"

"Saan naman ngayon?"

"Sa Baltazar Bar, yung pinaka mamahaling bar. Sobrang strikto dun, hindi makakapasok dun ang hindi pa verified"

"Teka, hindi pa tayo verified dahil ngayon lang tayo pupunta doon"

"Don't worry, Lexy. I got this" ngumisi siya, ano naman kaya binabalik niya. Sana mag work this time, lagi siyang olats eh kaya lagi rin na ako ang back up.

"Galingan mo ah, kung hindi..."

"Tiwala lang kasi, anukaba" bumiyahe kami ng ilang minuto lang. "We're here!"

Pinarada niya ang kotse sa madilim na part, laging pribado ang lugar na pinagpaparadahan niya ng kotse. Ayaw niyang tinitignan ng mga tao, hindi siya showy, hindi kagaya ko.

Merong dalawang bouncer na naglalakihan ang mga katawan, matatangkad pa sila. Sinusundan ko lang si Shane, lumapit na kami sa dalawang bouncer. Wala silang emosyong pinapakita, talagang propesyonal ang mga ito. Pinigilan nila kami. "Verified or not?" tanong ng isa.

"Boyfriend ko si Victorio Baltazar, ang amo niyo" sagot ni Shane, teka anong pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Proof?" tanong naman ng isa.

Nilabas ni Shane ang phone niya at nag-dial, pinakita niya sa mga bouncer ang caller ID. Sinilip ko din, nakasulat Baby V.

"Hello, baby? Ayaw kaming papasuking ng mga bouncer mo" paawang saad ni Shane.

"Loudspeaker" rinig ko sa phone, pinindot naman ni Shane ang loudspeaker at ngumisi sa mga bouncer.

"Harold at Benjie, papasukin niyo ang girlfriend ko at ang kaibigan niya" rinig namin mula sa phone.

"Thank you, baby" saka niya pinutol yung tawag, tinaasan niya ng kilay yung mga bouncer.

Binuksan nila yung pintuan, hinila ako ni Shane papasok saka sinarado. "Shane, boyfriend mo yung may-ari ng bar na ito?"

"Hindi. Mamaya ko na ipapaliwanag, ang importante nakapasok tayo" may hallway pa kasi, lalakarin pa namin. Habang papalapit kami lumalakas yung beat ng music, hanggang sa naabutan namin yung isa pang pinto. Pumasok kami, bumungad sa amin ang malakas na beat ng music.

Nagtinginan kami ni Shane at napangisi, mapapasabak na naman kami ngayong gabi. Sa tuwing pumupunta kami sa bar, unang pasok pa lang namin naghihiwalay na kami ng landas. At yun nga ulit ang nangyari, hindi ko na nakita si Shane. Nag-eenjoy na siguro yung babaeng yun, might as well maghanap rin ako ng ikaka-enjoy ko.

Umupo ako sa bar counter. "One martini, please" lumingon sa akin yung free na babaeng bartender. Napansin kong puro babae ang mga bartender at yung suot nila, well parang wala na nga silang mga kasuotan eh. Nakasuot lang kasi sila ng lingerie, at talagang toned ang pangangatawan nila.

"Martini, coming right up" malanding inabot niya sa akin ang drinks ko.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon