Chapter Twenty

1.9K 35 15
                                    

(Multiple short POVs)

Andrei Legaspi

Ilang weeks na ang nakalipas, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Bella. Nilibing na namin ang sanggol. Nandito kami ulit ngayon sa puntod niya, kino-comfort ko lang siya dito sa tabi niya.

Alexander Vergara
Born and Died at August 6

Iyon ang nakasulat sa lapida.

*Flashback*

"Ilayo mo na ang bata dito" utos ko sa kanya. "Sisiguraduhin mong walang makakaalam tungkol diyan sa sanggol, kundi alam mo na ang mangyayari sayo at sa pamilya mo"

"Opo, boss"

"Sige na" pinanood ko siyang ilayo ang anak ni Bella.

Pinalabas kong patay na ang anak niya. Sa totoo lang, hindi ko matatanggap ang anak ng Salazar na yun.

*End of Flashback*

***

Victorio Baltazar

"Detective Hernandez, may balita ba tungkol sa kapatid ko?"

"Nahihirapan pa rin team ko, kasi walang traces. Pero we're doing our best to find her Sir"

"Okay, Ms. Hernandez. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo sa bar ko, magaling ka talagang detective. You manage to know the names of my bouncers, at nag-hire ka pa talaga ng kaboses ko"

Nakangiti siyang yumuko. "Welp, sorry not sorry Sir"

Tumawa ako. "Pwede ka namang magpaalam sa akin kahit hindi ka verified"

"Okay, next time. I shall go, I'll update you soon enough if we have news"

Tumango ako. "Goodbye..."

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahanap ang kakambal kong babae, si Victoria. Noong bata pa kami, nung bigla na lang siyang nawala. Our parents took the time of their life finding my sister, now I'm left behind. Namatay ang magulang namin because of car accident, kaya I'm alone na. Tinuloy ko pa rin ang paghahanap sa kakambal ko.

Lumabas muna ako dito sa office, pumunta ako sa malapit na convenience store para bumili ng coffee and snacks. Pero bago pa ako pumasok, may naririnig akong iyak ng bata. Lumapit ako sa tabi ng basurahan, lumalakas na yung iyak ng bata. May alley pa, kaya nilakad ko yun. May nakabalot doon, at gumagalaw. Agad akong lumapit, isang sanggol.

Tinignan ko muna yung paligid kung may tao pero wala kaya binuhat ko na ang sanggol, tumigil ito sa pag-iyak nang napatingin sa akin. Tinitigan ko ang mukha niya, habang tinitigan ko ng matagal ay may nararamdaman akong kakaiba sa bata. Bakit parang malapit ang loob ko dito sa bata?

Hindi na ako natuloy sa convenience store, bumalik ako sa office ko buhat buhat ang bata. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas papunta sa parking lot.

Umuwi ako sa mansion, sinalubong ako ng mga maids. "Sir, bakit po may bitbit kayong sanggol? Naku sir, anak niyo po ba iyan?" tanong ng head maid, si Linda. Bago lang siya pero talkative kaya siya na ang naging close kong maid at ginawang head maid, kalog din siya eh.

"Oo, anak ko"

"Anong pangalan niya Sir? Saka sino naman po ang nanay niya?"

"Wala ang nanay niya, at ang pangalan niya ay... Addison Baltazar"

Hindi ko alam kung lalake or babae itong sanggol kaya unisex na lang pinangalan ko, ituturing ko siyang parang tunay na anak. Malapit talaga ang loob ko sa bata. Kung sino man ang nag-iwan sa kanya doon, kaawaan ka sana ng Diyos.

***

Calixta Salazar

Nabalitaan kong ikakasal pala sina Bella at Andrei, sa America. Kay Andrei rin pala ang bagsak niya, I'm fine with that as long as Bella is happy. Kung tatanungin niyo ako, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Yes I needed to let her go, but my love for her didn't fade away. Baka nga hindi na niya ako mahal, sinaktan ko siya eh.

Ilang months na rin akong CEO ng kompanya namin since nag retire si Mom, lalo ngang lumakas ang pangalan namin dahil sa pagme-merge ng business ng Rodriguez at Salazar. Mas dumami ang produkto namin, kaya umangat kami. And now, Salazar is on the top, the most powerful family. Second is the Baltazar, lumakas din ang business ni Victorio.

Tinitigan ko ng matagal ang sanggol na nakatulog sa bisig, she's so cute. Yes, babae ang anak ko pero nakuha niya ang condition ko. Nung pinanganak siya, akala namin lalake pero nung tinignan siya ng doktor ay nakumpirmang babae at nakuha niya sa akin ang abnormality na iyon.

Si Kyla ang nagpangalan sa kanya, she insisted it. That's why hindi ko naipangalan sa kanya ang gusto ko sanang pangalan niya, which is Alexandre III. Her name is Margaux Salazar.

***

*15 years later*

Margaux Salazar

"Señorita?" ramdam kong may yumugyog sa akin. "Señorita?"

"Ano?!" naiinis kong sigaw sa kanya, natutulog yung tao eh.

Napayuko siya. "Sorry po, pero pinapagising ka na po ni Señora Calixta"

I clicked my tongue. "Pakisabi mamaya na"

"Pero, Señorita"

"Sinabi na nga--"

"Margaux!" pumasok si Mom Calixta. Oops, I think galit siya. "Sige na Teresa, makakaalis ka na. Ako na ang bahala dito sa suwail kong anak" sumunod naman yung maid. Lumapit si Mom, nakakunot pa rin ang noo niya. "Tumayo ka na diyan" mariin niyang utos.

"Mom, 5 minutes lang"

"Tumayo ka na diyan" ulit niya pa, pero mas mariin pa.

"Fine!"

"May kailangan kang ipaliwanag sa akin" kinakabahan akong napatingin sa kanya, alam na ba niya?

"W-what is it?"

"Pinapatawag kami ng principal niyo sa school, nakipagsuntukan ka daw. Anong pumasok sa isipan mo at ginawa mo iyon?"

I crossed my arms and look away from her. "Uhm... siya po ang nagsimula, dinepensahan ko lang naman ang sarili ko. Saka pinagtanggol ko lang naman yung babaeng sinasaktan niya"

Napabuga siya. "Lagi ka na lang nakikipagbugbugan, nakailang balik na kami ng Mommy mo sa opisina ng prinsipal niyo. Basagolera ka talaga" umiling iling siya. "Ihanda mo ang sarili mo. Kung ako galit sayo, mas lalo na ang Mommy mo" saka siya umalis.

Shit! I'm fucked up.

***

Author's Note:

Abangan po ang next book, story naman po ng mga anak nila. Alam ko pong marami pang hindi nalulutas sa kwento, don't worry series naman ito eh.

Salamat po sa pagbasa, hanggang sa muli.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon