"Wow..." nakatitig siya sa buong katawan ko.
Lumapit siya, nakatitig pa rin siya sa katawan ko lalo na sa cleavage ko. "Sigurado akong maraming mga manyak dito, kaya dito ka lang sa tabi ko"
Makapagsalita naman ito, siya nga unang nangmanyak eh.
Nauna na akong lumabas, hindi ko na siya hinintay pa na isarado yung pinto. Umupo ako sa bakanteng lounge, medyo marami rin ang nakatambay dito.
"Ma'am Bella!" nakita kong tumatakbo si Cheche papunta sa akin, puno ng pag-aalala ang mukha niya.
"Bakit? Nasaan si Lily?"
"Ma'am, kasi po"
"Anong nangyari? Dalhin mo ako sa kanya!" medyo napataas ang boses ko kaya maraming napatingin, pero wala akong pakialam.
"Halika po, ma'am" agad ko siyang sinundan.
Sa kalayuan, malapit sa dagat. May mga taong nagbumbungan, bigla akong kinabahan. Tumakbo ako at nakipagsiksikan sa mga tao hanggang makita ko kung ano ang tinitignan nila.
"Lily?!" may babaeng nagsi-CPR sa kanya, lumapit ako at hinapit ang anak ko.
Biglang lumabas ang tubig sa kanyang bibig, minulat niya ang kanyang mga mata at umubo. Hinahabol niya pa ang hininga niya.
"Mommy..." mahina niyang tinig.
"Anak" niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko namanalayang tumutulo ang luha ko.
Natakot ako, hindi ko siya kayang mawala.
"Anak mo siya?" napatingin ako sa babae na nagligtas sa anak ko, siya yung babaeng nakabangga ko.
"Calixta?"
"I saw her swimming near the shallows, I felt that something's wrong dahil parang nagwawala siya sa tubig kaya agad ko siyang pinuntahan" naka-shorts at sports bra siya, yun pa talaga ang napansin ko?
"Salamat, utang ko sayo ang buhay ng anak ko" hinawakan ko ang kamay niya. "Pasensya, wala akong maibibigay na pera kapalit ng pagsagip mo sa anak ko"
Umiling siya at ngumiti. "Hindi na kailangan, Bella"
"Per--"
"Kung gusto mo ng kapalit, can we hang out next time?"
"Pwede naman..."
"Great!"
"Bella?!" tumatakbo papunta sa amin si Andrei, napansin kong wala na rin yung mga umaaligid sa amin na mga chismosa. Naka-shorts na rin siya, kaya pala matagal siyang sumunod. "Anong nangyari?"
"Muntikan ng malunod si Lily, buti na lang sinagip siya ni Calixta"
"Calixta?" taka niyang tanong, napatingin siya kay Calixta.
"Salamat..." tumango lamang si Calixta at tumayo.
"I should go" ngumiti siya sa akin at tumalikod na.
"Yung babaeng yun na naman?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya at binuhat si Lily.
Dumiretso kami sa kwarto, pinaliguan ko siya at pinalibutan ko siya ng twalya pagkatapos. Binihisan ko siya, at nagbihis na rin ako.
Pumasok si Andrei, nagtataka siya sa akin.
"Bakit ka nagbihis?"
"Gusto ko nang umuwi kami, ayaw ko nang maulit pa ang nangyari sa anak ko. Kung gusto mo pang dumito muna, mauuna na kami. Magtataxi na lang kami ni Lily. Salamat"
Since wala naman kaming ibang dala, yung pinagpalitan lang namin na damit ang kinuha ko na nakalagay sa bag. Binuhat ko muli si Lily at lumabas sa kwarto.
"Sandali, Bella. Please, bukas na tayo umuwi. Magdadagdag ako ng bodyguards para mabantayan ng husto si Lily"
Umiling ako. "I'm sorry"
Tumalikod na ako at lumabas sa resort, maghihintay na lang kami ng taxi.
Ilang minuto na rin, wala pa ring taxi ang dumadaan. May tumigil na asul na sasakyan, magara siya. Bumaba ang bintana, bumilog ang mga mata ko.
"Get in..." si Calixta. "Come on, hindi ko kayo kikidnapin" pagbibiro niya, biro naman yun diba?
Lumabas siya at pinagbuksan kami, nangangalay na ang mga kamay ko dahil nakatulog si Lily na buhat ko, isali na natin yung bigat ng bitbit kong bag.
Kinuha niya yung bag mula sa balikat ko, at nilagay sa back seat. Dahil pagod na ako kakatayo, pumasok ako sa passenger seat. Inayos ko ang posisyon ni Lily, pumasok siya at pinaandar yung kotse.
"Bella?!" tumingin ako sa side mirror, nandun si Andrei nakatayo.
"Girlfriend mo ba yun?" umiling ako. "The father of your daughter?" umiling ulit ako.
Paano naman magiging ama ng anak ko si Andrei, eh babae siya. Kahit na magkamukha sila, imposible namang siya ang ama.
"Wala ang ama ni Lily. Saka, babae si Andrei, imposibleng magkaanak kami" tumawa ako.
"Oh, I thought..."
"Bakit mo naman naisip na siya ang ama ng anak ko?"
"They're look a like"
"Yes, pero babae siya" pag-uulit ko.
"Akala ko katulad ko siya" saad niya na nagpakunot sa noo ko.
"What do you mean by that?" taka kong tanong.
Umiling siya at tumawa. "Nevermind, ano pala ang address mo?"
"Ituturo ko na lang yung directions" tumango lang siya.
***
Calixta Salazar
"Where have you been, young lady?" I rolled my eyes.
"Mom, I'm already 20. I can go wherever I want"
"Alam mo bang pinaghintay mo dito ang fiance mo?" galit niyang tugon.
I sighed. "Mom, bakit ba kasi gusto niyong ipakasal ako kay Kyla?" naiinis kong tanong.
"Anak siya ng mga Rodriguez, malakas ang business nila. Isipin mo na kapag nag-asawa kayo, mas lalong aangat ang Toy Company natin na iniwan ng lolo mo. Ikatlo lang tayo sa pinakamayan. Una ang mga Rodriguez, pangalawa ang mga Legaspi. Alalahanin mong magiging pangalawa tayo kapag malakas connection natin sa mga Rodriguez, kaya magpapakasal kayo and that's final!" mariin niyang giit.
Puro business na lang ang nasa isip ni Mom. Simula nung namatay si Dad, naging workaholic si Mom. German ang Dad ko, pure Filipino naman si Mom. Pinanganak ako sa Germany, nag-aral ako dito sa Pilipinas hanggang high school at nag-college sa Germany and I came back here after I finished school.
"Alam ko po, Mom. Wala naman akong magagawa eh, palagi mo na lang kinokontrol ang mga desisyon ko sa buhay" binulong ko yung katuloy, baka masampal pa ako.
"May sinasabi ka pa?"
"Wala po. Punta na po ako sa kwarto, I'm exhausted"
"Pupunta ulit dito si Kyla, huwag kang lalabas. Dito ka lang, hintayin mo siya. Kapag sinuway mo ako, I'll cut off your bank accounts"
I gritted my teeth. "Mom!"
Tinaas niya kilay niya. "Don't try me, young lady!"
Napabuntong hininga ako. "Fine!"
"Good, come here" lumapit ako, niyakap niya ako.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceBOOK 1 "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na..." napatigil ako dahil hinalikan niya ako sa labi. "Kahit anong dahilan pa iyan, hindi magiging hadlang upang mahalin kita" pahayag niya. Hindi ko maiwasang mapangiti, napakaswerte ko sa babaeng ito.