Chapter Seven

828 36 0
                                    

"Restroom lang muna ako" paalam ko kay Andrei.

"Sige..." tumayo na ako pumunta sa restroom.

Ihing ihi na ako.

Pagkalabas ko sa cubicle, nag-ayos ayos naman ako. May pumasok pero tinuon ko pa rin ang atensyon ko sa salamin. Sa peripheral vision ko, nakatayo lang dun yung pumasok kaya nilingon ko siya.

"Calixta?" napansin kong nakasuot siya ngayon ng crop top din na medyo visible yung bra niya. Medyo pareho sila ni Andrei ng fashion style. Kitang kita yung toned abs niya, ang sexy naman 'tong  babaeng 'to.

Ngumiti siya. "Hello, Bella" ni-lock niya yung door at lumapit. Sa bawat hakbang niya, bumibilis yung tibok ng puso ko. "How are you?"

"Okay naman. Ikaw? Rinig ko ikakasal ka na, congrats" bati ko.

Napatingin siya sa ibaba at napabuntong hininga, umiling siya. "It's an arranged marriage"

"Magiging masaya ka din"

"I won't be, hindi siya ang babaeng mahal ko. It's so sad na hindi yung babaeng gusto ko ang mapapakasalan ko" malungkot niyang saad, tinignan ko lang siyang may simpatya.

"Aalis na ako, medyo natagalan na ako. Baka mag-aalala pa si Andrei" naglakad ako, pero naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

"Wait..."

"May sasabihin ka pa?"

Binitawan niya ang braso ko. "Wala"

"Mauuna na ako" malapit na ako sa door, at binuksan yun. Lumingon muna ako sa kanya bago lumabas.

"Okay ka lang? Ba't natagalan ka?"

"Okay lang, nag-ayos ayos lang muna ako"

Tumango siya. "Tara na? Nagbayad na rin ako"

***

"Ate Bella, pwede po bang ikaw muna mag-asikaso sa bagong costumer na pumasok? Pinapatawag kasi ako ni Sir Bonnie" tanong ni Alice, siya ang pinaka-close ko dito sa resto. Saludo nga ako sa kanya dahil working student siya.

"Sige sige, ako na" kinuha ko yung menu at lumabas. Nilapitan ko yung bagong costumer, mag-isa niya lang. Hindi ko makita yung itsura niya, nakatalikod kasi. Pero mukhang maganda, yung suot kasi pang model. "Good morning, Ma'am..." napatigil ako nung nakita ko na kung sino siya.

Nagulat din siya nung nakita niya ako, pero ngumiti siya ng malapad. "I never thought that I'll see you here, Bella. You work here?"

Tumango ako. "Heto pala yung menu" nilatag ko sa table at hinanda yung notepad at ballpen. "We serve breakfast only, this morning" pormal kong saad.

"I'll get the tocino with egg" ngumiti siya. Napakaganda niya talaga lalo na kung ngungiti, pinaghalong Cara Delivingne at Karen Gillan. Tas yung fashion niya talaga, lalong pinapakita ang hubog ng katawan. Naka crop top ulit siya, mahilig siguro siya nun. Pero ngayon, may jacket na. "Bella?"

"Ah, yes yes" isusulat ko sana yung order niya kaso nakalimutan ko. Na-distract ako sa tindig niyang kagandahan, napahiya tuloy ako. "Wait, ano pala yung order mo?"

Tumawa siya ng mahinhin. "I said, I'll get the tocino with egg"

"Sige po, Ma'am" kinuha ko yung menu pero hinawkan niya yung kamay ko.

"No need to be formal, and..." ngumiti ulit siya, tama na. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Take a picture, it won't last long" bulong niya, naramdaman kong uminit yung pisngi ko.

Kinuha ko na yung menu at dali-daling umalis. Nakakahiya, titig pa kasi Bella.

"Oh Ate, bakit po kayo namumula diyan?" tanong ni Alice nung inaayos ko yung mga menu sa gilid ng counter.

"Naiinitan lang"

"Malakas naman yung AC ah"

"Heto na yung order ng costumer number 15" binigay ko yung notepad.

Sumilip siya para tignan yung costumer na aasikasuhin niya sana. "Ah alam ko na. Ang hot naman ng babaeng yun, sana ako na lang umasikaso sa kanya. Si Sir Bonnie kasi eh" nadidismaya niyang sambit. "Ako na magbibigay ng order niya, Ate Bella" paalam niya.

Napatawa ako. "Sige lang. Babalik ako sa counter" tinignan ko ulit si Calixta, side view siya dito sa counter's perspective pero hindi naman kalayuan.

Napalingon siya sa akin at ngumisi, napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya. Agad kong iniwas ang tingin ko, dalawang beses na niya akong nahuli.

Huwag mo na kasi siyang titigan, Bella. Anuba!

Napansin kong may lalakeng lumalapit sa table niya, nakangisi ito sa kanya. "Hi Miss" rinig kong bati ng lalake. Papogi amputa, mukha namang timang. "Pwede bang makiupo?"

Trying hard, alam kong hindi naman siya papansinin ni Calixta. "Sure" gulat akong napatingin kay Calixta, may smirk sa corner ng kanyang labi, medyo napasulyap siya sa akin. Anong binabalak mong babae ka?

Masaya naman umupo yung lalake sa harap niya. "Thank you, Miss! Bakit naman nag-iisa ang napakagandang babae dito? Hinihintay mo ba yung boyfriend mo?" rinig kong tanong ng lalake. Paraparaan rin para malaman kung single ang babae.

"Wala akong boyfriend" sagot ni Calixta na mas lalong nagpalapad sa ngiti ng lalake.

"Sa ganda mong yan, wala ka pang boyfriend?" napa-irap ako, bulok na yan boy. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo, magandang binibini?" amputa gumamit pa talaga ng ganung salita.

"Aurora" napangiti ako nung ibang pangalan ang sinabi ni Calixta.

"Ako naman si Randall" paki niya sa pangalan mo. "Nice meeting you, Aurora. Napakagandang pangalan, bagay na bagay sayo" tumawa ako, napalakas ata dahil tumingin ang mga tao. Pati na rin si Calixta at yung lalakeng yun. Myghad, nakakahiya. "Pwede ko bang makuha number mo, Aurora?"

Umiling si Calixta. "Magagalit girlfriend ko" sino naman kayang girlfriend ang tinutukoy niya, may fiance na nga eh.

Chill ka lang, Bella. Baka dahilan niya lang yun.

"Ano?!" gulat na sigaw ng lalake kay Calixta kaya napatingin ang mga tao sa table nila. "I can't believe this!" wow English. Napatayo ang lalake, galit talaga siya, saka nag walk out.

Umiling lang si Calixta na nakangisi, ganun din ang ginawa ko. "Ibibigay ko na itong order ng hot girl na yun" sabi ni Alice, nasasabik na lumapit siya kay Calixta at nahihiyang binigay ang order niya. "Here's your order, Ma'am"

"Thank you..."

Kinikilig na bumalik si Alice. "Ate, mas maganda pa talaga siya sa malapitan. Straight kaya siya? Grabe ang hot"

Kung alam mo lang Alice, mas baluktot pa yan kaysa sayo.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon