Chapter Four

1K 42 0
                                    

"Good morning, baby" hinalikan niya ako sa lips, agad akong humiwalay. Kita sa mga mata niya ang disappointment, pero wala akong pakialam. Hindi ko naman siya gusto eh, pinagtutulakan niya lang sarili niya sa akin. Lalo na si Mom.

"Good morning" walang mood kong tugon.

Napaupo ako sa couch at nanood ng cartoons. Nakiupo rin siya sa tabi ko, kumapit siya sa akin na parang linta. Wala akong magawa kundi hayaan na lang siya.

"Baby, labas naman tayo"

Yung kamay niya na nasa thighs ko, naglalakbay pataas. Agad kong hinawakan ang malikot niyang kamay, baka umabot pa kay Biggie. Syempre naman, malaki ah. Papatalo pa ba si Calixta Salazar. Pinanganak na akong may ganito.

"Labas kang mag-isa kung gusto mo, pagod ako"

"Kakagising mo nga eh, paano ka naman mapapagod agad"

Mapa-roll eyes na lang ako. "Basta, ayaw ko pa lumabas"

Nag-pout pa siya. Parang pato, ahy joke only. Pero maganda naman talaga siya, parang model. Sexy pa at lahat nagkakandarapa sa kanya.

Pero, I'm more attracted to that girl at the beach. Bella. I remembered her again, hindi ko aakalain na anak niya pala yung sinagip ko. Welp, sabihin na nating dagdag points yun. Kaso may asungot na palaging humahadlang, susulpot bigla. Hindi naman girlfriend o ama ng anak niya. Ano ulit pangalan nun, Andy? Anaconda? Wala akong pakialam sa kanya.

"Okay, dito na lang tayo mag-date. Order ba tayo pizza?"

Napabuntong hininga ako, since kami lang dalawa dito kasama yung mga maids at guards. Buti na lang wala si Mom, pagtutulakan lang ako nun kay Kyla.

"Bahala ka..."

***

Naisipan kong pumunta kay Bella, gusto ko siyang makita. Pinarada ko yung sasakyan sa harap ng bahay nila, kinuha ko yung bouquet at lumabas. Kumatok ako, iba yung nagbukas ng pintuan. Yung batang niligtas ko.

Ngumiti siya sa akin. "Hello po, Ate!" kumaway siya. Napangiti din ako sa kanya. "Pasok ka po" pumasok ako at umupo sa cute na couch. Kung titignan sa labas parang, simple lang. Pero dito sa loob, comfy tas may mga creative na decorations.

"Sino yan, anak?" narinig namin mula sa kitchen, kitchen ata yun I guess. Lumabas siya mula doon, napatitig ako sa kanya. Nakasuot lang siya ng fitted na shirt at short shorts, napalunok ako. "Calixta?"

Tumayo si Biggie, ay este, ako. Ako yung tumayo, binigay ko sa kanya yung bouquet. Nahihiya niya itong tinanggap, saka nagpasalamat siya.

"Napadalaw ako, because I wanted to invite you. You know the hang out thingy, yung ano, yung sinabi kong kapalit hehe" napakamot ako sa batok ko. "Pwede rin bang mahingi na rin yung number mo, para ma-update kita ganun"

"Oh, okay" kumuha siya ng ballpen at piece of paper, saka niya sinulatan. "Heto..." kinuha ko yung number niya at binulsa. "Eksakto ang pagdating mo, tapos na yung niluluto ko. Baka gusto mong kumain muna? Hindi ka naman maselan sa pagkain?"

Umiling ako. "Ah, hindi naman. Kakainin ko lahat" pati ikaw.

"Tara..." sinundan ko sila papunta sa kitchen, pareho rin dito yung sa living room.

Maliit na rectangular shape yung table, umupo ako sa head table. Nasanay na kasi akong umuupo sa head table eh, kahit na hindi ko bahay. Yap, I'm road, ahy rude pala yun.

Umupo si Bella sa right ko. Nice one! Diyan ka nga dapat dahil ikaw na si Ms. Right ko, corny amputa.

Si Lily na cute naman ay sa tabi niya, kung titignan parang family kami ah. Welp, doon rin naman hahantong. Haha, agree na lang kayo anuba.

"Sarap ng niluto mo ah" komento ko habang tinitignan yung pritong isda.

"Hindi mo pa nga natitikman, masarap na agad?"

Ganun talaga, Bella. Ikaw nga, tinitigan ko pa lang, nasasarapan na ako eh.

"Advance compliment, yun rin naman masasabi ko at the end diba?"

Tumawa siya at pinandilatan ako, sexy nun ah. "Kumain ka na nga, dami mo pang sinasabi diyan"

Pwede bang ikaw na kainin ko?

Hinahanda niya ang pagkain ni Lily, tinatanggal yung mga bones ng isda bago niya ibigay sa anak.

"Ilang taon na pala si Lily?"

"6 years old na siya"

"Ikaw, ilang taon ka na?" tanong ko naman sa kanya.

"22 na. Ikaw?" mas matanda pala siya kaysa sa akin.

"I'm 20"

"Ah, bata ka pa" napangisi siya.

"2 years lang naman agwat natin eh"

"Saan ka nag-aaral?" buti naman interesado siya sa akin.

"Homeschooled ako"

"Bakit?"

"Hinahanda kasi ako ni Mom, dahil ako ang papalit sa kanya bilang CEO"

Bumilog ang mga mata niya. "Naks, bigatin pala itong pinapakain ko ng niluto ko. Anong pangalan ng kompanya niyo?"

"Salazar Toy Company"

"Salazar Toy Company? Yung mga mamahalin ang laruan. Sa inyo pala yun? Puro STC mga laruan ng anak ko, bigay ni Andrei sa kanya. Maganda ang mga product niyo, high quality"

Okay na sana, kaso narinig ko na naman ang pangalan ng anaconda na yun.

"Salamat, kaso sa totoo lang ayaw ko talagang maging CEO eh" napabuntong hininga.

"Bakit naman?"

"I want to pursue my dream career, a pilot. But I can't, unfortunately"

Manipulative kasi masyado ni Mom, I can't make decisions on my own. She still treats me like a dumb immatured child na walang alam sa buhay.

Hinawakan niya yung kamay ko, napatingin ako sa kanya. "I'm sorry to hear that, siguro darating din yung time na makakamit mo yung talagang para sayo"

Nagtitigan lang kami, shet ganda ng mga mata niya. Tapos yung perfect shaped na kilay niya, tapos bro yung kissable lips.

"Mommy, I'm done!"

Napabalik kami sa realidad sa sigaw ni Lily, bumitaw na rin siya sa pagkakahawak sa kamay ko. "That's good!" tumayo siya at niligpit yung mga pinagkainan namin. "Aalis ka na ba? Maghuhugas lang ako ng pinagkainan"

"Tulungan na kita?"

Wow, as if naghuhugas ka naman ng pinggan. Wow lang, Calixta ha.

Umiling siya. "Hindi na, kaya ko na 'to"

Phew, buti naman tumanggi. Kaso walang dagdag points, haist.

Nakita ko si Lily na nanood ng cartoons sa TV. "Wow, favourite ko yan Miraculous. Nood tayo!"

"Sige po, Ate!" nasasabik niyang saad.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon