Bella Vergara
Hindi ko maiwasang laging chinecheck yung phone ko.
Syempre, hinihintay mo siya na i-text ka.
Ows ba, Bella?
Ilang days na rin ang nakalipas, hindi nagpaparamdam si Calixta.
"Mommy, kailan po ulit dadalaw si Ate?"
Ate? Baka nagkamali lang.
"You mean, Tita Andrei?"
Palagi niyang hinahap kasi si Andrei, noon pa. Laging si Andrei ang bukambibig niya.
"Si Ate po, yung parang Goddess at model na nasa beach at pumunta po dito. Yung nagbigay ng magagandang flowers"
"Si Calixta?"
Tumango siya. "Mommy, crush ko po siya" kinikilig pa talaga siya.
Ako din anak, charot lang.
Tumunog yung phone ko, agad kong kinuha ang phone ko. Sasagutin ko sana nung nakita ko ang pangalan sa caller ID. Akala ko pa naman, siya na eh. Napabuntong hininga ako, sinagot ko na lang. "Hello?"
"Bella..." sambit ni Andrei. "Pwede bang magkita tayo mamayang hapon? Tayo lang muna, isasama ko si Cheche papunta diyan para bantayan si Lily"
Si Cheche na naman, hindi niya naman kayang mabantayan ng husto ang anak ko.
"Andrei, sabihin mo na ang dahilan kung bakit kailangang magkita pa tayo?"
"Surprise na lang"
"Ayaw ko na ng surprise, diretsuhin muna ako"
Tumahimik siya sa kabilang linya, hinintay ko siyang magsalita. "Gusto ko sanang kumain tayo sa labas, yung tayong dalawa pa muna" Date? "Humihingi na din ako ng pasensya sa nangyari doon sa beach, pambawi ko na ito. Sige na, Bella"
"Sige, pero huwag mo nang isama si Cheche. Ipapabantay ko na lang si Lily kay Aling Teresa" mas may tiwala pa ako sa kapitbahay namin.
"Thank you, Bella!"
***
"Babalik ka po agad, Mommy"
"Syempre naman, anak. Bye na muna" hinalikan ko siya sa noo.
Ngumiti ako kay Aling Teresa saka lumabas, nandun si Andrei na naghihintay. Nakasuot siya ng croptop at high waisted jeans. Parang model rin 'tong babaeng 'to eh. Lumapit ako sa kanya. Matangkad na nga, mas lalo pang tumangkad dahil naka wedge siya.
"Hey there, beautiful" bati niya. Tinitigan niya ako up and down, naka blouse lang naman ako at fitted jeans. Hinawakan niya ulit ako sa baywang, nasanay na ako dahil palagi na niya yun ginagawa. "Napakaganda mo talaga, Bella"
Ngumiti lang ako. "Thank you" pinagbuksan niya ako sa passenger seat, pumasok na rin siya. "Saan naman tayo kakain?"
"Sa Rodriguez Restaurant" bumilog yung mga mata ko. Yung pinakamahal na restaurant, maraming mga artista at mga mayayaman ang kumakain dun.
Nag-park siya, sinundan ko siya papasok sa mamahaling resto. Grabe, malaki yung difference nito sa pinagtatrabahuan ko. Napaka enggrande naman dito, ngayon lang ako makakapasok dito. Mas maganda sa loob, madaming mga chandeliers na mukhang mamahalin talaga.
"Legaspi" sambit ni Andrei sa waiter.
"Oh, this way Ma'am Legaspi and Miss" ngumiti siya sa akin, binalik ko din.
Sinundan namin ang waiter, tinuro niya ang table for two na pwesto namin saka siya umalis.
Inatras niya yung upuan. "Mi lady?"
"Salamat"
Umupo na rin siya sa harap ko. Bumalik yung waiter na dala yung menu. "We have a lot of delicacies, but here is our best dish" tinuro niya yung naka highlight, mukhang masarap ah.
"Sure, we'll order that. I wanna also try this and that" saad ni Andrei habang pinapakita sa waiter yung orders, tumingin siya sa akin. "May napili ka na bang gusto mo?" tumango ako at tinuro. "This too, thank you"
"Any appetisers, if that's necessary for you guys. Or drinks, to be served first?"
"A red wine please" tumango yung waiter.
"How about you, Ma'am?" tanong niya sa akin.
"Just a mango juice, thank you" tumango ulit siya saka niya kinuha ang menu, at umalis.
"Bella..." napatingin ako sa kanya, seryoso ang mukha niya. "I apologise for what happened to Lily, hindi ko inaasahang may mangyayaring masama sa kanya. Pinagalitan ko na rin si Cheche for being negligent" hinawakan niya ang kamay ko sa table. "I want also to take this opportunity to ask you this..."
Napatingin ako sa pumasok, mula sa likod ni Andrei. Dahil sa pagka bright ng damit niya, napukaw yung atensyon ko. May pumasok na babae, napaka mayaman ang itsura. Nakasuot siya ng red dress na showy, maganda naman siya. Pero, mas maganda ako syempre.
"Ma'am Rodriguez" bati ng waiter na nag-asikaso sa amin kanina.
Rodriguez? Baka siya ang may-ari ng resto na ito.
May pumasok din na kasama niya ata, nang nakita ko na siya napabilog ang mga mata ko. Yung Miss Rodriguez na yun, kumapit siya kay Calixta na parang linta. Hindi ko alam pero naiinis ako ngayon.
"Bella, nakikinig ka ba?"
Binaling ko ang atensyon ko kay Andrei. "Sorry, ano ulit yun?"
Napabuntong hininga siya. "Nevermind"
"Ano ba kasi yun?" umiling lang siya.
Muli akong napatingin kina Calixta, nakatingin na siya sa akin ngayon. Hindi ko alam ang magiging reaksyon, blanko lang ang mukha niya pero mataimtim na nakatitig sa akin. Napansin kong lumingon din si Andrei.
"Yung babaeng yun na naman. Oh, kasama niya pa pala si Kyla Rodriguez. Baka siya yung fiance ni Kyla. Ano ulit pangalan nun?" tanong niya sa akin.
Fiance? Engage na sila?
"Calixta..."
Bumilog yung nga mata niya. "Calixta? The Calixta Salazar? Sinasabi ko na eh, Salazar din yung makakatuluyan ni Kyla. Ang alam ko lang kasi, may fiance si Kyla pero hindi ko alam noon kung sino. Welp, hindi kasi ako interested sa kaaway ng pamilya ko"
Mga mayayaman talaga, hindi na lang makuntento kung anong meron sila. Talagang mag-aagawan pa ng titulo kung sinong mas angat.
Napansin kong pumwesto sila hindi kalayuan sa pwesto namin. Nag-uusap silang dalawa, parang masaya sila.
Naiinis talaga sa babaeng yun, panay hawak kay Calixta.
Wow, Bella. Ikaw yung girlfriend?
"Ikakasal sila?"
Tumango siya. "Yes, next month na ata. Buti pa si Calixta, sana pagbigyan din ako ng babaeng mahal ko"
Napatingin ako sa ibaba, alam kong ako yung tinutukoy niya.
"Here's your order ma'am" binaba na yung mga pagkain sa order. Amoy pa lang mukhang masarap na, paano pa kaya kung titikman na.
Napatingin ulit ako sa table nila Calixta, nakatingin din siya.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceBOOK 1 "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na..." napatigil ako dahil hinalikan niya ako sa labi. "Kahit anong dahilan pa iyan, hindi magiging hadlang upang mahalin kita" pahayag niya. Hindi ko maiwasang mapangiti, napakaswerte ko sa babaeng ito.