Chapter Sixteen

670 29 1
                                    

Calixta Salazar

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang pinag-usapan namin ni Mom last week, pagkauwi ko sa mansion.

*Flashback*

Hinihintay ko siyang magsalita, nandito ako ngayon sa office niya na prenteng nakaupo lang.

"Hindi mo ba talaga lalayuan ang babaeng yun?" kalma niyang tanong.

"Mom, mahal ko siya. Girlfriend ko na siya, wala ka ng magagawa dun"

"Paano ang fiance mo? Si Kyla? Engaged ka na, Calixta. Bakit ka pa nakikipag relasyon sa iba ha?!"

Sige Mom, paulit ulit tayo dito.

I sighed. "Mom..."

"Pagbibigyan kita sa ngayon"

Bumilog yung mga mata ko, seryoso naman siya. Totoo ba ang narinig ko? Hindi naman ako nanaginip diba? "Really, Mom?"

Tumango siya, tapos blanko lang yung mukha niya. Ano naman kaya ang nakain niya at biglang nagbago ang isip niya.

*End of Flashback*

May suspetya pa rin ako sa kanya, hindi kasi ako mapakali eh. Hindi ako umuuwi sa mansion after ng usapan namin ni Mom, dito lang muna talaga ako sa dati kong condo na pinamigay ko kina Bella.

About kay Kyla naman, next month pa siya uuwi. Nag-extend pa siya dahil nga sa Mom niya, yun ang sabi sakin ng personal assistant ni Mom. 2-3 months na ata siyang nandun at wala kaming contact sa isa't isa. Palagi niya akong tinatawagan kaya nag deactivate muna ako ng account at nagpalit ng sim card, kaya ayun hindi kami nag-uusap ng mahabang panahon. And, I'm glad for that. Now, I'm focused with my girlfriend and her daughter.

"Ma'am? Hindi pa po ba kayo matutulog? Tulog na po si Ma'am Bella at si Lily" napatingin ako kay Linda.

Oop, I forgot to say. Kasama rin pala namin si Linda na umuwi dito sa Pilipinas, magiging personal maid na siya nina Bella at Lily dito sa condo.

"Ahh, mamaya na hehe"

"Sige po, pero ayaw niyo po ba ng kasama?" ngumisi siya.

Umiling ako. "No need, matulog ka na rin"

"Sige po, Ma'am. Goodnight"

"Night"

"Ahy ikli, sungit naman" bulong niya pa, saka umalis na. Nagreklamo pa, at least I responded.

Biglang umilaw yung phone ko at nag vibrate sa lamesa, may tumatawag. Si Shane. Siya lang nakakaalam ng new number ko, pati na rin si Bella.

"Hello?"

"Lexy!" sigaw niya, ayan na naman yung nakalunok ng punyetang megaphone.

"Ano?" bored kong tugon.

"Bumalik ka na pala, last week pa. Hindi mo man lang ako sinabihan, punyeta ka. Hindi ba ako importante sa fucking life mo ha?" hurt pa daw yung tono ng boses niya.

"Sorry na, I'm pre occupied kasi"

"With what?"

I sighed. "Many things"

"Hindi ka na nag oopen up sa akin" kahit hindi ko siya katabi, alam kong nakabusangot ang mukha nun ngayon.

"I have a girlfriend"

Nilayo ko muna yung phone, alam kong sisigaw yun. "Whaaat!" tama nga ako. "Kailan pa? Huy, meet tayo bukas, marami kang ikekwento sa akin punyeta ka"

Tumawa ako. "Opo, boss!"

"10am sharp, sa Pizza Hut. Okay, bye" in-end call na niya, hindi pa ako sumasagot. Paano kung umayaw ako? What a spoiled brat, kaya niya talaga akong kontrolin noon pa.

"Hindi ka pa matutulog?" gulat akong napatingin sa dyosang mariing nakatitig sa akin. Nakasuot siya ng night gown, puta ang sexy niya tignan sa spot niya ngayon. The moonlight shines upon her skin, and she glows like a goddess.

"Kanina ka pa diyan?"

"Hindi nga eh, hindi ko narinig na may imi-meet up ka sa Pizza Hut"

"Ahh, oo. Si Shane, best friend. Nag-aaya kasi, don't worry ipapakilala ko din siya sayo soon" ngumiti ako.

"Okay, siguraduhin mong hindi mo babae ang kausap mo"

Tumayo ako at nilapitan siya. "Love, you know naman na ikaw lang" hinalikan ko siya sa labi, tumugon naman pero tinulak rin niya ako. Ano ba naman yan, bitin!

"So hindi ka pa ba matutulog?" nakataas yung kilay niya.

"Hindi pa"

"Gusto mo bang i-lock ko yung kwarto, since hindi ka rin naman matutulog"

"Sabi ko nga matutulog na ako eh"

Welp, I'm fucking whipped.

***

"So, what's her name?" tanong niya habang ngumunguya, I almost didn't understand what she's saying.

"Bella"

"Oh, she must be pretty"

"Beautiful" I smiled while thinking of Bella. "Actually, she has a nice daughter named Liliana aka Lily"

"Instant nanay ka na pala" tumawa siya. "Paano na si Kyla?"

"Hindi niya alam" saad ko at nilantakan yung pizza.

"Tapos sabi mo pa na darating siya next month. Nag-uusap ba kayo?"

"Nope"

Umiling siya. "Huwag kang hihingi ng tulong sa akin kapag uuwi na si Kyla dito. Alam mo namang isa siyang Rodriguez, malakas ang pamilya nila. Yes, mayaman ka Calixta. Pero isang snap lang ng Dad niya, pwedeng bumagsak ang business niyo or worse ipapatay ka"

I rolled my eyes. "Tama na, yan palagi ang naririnig ko. Alam ko na yan"

"But why won't you act up? Bakit parang chill ka pa diyan? Lexy, I care about you. Ayaw kong may mangyaring masama sayo dahil sa maling desisyon. It's not bad to sacrifice your happiness in order to be safe, you know. Alam kong mahal mo yung girlfriend mo pero isipin mo yung kapalit kapag tinuloy mo pang makipag-relasyon sa kanya. Isipin mo, hindi lang ikaw ang madadali dito. Maaaring si Bella rin. You don't want to get in the bad side of the Rodriguez right?" hinawakan niya ang kamay ko sa table. "But, I still respect your decision. Just please, be very cautious"

Tahimik lang ako doon na nakaupo, tinuloy niya naman na kumain. Her words still sinking in my mind. I sighed.

She's fucking right. Bakit hindi ko yun naiisip? Was it because I was so blinded by my happiness?

Shane did it but Mom didn't.

Pareho lang ang sermon nila but Shane made me realise everything. That's because I trust Shane more than my Mom.

Tito Renato is not the best person to mess with. Kapag tinuloy ko pa ito, maaaring madamay sina Bella at Lily. I can't risk them, I love them too much.

Bullshit! I'm so fucked up!

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon