Chapter Seventeen

669 27 2
                                    

Andrei Legaspi

"Nakauwi ka na pala dito sa Pilipinas, my hermosa. Balak pa naman kitang sundan sa Germany, pero ikaw na mismo ang umuwi" nakatitig ako sa litrato niya. "Gusto ko lang namang mahalin mo rin ako, gagawin ko pa rin ang lahat para mahalin mo ako. I just need to get rid of that Salazar bitch!"

Ba't ba kasi antagal umuwi ni Kyla? Nakakawala ang aso niya eh, hindi niya tinali ng husto. Kumakagat pa naman.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Kyla. Hindi kami close pero this time I really need her help. I know that pinapalakas ko ang kapangyarihan ng mga kalaban namin sa business but I don't care. Money will recover, my love ones won't. I need Bella more than money.

"Hello?"

"Ms. Rodriguez or soon to be Mrs. Salazar, how are you?" magiliw kong tanong.

"I'm sorry but may I know if who is this?"

I chuckled. "The one and only Andrei Legaspi"

"What do you need?"

"When will you go home here at the Philippines?" I asked straight away, ayaw ko ng magpatumpik tumpik pa.

"Why do you need to know?"

I sighed. "I'm telling you that you need to come back already because your fiance ay may nilalanding iba"

"What?!" sigaw niya.

That's right, magalit ka para umuwi ka na dito at kaladkarin ang malandi mong fiance.

"Iha, calm down. It's not good for the baby that you're stressed" narinig kong boses ng babae sa background, I believe that's her mother.

Pero my focus diverted at what her mother said. A baby?

"You're pregnant?" tanong ko.

"It's none of your business!" wow, galit.

"Is it Calixta's?"

"Of course! Thanks for the informations but I need to go" saka niya tinapos yung tawag, may sasabihin pa naman sana ako.

Anyways...

Buntis pala si Kyla with Calixta's child. I know that she's capable of getting a girl pregnant.

This child is good news, more chances of winning Bella's heart.

I smirked. I'm coming, my hermosa.

***

Bella Vergara

Anong oras na pero hindi pa rin dumarating si Calixta. Siguro hindi dito matutulog ngayon, pero sana man lang nagpaalam.

"Anak, dito ka lang sa loob ha? Babalik din ako, huwag na huwag kang lalabas. May bibilhin lang ako sa pharmacy"

Tumango siya. "Opo, Mommy"

"Linda, pakibantayan si Lily muna. Salamat"

"Opo, Ma'am"

Lumabas na ako, hindi naman kalayuan ang pharmacy dito kaya pwedeng lakarin.

Nang nakarating na ako, bumili na ako saka bumalik. Papasok na sana ako sa building pero may nakita akong pamilyar na kotse. Napangiti ako, kay Calixta ito.

Lalapit na sana ako nung may lumabas na babae sa passenger seat, lumabas rin si Calixta. Medyo malayo sila, hindi ko alam kung nakikita nila ako pero nakatuon ang atensyon nila sa isa't isa at nag-uusap.

Pinapanood ko lang sila, biglang hinawakan ni Calixta ang kamay ng babae at lumapit sa kanya. Napakuyom ang palad ko, anong ginagawa nila?

Hinalikan ni Calixta yung babae, dun na kumulo yung dugo ko. Lumapit ako sa kanila, nakita na nila ako. Sinampal ko ng malakas si Calixta. "Walang hiya ka!" naiiyak kong sigaw.

Tumakbo ako palayo sa kanila, ang sakit sakit.

Dumilim ang paligid at nawalan na ako ng malay, pero naramdaman kong may sumalo sa akin.

***

Nagising akong medyo masakit ang ulo, puro white ang walls.

"Gising ka na pala" napatingin ako sa nagsalita, si Andrei. Nahanap niya ako.

"Bakit ka nandito?" tinignan ko siya ng masama.

"Ako ang nagdala sayo dito nung nawalan ka ng malay"

"Paano mo alam kung nasaan ako?"

Biglang may kumatok at pumasok ang doktor. "Ms. Vergara, it's good that you're already awake"

Napaupo ako, tinulungan ako ni Andrei pero inalis ko agad ang kamay niya. "Dok..."

Ngumiti siya sa akin. "I have some good news and bad news for you, anong gusto mong unahin?"

"Uhm, good news po"

Muli siyang ngumiti. "You're two weeks pregnant, congratulations! But the bad news is maselan ang pagbubuntis mo kaya dapat laging may mag-aalalay sayo. Nawalan ka ng malay because of over fatigue and stress, iwas iwasan muna ang maging stress because it's not good for the baby" sabi ko na nga ba eh, ngayong doctor na ang nagkumpirma hindi ko na kailangan ang pinamili kong pregnancy kits kanina sa pharmacy. "Where's the father of your child? You really need him kasi maselan ang pagbubuntis mo"

Hindi ko na siya kailangan. Wala siyang pinagkaiba sa ex ko, parang nangyari lang ulit ang nadanas ko noon. Mabubuntis tapos iiwan rin pala.

"I'm the father of her child" gulat akong napatingin kay Andrei.

"Oh, I've encountered this kind already. May mga intersex akong patients noon, you're one of them pala. Congratulations on you both, I'm sorry but I have to go. Ms. Vergara, I'll see you next week again" ngumiti siya saka umalis.

"Bakit mo inako ang bata?"

"Mas gugustuhin mo pa bang ang aako sa anak mo ay cheater?"

So nandun pala siya the whole time, nakita niya ang lahat.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo, kaya ko mag-isa"

"Noong buntis ka kay Lily, hindi ka pa maselan pero kinailangan mo pa rin ang tulong ko. Ngayon na maselan ka, mas kakailanganin mo ako. Tatanggapin ko ang anak mo at ituturing kong anak ko kahit anak siya ng Salazar na yun! Akala mo bang ikaw lang binuntis niya? Buntis rin ngayon si Kyla sa anak ni Calixta. Now tell me, Bella. Mamahalin mo pa ba ang isang manloloko? Kitang kita mo na sa harap mo na niloloko ka niya"

Sinampal ko siya. "Tumigil ka na!"

Napabuntong hininga siya, at hinawakan ang mga kamay ko. "I'm sorry this is lot to take in, I'll always be here for you" hinalikan niya ang kamay ko. "Because I really love you, Bella. I know that you will learn to love me as well. Live with me? My place is better for you than that old condo of that bitch, alam kong babalikan ka doon ni Calixta"

Nabaliktad naman, ngayon si Calixta ang kinamumuhian ko na.

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon