Chapter Nineteen

773 32 1
                                    

Heto na ang araw ng kasal namin, no turning back now. Kailangan ko na talagang gawin ito kahit labag sa kalooban ko. Ikakasal kami dito sa Germany.

About kina Bella, they're safe. Shane made sure of that, and I'm glad. Basta masaya na siya ngayon kahit wala ako sa tabi niya. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit, but soon enough I'll be moving on. I have a family to take care of. In just a few months, lalabas na ang anak ko.

"Naks, poging ganda mo diyan ah" tukso ni Shane, siya ang best woman ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, inayos ko yung white suit ko and dust off my white formal shoes.

Naramdaman kong hinaplos ni Shane ang likod ko. "Kita ko pa rin ang lungkot mo, Lexy. You have to let go of her already, for the sake of your incoming baby"

"I know, Shane. It will just take enough time for me to finally move on. I still feel guilty of unintentionally hurting her, I'm hating myself for what I did to her. She didn't deserve that"

"But at least, they're free from danger. As long as they're safe, right?"

Napabuntong hininga ako at tumango. "Right"

"Well, let's go to the church now. We have 20 minutes to arrive there"

"Tara na..."

Nakarating kami doon, marami rami na ang mga bisita.

Kinakabahan akong naghihintay dito sa altar. "Calm down there, Lexy" rinig kong bulong ni Shane.

Ayan na siya, paparating na si Kyla. Nakasuot siya ng napakagandang wedding gown, well it suits her. I can't deny that she's really beautiful, maganda siya. Ako lang itong hindi nakakapansin because I'm focused on Bella. But now, I need to focus on my unborn baby.

She slowly walk down the aisle, I waited for her patiently. Until she finally reached me, I took her hand and we faced the altar. Then the ceremony had started.

Hanggang sa matapos na, and now we're officially married. We're already on our way to the reception, with these limousine.

"You don't know how happy I am, baby. Thank you, I love you so much" hinalikan niya ang pisngi ko.

Patawad, Kyla. Kung hindi ko muna maibabalik ang 'I love you' mo, hindi pa ako handa.

Tahimik kami sa byahe hanggang tumigil na ang sasakyan, bumukas yung bintana sa harapan. "We're already here, Ma'am" tumango kami at lumabas na.

Bigla kaming binati ng mga tao, may confetti pa. Maraming mga kumikinang na naka display surrounding the place, talaga ngang enggrande.

Lumapit sa amin ang parents ni Kyla, naka wheel chair ang Mom niya.

"Congratulations to the both of you" masayang bungad ni Tito Renato. "Alagaan mo ng husto ang anak namin, lalo pa't lalabas na ang apo namin soon enough"

"Opo Tito--"

"Call me 'Dad' please"

"Ahh yes po Dad"

Ngumiti siya. "That's much better in my ears" saka umalis na sila, si Mom naman ang papalapit.

Malapad ang ngiti niya. "I'm very happy for the both of you. Come, the two of you. I'll have some announcement to make" Umupo kami ni Kyla sa nakahandang table para sa amin. "Everyone? Attention please. I have some announcement" lahat ng mga tao ay nakatuon na ang atensyon kay Mom. "Since my daughter and Kyla are already married and expecting a child, the Rodriguez and Salazar will have family ties. The meaning of that, our business will merge. And my daughter Calixta here, will be taking my place as the president of Salazar Toy Company. Please welcome the new CEO"

Ngayon sa akin naman ang atensyon ng lahat ng mga tao. Tumayo ako at sinamahan si Mom sa tabi niya, ngumiti ako ng pilit sa kanila.

This is it, my new life. Welp, heto na nga ang aking kapalaran.


***

*A few months later.*

Bella Vergara

"Andrei!" sigaw ko.

Tumakbo siya palapit sa akin, hinahabol ko ang hininga ko. Ang sakit ng tiyan, sobra.

"What happened, hon? Tell me, what should I do?"

"Lalabas na siya, lalabas na ang anak ko!" bumilog ang mga mata niya. Binuhat niya ako hanggang sa maabot namin ang kotse niya sa garage, saka pinaharurot.

Nasa hospital na kami, hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil sa sakit ng tiyan ko. Pinasok nila ako sa isang room, muli nila akong binuhat at pinahiga sa kama.

"Now, you need to push" utos ng doktor. Iyon ang ginawa ko, napasigaw ako sa sakit.

Push ako ng push hanggang naramdaman kong lumabas na siya mula sa akin, narinig ko ang iyak niya. "It's a boy"

Kahit nanghihina na ako, gusto ko pa rin makita ang anak ko. Binigay nila sa akin ang anak ko, napangiti ako.

Hinalikan ko ang noo niya. "Anak..."

"Kukunin na namin ang bata para malinisan siya ng husto" saad ng nurse, kahit ayaw ko pang ibigay ay binigay ko na. Hanggang sa nagdilim na ang paligid.

Nagising akong masakit ang bandang tiyan ko, hinawakan ko ito. It's flat, I already gave birth.

"Gising ka na, hon"

"Andrei, nasaan ang anak ko"

Biglang bumukas ang pinto, may nurse na dumating tulak tulak ang hinihigaan ng baby ko. Nasasabik akong hawakan ang anak ko, binuhat ko na siya at hinele. Pero may napansin ako sa kanya, ba't hindi siya gumagalaw. Nataranta akong hawakan ang pulso niya, walang beat.

"Nurse, bakit walang pulso ang anak ko! Andrei! Tawagin mo ang doktor! Anak? Anak? Gumising ka na, nandito na si Mommy" tumutulo na ang mga luha. Hindi ito maaari, hindi namatay ang anak ko.

Dumating ang doktor at chineck ang anak ko. "I'm sorry, Ms. Vergara. He's gone. Time of death, 2:36. I'm very sorry"

"Nooo!" niyakap ko ang anak ko ng mahigpit. "Anak ko, mahal na mahal ka ni Mommy" pinugpog ko siya ng halik, at hinehele pa. "Anak, gising na"

"Hon, he's gone" tumabi sa akin si Andrei, umiling ako.

"Hindi! Hindi siya patay! Anak, gising na. Please, nandito na si Mommy. Anak?" humagulgol ako sa iyak.

Hindi...

Hindi...

Hindi...

Mahal na mahal kita anak.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon