Chapter Nine

733 34 2
                                    

Biglang may tumabi sa aking babae at inakbayan ako, naamoy ko ang alcohol sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinalikan, narinig kong may naghiyawan. Saka siya humiwalay at iniwan ako, sinundan ko siya ng tingin. Bumalik siya sa table na group of girls, nakatingin sila sa akin at malapad ang mga ngiti.

People here are so wild, I think I belong here.

Medyo blurry yung mukha nila dahil naparami na rin ako ng inom, pati yung humalik sa akin. Hindi ko na matandaan yung mukha.

Lumapit ako sa table nila, medyo tipsy pa akong lumapit. They're at least seven. Wala ng bakanteng upuan kaya umupo ako sa table nila.

"Can I join you, girls?"

"Of course!" sabay nilang sagot.

Antatapang nila, akala ko tipsy na sila dahil considering na maraming bote sa table. Tinitigan ko sila isa-isa, shet bakit familiar silang lahat?

Napabilog ang mga mata ko at napatayo. Maalala ko sila, since high school. Tatlo sa kanila ay mga ex ko tapos yung apat naman naka-fling ko na, magbabarkada pala sila ngayon? Nag-aaway away kasi sila noon eh, syempre ako ang dahilan. Yung iba sa kanila binully ako tapos nahulog din sa akin.

Tumingin ako sa babae na humalik sa akin, shet!

"Oh, naging sober ka nung nakita mo kami ng malapitan?" tanong ni Bethany, yung first love ko.

Hindi ako makapagsalita, hindi ko aakalain na makikita ko sila dito at magkakasama pa. Ilang years na rin na hindi ko sila nakikita.

"Sumexy ka na ngayon ah" saad naman ni Natalie, siya yung humalik sa akin na hindi ko namukhaan. Ka-fling ko rin siya noon.

Chubby chubby kasi ako noon eh at very nerdy pa, kaya binubully nila ako noon. Pero I'm glad dahil may umibig parin sa akin, kahit na ganun ako noon.

"Oo nga, ibang iba ka na. Grabe ang glow up mo" hinawakan ako ni Melanie, my second ex.

"Kayo pala..." yun lang nasabi ko, syempre awkward kasi may connection ako sa kanila.

"Fiance mo pala si Kyla, that bitch!" yun naman si Cheska, another fling.

"Magsalita ka naman, Calixta. Tulala ka ba sa kagandahan namin?" napatingin ako kay Christina, another fling din.

"Oo nga, para kang timang diyan" sabat naman ni Selene, oo isa pang fling.

"Kasi naman..." tinignan ko sila isa-isa ulit, tumigil ang mundo nung nakita ko ulit ang babaeng pinakainiyakan ko. Siya ang ikatlong ex ko, si Arianna. Ngumiti ako sa kanya pero umiwas ako kaagad. "Anyways..." tinignan ko yung oras. "Nice meeting you again girls. Mauuna na ako" tumalikod ako. "Pwede bang akin na lang 'to?" kinuha ko yung isang boteng beer sa table at ininom hanggang maubos. "Salamat"

Blurred na ang nakikita ko, tumalikod ulit ako sa kanila.

Aray! Natamaan yung knees ko sa corner ng table, punyeta naman.

"Okay ka lang?" tanong nila pero I waved it off.

"I'm fine" dayan-dahan akong naglakad.

Biglang may bumangga pa sa akin, susuntukin ko na sana nung nakita ko kung sino. "Aurora?" yung lalakeng 'to na naman.

Nakahawak siya sa baywang ko, hindi siya maitulak dahil wala na akong lakas. Nakita ko ang smirk sa labi niya, binuhat niya ako

"Sandali boy, sa amin siya" rinig kong boses ng babae.

May mga babaeng nakatayo pero blurd na talaga ang paningin ko. Naramdaman kong nahablot ako mula sa lalakeng 'to and everything went black.

***

Nagising akong masakit ang ulo, tangina anong nangyari? Oo nga pala pumunta kami ni Shane sa Baltazar Bar, naparami ata ang nainom ko ah.

Naramdaman kong may mabigat sa tiyan ko, teka ba't may katabi ako? Pareho pa kaming nakahubad, tinignan ko kung sino ito.

"Kyla?"

Nagising na siya at ngumiti sa akin. "Good morning, baby"

Papaanong nakauwi ako dito sa condo?

"Anong nangyari kagabi?"

"Your best friend, Shane. Inuwi ka niya dito, you're so wasted"

Salamat Shane, hulog ka talaga ng langit para tagahatid ko tuwing nalalasing.

"Bakit nakahubad tayong pareho?"

"Don't worry, walang nangyari. I always sleep naked. Tapos ikaw, nakahubad ka because you vomited on your clothes" napangiwi ako.

"Salamat sa pag-alaga kagabi"

"You're my soon to be wife, I will do everything for you" hinalikan niya ako sa labi pero humiwalay agad siya dahil napahawak siya sa bibig niya, tumakbo siya papunta sa bathroom.

Narinig ko ang pagsuka niya, sinundan ko siya. Hinaplos ko ang likod niya hanggang sa tumigil na siya. "Are you fine?"

"This keeps happening every morning"

"Kailangan mong magpa-check"

"I know" sumandal siya sa akin.

***

Papunta ako ngayon sa condo ni Shane, pinindot ko yung door bell nang nakarating na ako. Nakailang pindot ako bago niya binuksan.

"Oh, Lexy?" nakasuot lang siya ng mahabang shirt, ewan ko kung naka panty ba siya. Pumasok ako at umupo sa couch, umupo naman siya sa harap ko. "Tutusukin ko talaga yang mga mata mo, Lexy" banta niya.

Tumawa ako. Tinitignan ko lang naman kung naka panty siya.

"I'm here because I want answers tungkol kagabi, magkwento ka naman. Unahin mo yung paano tayo nakapasok, tapos paano mo ako inuwi"

"Yung kausap ko kagabi, hindi talaga si Victorio Baltazar yun. Binayaran ko lang dahil kaboses niya. Walang nakakaalam sa mga pangalan ng mga bouncer kundi si Victorio lang kaya syempre I did my deep research para malaman pangalan nila, and then ayun sinabi ko sa lalakeng yun yung plano" wow naman, talagang nag effort pa para lang makapasok kami sa bar na yun. "Tapos nakita kitang pinag-aagawan ng mga babae at isang lalake kaya pumagitna na ako at hinablot kita para iuwi. Buti namukhaan agad kita, kundi na-rape ka na ngayon sa isa sa kanila o di kaya baka gang rape pa"

Baka yung tinutukoy niyang mga babae eh yung mga exes at flings ko tapos yung lalake naman ay si Randall ba pangalan nun, basta yun.

"Kilala ko sila, mga exes at naka fling ko noong high school bago ako bumalik sa Germany, except yung lalake ah. Alam mo namang hindi ako pumapatol sa mga lalake"

"Matinik ka talaga, Lexy"

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon