Chapter Twelve

691 33 1
                                    

Hindi alam ni Mom na nandito ako ngayon sa Germany, kasama sina Bella at Lily.

She decided to come with me, since bumalik ulit ang Anaconda na yun sa kanila. Tinakot niya pa talaga si Bella na kukunin niya daw si Lily kung hindi papayag si Bella na mapasakanya. Walang hiya talaga.

Kahit ang kambal niya pa ang ama, wala pa rin siyang karapatan para kunin ang bata.

"Wow! So ganda naman dito!" amazed na tumingin tingin si Lily sa bawat sulok ng living room. "Malawak pa!"

Dito sa dati naming mansion dinala ko ang mag-ina. Wala rin namang naninirahan dito, yung house caretaker lang. Pero syempre pinaayos ko muna ang lahat-lahat bago kami pumunta dito.

Biglang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, kinabahan ako. This is real shit, tumatawag si Mom. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito.

Huminga ako ng malalim at nagbilang hanggang tatlo bago sinagutan. "M-mom?" I stuttered, talagang kinakabahan ako.

"Where are you, young lady?" bakas sa tono ng boses niya ang galit. "Wala ka daw sa condo niyo ni Kyla"

"Ah, nasa ano lang ako Mom" mahina yung boses ko. "Dito..."

"What? I can not hear you!"

"Bakit Mom? May kailangan ba kayo sa akin?"

"Wala naman, tinatanong ko lang kung nasaan ka habang wala pa si Kyla"

"I'm alright Mom, no need to worry about. Bye, Mom. I'm very busy right now" in-end call ko na agad, napabuga ako.

I'm sorry Mom, I need to do this. I just want to be free and on my own for once, hindi ko muna need yung mga orders mo. For now, I'll follow my own lead.

"Ma'am Calixta, pasensya na po pero dadalawa lang yung kwarto. Yung master's bedroom po kasi ay ginawang storage room. Yung kwarto niyo po at ng kapatid niyo lang ang pwedeng gamitin" saad ng headmaid na si Linda.

Tumingin ako kay Bella. "Ayos lang yun, hindi rin naman sanay si Lily na hindi ako katabi"

Napakamot si Linda. "Ay Ma'am, akala ko po kayo ni Ma'am Calixta ang magtatabi. Ginawang kid's bedroom po yung isang kwarto kaya pang-isang tao lang yung kama. Tapos yung isang kwarto naman po, malawak para sa inyo ni Ma'am Calixta. Kayo na po diba?" tukso niya pa.

"Mommy, kayo na po magtabi ni Ate. Nakita ko na po yung room ko, madaming toys. Mommy pwede bang ako lang muna matulog? I'm growing up na po diba?"

"Oh Ma'am Bella, si Lily na po ang nasabi na tabihan niyo na daw po si Ma'am Calixta"

"Tumahimik ka na..." joke lang, ituloy mo pa Linda. Para mapapayag si Bella na tabihan niya akong matulog. Tahimik lang talaga si Bella. "Tara sa bedroom?" tumango siya at kinuha yung mga bags.

Tinulungan ko siya sa pagbuhat hanggang sa umabot na kami sa bedroom namin. Teka, kwarto ito ni Ate Alexa. So yung kwarto ko dati ang kwarto ngayon ni Lily, yung kwarto ko rin kasi ang pinakamaliit sa tatlo. Syempre maliit pa ako nun, nung nandito na kami.

Pumasok kami sa loob, ibang iba. Hindi na kagaya sa dati, naalala ko nun palagi akong pumupunta dito. Umupo ako sa kama. Naalala ko na naman siya, si Ate Alexa. Wala na siya, namatay na siya dahil sa sakit sa puso. 10 years old ako noong namatay siya, 17 pa lang siya nun. Naramdaman kong pinahid ni Bella ang mga luha ko, umiiyak na pala ako.

"Bakit ka umiiyak?" malumanay na tanong niya, nakatayo siya sa harap ko. Kinapit ko yung braso ko sa baywang niya.

"Naalala ko naman si Ate Alexa"

"Kapatid mo?" tumango ako. "Nasaan na siya ngayon?"

"Nasa langit na siya, malaya sa sakit na nararamdaman niya noon"

"I'm sorry to hear that" inalis ko yung mga butones sa damit ko. "Anong ginagawa mo?" inalis ko hanggang makita yung chest ko, pinakita ko sa kanya yung tattoo sa bandang puso ko. "Alexandre Salazar II" basa niya.

Tumango ako. "Yeps, pinangalan rin sa kanya ang pangalan ng Lola namin. Napakaraming memories namin ni Ate Alexa, hinding hindi ko siya makakalimutan. Kaya kung nagkaanak ako ng babae, ang ipapangalan ko sa kanya ay Alexandre Salazar III" hinaplos niya yung ulo ko, aso ba ako Bella?

"Ayaw mo ba ng Calixta Salazar II?" natatawa pa talaga siya.

"Ayaw, baka magiging pasaway din yung anak ko kapag nakuha niya ang pangalan ko. Mas mabuti na yung Alexandre, busilak ang loob" yung ngiti ko bigla na namang nawala.

Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko, inangat niya ang ulo ko para makita niya ang mukha ko. "Huwag ka nang malungkot, ayaw niyang nakikita kang malungkot kaya dapat happy lang" pinilit kong ngumiti. "Ayan, ba't ba ang ganda mo?"

I smirked, nagagandahan pala siya sa akin. "You think, I'm beautiful?"

"Oo naman, bulag lang magsasabing hindi ka maganda" inamin niya talaga. "Siguro marami ka ng ex-boyfriends 'no?"

"Girlfriends, ex-girlfriends. Hello, I'm lesbian and totally not straight. Hindi ako pumapatol sa mga mas maliit pa kasya sa akin"

"Eh parang 5'8 or 5'9 ka naman, maraming mga lalake ang mas matangkad sayo"

Napatawa ako, hindi height ang tinutukoy ko Bella myghaaad. Yung ano sa ibaba namin.

"Actually I'm 5'11 for your information"

"Kahit na, marami pa rin mga lalakeng mas matangkad sayo"

"Bakit mo ba ako pinagtutulakan sa mga lalake? Uulitin ko ba Bella"

"Oo na, lesbian ka and totally spaghetti"

"Uy favorite ko yan! Simula nung bata pa ako, yan na talaga kinakain ko. Straight pa kapag hindi pa nilagay sa kumukulong tubig tapos kapag nainitan at nabasa na, aynaku po lalasapin na"

"Bastos ng bibig mo"

"Huh? Sinabi ko lang naman kung paano maluto yung spaghetti ah. Ikaw ba Bella, straight ka ba?" tumango siya tapos nagkibit balikat. "Gusto mo gawin kitang spaghetti? I'll get you wet until you become not straight"

Binatukan niya ako. Ano naman ba ang sinabi ko?

Iniwan niya akong nag-iisa dito sa kwarto, sumilip pa si Linda. "Ma'am ako, pwede mo akong gawing spaghetti"

Punyeta?

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon