Chapter Eleven

749 34 1
                                    

Tama na, Calixta. Magpahinga ka naman kakatakbo sa isipan ko, you need water?

Hindi ulit ako makatulog. Pucha naman.

Sana may Poppy seed din ako kagaya ni Bianca para makatulog, tapos mahuhulog daw ako sa Goddess of Dreams na si Morpheus.

(A/N: Check out my other story, 'In The Arms Of Morpheus', completed po. Kung gusto niyo lang naman, hehez.)

Lalo na yung halik na yun, hinding hindi ko yun nakakalimutan hanggang ngayon. Parang ramdam ko pa rin yung malambot niyang labi, at ansarap niyang humalik.

Oo na, inaamin ko na sa sarili ko. May gusto ako kay Calixta. Nung unang meet palang namin, ibang iba na yung dating niya. Tapos parang umaayon pa yung tadhana dahil palagi kaming nagkikita.

Tungkol kay Andrei, parang kapatid lang kasi ang turing ko sa kanya at hindi na hihigit pa doon.

Naalala ko yung speech ni Calixta, sino kayang tinutukoy niyang babae. Baka ako kasi hinalikan niya naman ako.

Ayan ka na naman, assuming ka talaga Bella.

Pero bakit niya nga ako hinalikan after nung speech niyang yun? May posibilidad kaya na ako yung tinutukoy niya.

***

"Mommy, pwede po ba akong makipaglaro sa labas?"

"Huwag kang lalayo" yun ang lagi kong paalala sa kanya sa tuwing lalabas siya.

"Opo!" tumakbo na siya palabas.

Lumabas din ako para diligan yung mga halaman sa tapat ng bahay, nakabuo ako ng mumunting hardin dahil sa palaging pagbibigay ni Andrei ng bulaklak, dagdag na rin yung binigay ni Calixta.

May tumigil na sasakyan, kilala ko itong kotse na ito. Lumabas yung may-ari, nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Bella..." tinuon ko ulit ang atensyon ko sa mga halaman. "Bella, sorry sa nangyari nung gabing yun. Lasing akong pumunta dito"

"Sa susunod huwag kang pupunta dito kapag hindi ka sober"

"Bella..." kinuha niya yung hawak ko at binaba, saka niya ako hinawakan ng mahigpit. "Pagbigyan mo na kasi ako na mahalin ka, Bella. Ibibigay ko ang lahat sayo, lahat ng akin ay magiging sayo. Basta mahalin mo rin ako, mahal na mahal kita. Ano pa ba ang kailangan mo para makuha kita? Madaming pera, kotse, malaking bahay? Kaya kong ibigay yun sayo" nilapit niya ang mukha niya at hinalikan ako.

Tinulak ko siya at sinampal sa mukha, gulat siyang tumingin sa akin. "Kung yan rin lang pala ang tingin mo sa akin, pwes huwag ka nang magpapakita sa akin"

Hinawakan niya ang mga braso ko ng mahigpit at mariin na tumitig sa akin. "Sa akin ka lang, Bella. Sa ayaw at sa gusto mo" malamig ang tono ng boses niya.

"Nasasaktan ako, Andrei"

"Bitawan mo siya!" biglang may humablot sa akin at inakap ako, si Calixta. "Hindi mo ba naririnig na nasasaktan daw siya"

"Ikaw na naman Salazar? Huwag ka ngang mangialam sa amin"

"May pakialam ako, dahil..." lumingon siya sa akin.

"Dahil ano?!" naiiritang tanong ni Andrei.

"Dahil girlfriend ko siya!" nagulat kaming dalawa ni Andrei sa sinabi ni Calixta. "Kaya umalis ka na, Legaspi"

Natatakot ako sa reaksyon ni Andrei, dahil kitang kita sa mukha niya ang galit. Lumapit siya at sinuntok si Calixta kaya sinigaw ko yung pangalan niya para itigil na niya, nagsusuntukan sila kaya yung mga kapitbahay ay pinaghiwalay sila. Buti na lang hindi dito banda naglalaro ang mga bata at ang anak ko. Hinila ko na si Calixta at tinignan ng masama si Andrei.

"Hindi pa tayo tapos, Salazar!" mariin niyang sabi at bumalik sa sasakyan niya, pinaharurot niya ito.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Ako pa talaga ang inaalala niya, eh siya yung mas nasaktan. Dumudugo pa yung ilong niya.

"Tara na sa loob, gagamutin natin yan"

***

Calixta Salazar

Pagkatapos ko hinatid si Kyla sa airport, dumiretso ako kina Bella.

Kailangang bumalik ni Kyla sa Australia dahil malubha na ang sakit ni Tita Belinda, Mom ni Kyla. Gusto niyang makasama muna ang Mom niya bago ito mawalay sa kanila, gusto niya nga akong sumama eh.

Ito na ang kukunin kung pagkakataon para tumakas mula sa kanya.

Ngayon, nakaupo ako sa living room nina Bella. Yung nangyari kanina sa amin nung Anconda na yun, kinalimutan na lang namin ni Bella.

Walang hiya talaga yung Legaspi na yun, sinaktan niya pa talaga si Bella. Tapos tangina sinuntok pa ako.

"Aray!" medyo napasigaw ako dahil diniinan niya.

"Sorry. Pero, pwede ka namang umiwas sa kanya. Pinatulan mo pa kasi siya"

"Sinaktan ka niya, Bella. She deserves what I did"

"Hindi mo na ako kailangang ipagtanggol pa"

"Isa siyang Legaspi, they get what they want. Hindi ka na safe sa kanya, Bella" hinawakan ko ang mga kamay niya. "What if, sumama ka sa akin sa Germany. Dalhin mo rin si Lily, live with me. You're safer with me, alam kong hinding hindi ka titigilan ng Legaspi na yun"

Tumingin siya sa ibaba at malalim ang iniisip. "Pag-iisipan ko" tumango ako.

Bumukas yung pinto at pumasok si Lily na pawisan. Lumiwanag ang mukha niya nung nakita niya ako. "Ate!" sigaw niya at lumapit. Kumunot yung noo niya na nakatitig sa akin. "Bakit po may pasa kayo sa mukha?"

Patuloy pa rin si Bella sa paggagamot sa mga pasa ko. "Anak, maligo ka na. Malapit na mag lunch"

"Ayos ka lang po ba, Ate?"

"Ayos lang" nginitian ko siya. Tumango siya at umalis para makaligo.

"Pwede ko bang malaman kung sino ang ama ni Lily? She have the looks of a Legaspi"

Napabuga si Bella. "Ang kambal ni Andrei ang ama ni Bella, si Andreu"

"Oh, Andreu Legaspi" nanligaw din sa akin yung lalakeng yun, tumigil siya nung nalaman niyang meron ako ng kung anong meron siya sa ibaba. Well, hindi rin naman ako pumapatol sa mga lalake, never in a million years.

"Okay na siguro yan, papalitan natin ulit mamaya" pinanood ko siyang ayusin yung first aid kit.

"Bella, I like you... a lot"

Tumigil siya sa ginagawa niya pero hindi nakatingin sa akin. Malalim ulit ang iniisip na nakatingin sa ibaba, madalas ko nang napapansin yun. Kapag malalim ang iniisip niya, titingin sa ibaba.

"Gusto din kita"

Shit, my heart!

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon