Chapter Ten

769 32 0
                                    

Bella Vergara

Dumalaw ulit si Andrei dito sa bahay, kahit gabi na. Nakatulog na rin si Lily.

Pinagtimpla ko siya ng kape, yun naman gusto eh. Binigay ko sa kanya at umupo sa harap niya.

"Bakit ka napadalaw sa ganitong oras?" taka kong tanong, ba't parang may naamoy akong alcohol sa kanya? Hindi kaya... lasing ito?

"Sorry kung dito ako napadpad, nag-away kasi ulit kami ni Dad dahil kay Andreu. Palagi namang ang kambal ko ang pinapaboran niya eh, siya ang paboritong anak. Si Andreu ang nagmana sa kompanya, pero wala siyang alam kung paano ito i-handle. Kawawa yung mga employees, palagi niyang pinapagalitan ng walang dahilan. Hindi naman kasi makita ni Dad na mas kaya ko pang itakbo at iangat ang kompanya namin. Karibal pa namin ang mga Salazar, kung ikakasal na si Calixta. Siya ang papalit sa kanyang Ina. Kaya gusto kong ako ang magpatakbo sa kompanya dahil pwedeng pabagsakin ni Calixta ang kompanya namin, malakas na ang kapit nila sa mga Rodriguez" mahabang salaysay niya.

Nandito pala siya para maglabas ng sama ng loob, tinabihan ko siya at niyakap na lang. Hindi ako magaling sa advices kaya ang maibibigay kong comfort ay yakap na lang, mahigpit naman na hinawakan niya ako.

"Mapapatunayan mo rin sa Dad mo na kaya mo"

"Sana nga..."

Kumalas siya sa yakap pero nakahawak pa rin siya sa akin, tinitigan niya ako sa mata. Lumapit siya hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa labi ko, tinulak ko siya.

Nagtaka siya. "Sorry, Andrei"

"Bakit ba hindi mo ako magustuhan?" hindi ko rin alam, Andrei. "Si Calixta ba? Bella, ikakasal na siya"

Hindi ko na siya sinagot. "Andrei, lasing ka. Umuwi ka na, please" tumayo na ako.

"Pero..."

"Inaantok na ako"

Napabuntong hininga siya at tumango. "Salamat sa pakikinig" tumayo siya at niyakap ulit ako. "Paalam, Bella"

Hindi ako makatulog, madami akong iniisip.

Tama si Andrei, ikakasal na si Calixta. Huwag mo na siyang isipin, Bella. Bakit ba kasi nahuhulog ka sa kanya?

***

Tumunog yung phone ko. May nag text, galing sa unknown number. Dibale malapit na rin naman matapos ang shift ko kaya pwede ng mag phone.

Meet me outside. - C

Yan lang yung sinabi tas may initial.

C? Siguro si Calixta na ito, siya lang naman ang binigyan ko ng number eh. Nagpalit ako ng damit saka inayos yung gamit ko, nagpaalam na ako sa mga kasama ko.

Pagkalabas ko mula sa resto, may nakita akong pamilyar na kotse. Habang lumalapit ako, bumababa naman ang bintana. Sabi ko na nga ba, kay Calixta 'tong kotse eh.

"Get in..."

"Ikaw ba yung nag text sa akin?" tumango siya. Nagdalawang isip ako pero pumasok ako, pinaandar niya ang sasakyan.

"Kamusta ka na, Bella?"

"Ayos naman... ba't tayo nandito sa kotse mo?"

"Since it's still 6pm, may I invite you to have a dinner with me?"

"Nagpaalam ka pa, nandito na ako sa kotse mo" napahagikhik ako, parang tanga din ito minsan eh. "Saka pwede naman tayong mag-dinner dun sa Bonnie's, libre pa kung kasama ako dahil isa akong stuff doon"

Ngumiti siya. "I want to try street foods"

"Sigurado ka?"

Tumango siya. "Baka may alam ka kung saan may nagtitinda dito?"

"Magmaneho ka lang, ituturo ko na lang yung directions"

Pinaparada ko sa kanya yung kotse sa parking lot, dito kami sa parke. Iniwan ko muna yung bag ko sa loob ng kotse niya, mabigat kasi alangan namang bitbitin ko habang nagde-date kami.

Teka teka teka... date? Assuming ka talaga, Bella.

Marami rami yung nga nakatambay dito, mostly couples.

Dinala ko siya sa pinagbibilhan ko ng street foods, nasasabik siyang tinitigan yung mga naka display.

"Bella, mabuti naman at naisipan mong pumunta ulit dito sa parke. Saan si Lily? Namiss ng mga anak kong kalaro siya. Teka, Sino yang kasama mong magandang binibini?" magiliw na tanong ni Kuya Leo, naging close ko na siya dahil palagi kami dito ni Lily noon. Lagi pa siyang nanlilibre sa amin ng mga paninda niya.

"Kaibigan ko po, si Calixta" tumingin ako kay Calixta. "Siya naman si Kuya Leo" pakilala ko kay Calixta.

Ngumiti siya kay Kuya Leo. "Nice meeting you po" nakita kong namula si Kuya Leo, may crush ata siya kay Calixta.

"Likewise" sagot naman ni Kuya. "Pili na kayo, libre ulit sa inyo"

"Are you sure?" tanong ni Calixta, tumango naman si Kuya.

"Sure na sure" nag thumbs up pa.

"Okay, I want to try that orange thing, and then that snake-a-like" hindi ko alam kung bakit na-tuturn on ako sa accent niya.

"That's kwek-kwek, and that's isaw" nice one Kuya. Kinuha niya yung mga pinili ni Calixta at inihaw. "Ikaw naman, Bella? Yung dati ba?" tumango ako.

"Matagal pa bago maihaw yun, tara maglakad lakad muna. Kuya Leo, babalik kami ha" tumango siya, kinuha ko yung kamay ni Calixta at hinila siya.

Pumunta kami sa tambayan ko, sa tabi ng ilog. Umupo kami sa concrete na upuan, nakaharap sa ilog. Maaliwalas yung hangin, masarap tumambay talaga dito. Matagal tagal na ring hindi ako ulit nakakapunta dito.

"Balak kong tumakas" takang nilingon ko siya.

"Tumakas saan?"

"Ayaw ko talaga siyang pakasalan, nakakalungkot lang na hindi ko naabot yung mga pangarap ko sa buhay kahit anak ako ng mayaman. Mas gugustuhin ko pang manirahan sa lansangan at magsumikap hanggang maabot yung pangarap ko. Imagine, you're celebrating success after all the struggles you manage to conquer" tahimik lang akong pinapakinggan siya. "Tapos makakasama ko yung babaeng pinakamamahal ko, yung babaeng yun ang hihintayin ko sa altar" nakatitig siya sa mga mata ko. Napabuga siya ng malalim. "Siguro imagination lang mga yun, lalo na yung huli kong sinabi" umiiling siya at ngumiti ng pilit. "Kasi yung babaeng gusto ko, hindi ko siguradong mapapasaakin"

Naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko, nilalapit niya yung mukha niya. Naramdaman ko ang paglapat ng labi namin, kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, pananabik, at galak.

Yung mga kamay ko ay nasa mukha niya. Hindi ko na maitatago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon