YANNA
Andito ako ngayon sa Airport, kakauwi ko lang galing States. Pinagmasdan ko ang aking paligid, maraming nagbago pero ang mga tao kaya ay nagbago rin? Kilala pa kaya ako nila Rhea, sana hindi nila ako nakalimutan at lalong lalo na sana hindi sila nagbago.
Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. "Namiss ko 'to." Nakangiting sabi ko.
Nahagip nang aking mata ang kapatid ko na si Sean, nakangiting kinawayan ko siya at patakbong lumapit sa kanya. Agad niya akong sinalubong ng yakap, niyakap ko siya pabalik. "I miss you kuya Sean," Sabi ko.
Ramdam ko na ngumiti ito. "I miss you too, Yanna." Rinig kong sabi niya. Napangiti ako. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinagmasdan ang paligid.
Tumingin sa akin si Kuya, tinignan ko rin siya. "Hinahanap mo si Denz?" Tanong niya. Tumango ako. "Nasa bahay siya, hindi na siya sumama sa pagsundo sayo."
"Umuuwi ba siya kuya?" I asked.
Umiling ito bilang sagot. "No, palagi siyang nasa bahay nila Kalix."
"Grr, patay sa akin yung lalaking yun. Mamaya siya sa akin, bubugbugin ko talaga siya." Sabi ko. Tumawa siya bigla, napalingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
Natatawang umiling ito. "Ikaw bahala," Sabi niya at tinalikuran ako. Hinila na niya ang maleta ko, at nagsimula nang mag lakad papalayo. Agad ko siyang hinabol at sinabayan sa paglalakad. Parang may balak pa si Kuya na iwanan ako, wala kasing pasabi.
****
Andito ako sa tapat ng bahay namin, nasa likod ko si Kuya Sean. Bitbit nito ang mga gamit ko. Nakangiting kumatok ako. Namiss ko dito. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay bumungad agad sa akin ang makulit kong kuya na si Denzel. Pumasok na ako sa loob at tinignan ng diretsyo sa mata ang kuya ko. Nilapitan ko siya at kinurot siya sa braso. "Aray kapatid ahh!!" Sigaw niya."Grr, Kuya Denz. Umalis lang ako dito, hindi ka na umuwi."Nakataas ang kilay na sabi ko dito. "At kay Kalix ka pa talaga tumira ahh!" Inis na sabi ko at binitawan na siya.
Ngumiti ito ng nakakaloko. "Bakit kapatid?" ngumisi ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Affected ka? Siguro may natitira ka pang kaunting pagmamahal kay Kalix. Ayiee," Pang aasar niya, hinampas ko sa braso dahil sa sobrang pagka-inis. Sinamaan niya ako ng tingin. "Kanina ka pa. Guilty," Sabi niya at humalagpak ng tawa .
I glared at him. "Grr, Kuya. Stop!" Inis na sabi ko sa kanya. Ngumisi ito na parang natutuwa siya dahil pikon na pikon ako. Lumapit sa amin si Kuya Sean, tinignan ito at nginitian. "I miss you both," Masiglang sabi ko at niyakap silang dalawa.
"We miss you, Yanyan." Nakangiting sabi sa akin ni Kuya Sean tska ginulo ang aking buhok.
"Ang hilig niyo talagang guluhin yung buhok ko," Sabi ko at nag pout. Tinawanan nila akong dalawa. Hmpp, napaka-bully talaga. "Mukha ka kasing aso," Asar ni Kuya Denzel sa akin. Tumawa sila ni Kuya Sean, Sinamaan ko sila nang tingin.
"Ang sasama niyo," Sabi ko at pinaghahampas sila. "Ang tagal akong nawala tapos gaganyanin niyo ako," Sabi ko at nagpout sa harapan ng dalawa kong Kuya. Lumapit naman sa akin si Kuya Sean. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Namiss ka lang talaga namin, Yanna."
Nag crossed arms ako at itinaas ang aking kilay. "Ang sabihin niyo miss niyo akong pagtripan,"
"Oo nga, wala naman kaming sinabing namiss ka talaga namin." Sabi ni Kuya Denzel. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n. "Miss ka lang namin pagtripan ni Kuya," Asar niya sa akin, tinulak ko siya pero dahil malakas siya hindi ko siya naitulak.
"I hate you!" Nagtatampong sabi ko. Nilapitan niya ako at inakbayan, ginulo gulo na naman niya yung buhok ko na parang aso kaya tinignan ko siya nang masama.
"I love you," Sabi niya at ngumiti.
Napangiti naman ako. "I love you too,"
Tinignan ako ni Kuya Sean, nag pout ito sa harapan ko. "Ako hindi mo love?" Sabi nito habang nagpapa-awa effect.
"Syempre love," Sabi ko sabay yakap sa kanya. "I love you so much kuya Sean,"
"Sa akin i love you lang, kay kuya may so much tapos may yakap. Bakit ako wala?" Kunwaring nagtatampo na sabi ni Kuya Denzel. Hinila siya ni Kuya Sean palapit sa amin at nag group hug. "Masyadong matampuhin," Asar sa kanya ni Kuya, natawa naman ako.
"Sige, pagtulungan niyo akong dalawa," Sabi niya sa amin ni Kuya at sinamaan kami ng tingin.
"Wiee, wag na tampo kuya. Masyado namang matampuhin si Brother," Pang-aasar ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama. Natatawang nag peace sign ako habang nakatingin sa kanya. Masaya ako kasi nakasama ko na ulit yung dalawa kong Kuya, Sobrang namiss ko talaga sila. Madalas kasi na sila Mommy yung kasama ko nung nasa States pa ako, May business kasi sila Mommy sa States kaya doon na sila nag-istay pasamantala.
Umupo na ako sa upuan. Tumabi sa akin si Kuya Denzel, nilingon ko siya saglit at itinuon na ang atensyon ko sa Tv. "Ready ka na bang makita ulit siya?" Sabi niya bigla. Nilingon ko siya. Alam kong si Kalix yung tinutukoy niya. Ready na nga ba ako? Ready na nga ba akong makita ulit yung lalaking mahal ko noon? Ready na ba akong makita yung lalaking minsan ko na ring minahal.
"Yanna," Tawag niya sa akin. Nabalik ako sa katinuan dahil doon.
Ngumiti ako at umiling. "Hindi ko alam Kuya,"
"Hindi mo na ba talaga siya mahal?" Tanong niya nagdahilan sa akin upang umiwas nang tingin.
"Hindi ko na nga ba talaga siya Mahal?" Patanong na sabi ko.
"Yanna," tinignan ko siya. "I think mahal mo pa rin siya,"
"Hindi na siguro, Kuya." Sabi ko sabay iling. "Ang alam ko nakamove on na ako sa kanya," Tumayo ako pagkatapos kong sabihin 'yun.
Napatingin siya bigla sa'kin. "Saan ka pupunta?"
"Sa kwarto kuya," Sabi ko at ngumiti. "Napagod ako sa flight ko eh, tska kailangan ko na pong magpahinga." Paalam ko sa kanya. Tumango ito at itinuon na ang atensyon niya sa panonood. Tinalikuran ko siya at naglakad na ako papataas.
"Ready na nga ba akong makita ulit siya?" Tanong ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITED
Romance****** It's a story about a girl who left her man to fulfil her dreams, but when he came back the one that she loves forgot her name and their memories. Lyanna Mae Jarsdel, The girl who left the man who loves because she flies to another country to...