Chapter Two

1.4K 44 0
                                    

Inalis ko kaagad ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Sorry Andrei. Sinabi ko na sayo, hindi pa ako handang umibig ulit"

Tumango siya. "Maghihintay naman ako, Bella"

Noon niya na inamin na may gusto siya sa akin, pero ayaw ko pa talagang makipag-relaayon.

Umiling ako. "Sorry talaga, Andrei"

"Ayaw mo ba sa akin dahil nakikita mo si Andreu sa akin? Hindi naman ako kagaya niya, iba ako sa kanya. Bella, ako, kaya ko kayong panindigan. Kayo ni Lily, ako ang tatayong father figure ni Lily"

Alam kong hindi sila magkasundo ni Andrei dahil sa akin, palagi nila akong pinag-aawayan. Binugbog pa ni Andrei ang kambal niya dahil sinaktan ako ni Andreu.

"Hindi sa nakikita ko si Andreu sayo, ayaw ko pa talagang makipag-relaayon. Sana maintindihan mo ako, Andrei" kinagat niya ang labi niya, ginagawa niya yan sa tuwing naiinis siya.

"Bakit hindi mo subukang buksan ulit yang puso mo, Bella. Handa naman akong protekatahan ito, dahil mahal kita"

***

Nakarating kami sa beach resort, nakapag-book na rin siya dahil nagpa-reserve siya bago kami makapunta dito.

"Wow, may beach! Mommy, gusto ko pot dito!" ngumiti ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

Buhat siya ni Andrei, gustong gusto kasi ni Lily magpabuhat sa kanya.

"Dinala ko nga rin pala ang babysitter ni Lily, si Cheche. Nauna na siya dito, kanina pa"

"Bakit kailangan mo siyang dalhin, kaya kong alagaan ang anak ko"

"Para dagdag security na rin ni Lily" tumango na lang ako.

"Cute niyo namang pamilya" napatingin kami sa nagsalita, isang babaeng matanda.

Naramdaman ko ang paghawak ni Andrei sa baywang ko, napalingon ako sa kanya pero nakatuon lang ang atensiyon niya sa ale at nakangiti.

"Swerte nga po ako sa mag-ina kong ito eh" sagot niya sa ale, tahimik lang ako.

"Siya sige, ingat kayo. God bless your family" kumaway siya sa amin.

"Likewise po" ganti niyang sagot.

Nang makalayo na ang matanda, agad kong inalis ang kamay niya sa baywang ko. "Anak, punta ka muna kay Ate Cheche"

Binaba niya si Lily at tumakbo papunta sa babysitter niya. Hinarap ko si Andrei.

"Bakit mo ginawa yun?" nakapamaywang kong tanong.

"Ang alin?" maangan niyang tanong.

Pinandilatan ko siya. "Wala!" iniwan ko siya at dumiretso sa restroom.

Biglang may bumangga sa akin pagpasok ko pa lang. "Op! Sorry miss, hindi ko sinasadya" nakahawak siya sa braso ko, agad niyang binaba ang mga kamay niya nung napansin niyang nakahawak sa akin. May accent siya, mukhang may lahi siya. Maganda rin siya at matangkad. "Okay ka lang?" medyo baluktot ang tagalog niya.

Tumango ako. "I'm fine, excuse me lang naiihi na talaga ako" tumabi siya at tumakbo ako paloob sa isang cubicle. Lumabas na ako nung naginhawaan na ako. Nagulat ako dahil nandun pa rin yung babae, nakatitig siya sa akin. "Uhm, may kailangan ka pa ba?"

Umiling siya, may bahid ng ngiti ang mga labi niya. "Sorry, I didn't catch your name"

"Oh, I'm Bella" ngumiti ako.

"A beautiful name for a beautiful girl like you" medyo yumuko ako dahil nahihiya ako kapag may stranger na nagcocompliment sa akin. "By the way, I'm Calixta. Nice meeting you, Bella" nilahad niya ang kamay niya.

Tinanggap ko yun. Nagulat ako dahil akala ko magkakamayan kami pero hinalikan niya yung kamay ko.

"Bella?" napatingin kami sa pumasok, si Andrei.

Nakita niyang magkahawak kami ng kamay, lumapit agad siya sa akin at naramdaman ko ulit ang paghawak niya sa baywang ko. Binitawan ni Calixta ang kamay ko at ngumiti ito sa amin.

"I should go, see you around" muli itong ngumiti at lumabas.

"Sino ba yun?" tanong ni Andrei, may halong pagkainis ang tono ng boses niya.

"Nakabangga ko kanina at nakipagkilala"

"Sa susunod, huwag ka nang makikipag-usap sa hindi mo kilala"

"Alam ko..."

Pumunta na kami sa room namin, dalawang room yung kinuha ni Andrei. Yung isa, para kay Cheche.

"Nakita ko kanina sina Cheche at Lily, pumasok sa kwarto nila"

Kumunot yung noo ko. "Kwarto nila? Akala ko si Cheche lang doon, tas tayo tatlo dito?"

"Hayaan mo na muna si Lily na makitulog kay Cheche" lumapit siya sa akin at hinawakan ulit ako sa baywang. Yung isang kamay niya sa baba ko, mariing nakakatitig siya sa akin. "Ayaw mo ba akong katabi?"

Medyo lumayo ako sa kanya. "Hindi sanay si Lily na hindi ako ang katabi niyang matulog, iiyak yun" pagdadahilan ko.

"Sanayin mo na siya, dahil hindi sa lahat ng oras makakatabi mo siyang matulog. Pwede ka nang magpalit, nandoon lang sa closet" pagsabi niya nun, pumasok siya sa bathroom.

May kumatok. "Mommy?" binuksan niya ito.

Pumasok siya, at tumakbo papunta sa akin. Naka swim suit na siya, napaka-cute naman ng anak ko.

"Maganda yang suot mo anak"

"Gusto ko na po mag-swimming" kumatok si Cheche at pumasok din.

"Ma'am, kanina pa po siya nagpupumilit na mag-swimming na. Kaya sinabihan ko pong magpaalam muna sa inyo"

"Sige na po, Mommy. Please..." nag-pout pa siya.

"Payagan mo na, Bella" lumingon ako kay Andrei na kakalabas ng bathroom.

Naka-swim suit na rin siya, naka two piece ng black. Wow, ang sexy naman ng katawan niya. Kitang kita yung abs niya, nakita ko yung smirk sa mga labi niya nung napansin niyang tinitigan ko yung katawan niya.

Agad kong iniwas ang paningin ko at tinuon ang pansin kay Lily. "Sige na, Lily. Maaari ka nang mag-swimming"

Kumislap ang mga mata niya. "Yehey! Tara na po, Ate Cheche"

"Pakibantayan ng husto si Lily, huwag na huwag mong ililihis ang mga mata mo sa kanya"

Tumango siya. "Opo, ma'am" hinila na ni Lily ang kamay niya at lumabas na sila.

Binuksan ni Andrei yung closet, maraming iba't ibang kulay ng two piece ang bumungad sa akin. "Akala ko nakapagpalit ka na, pumili ka na dito"

Lumapit ako at tinitigan yung mga swim suit. Tinuro ko yung kulay red, ngumiti siya at kinuha ito. "Bagay sayo ito" binigay niya sa akin.

Pumasok ako sa bathroom at nagpalit, ngayon lang ulit ako magsusuot ng ganito.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon