Chapter 13

16 0 0
                                    

YANNA

"Yanna, mahal na mahal kita. Alam mo yun di ba?" Tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. "Yanna mahal kita pero maghiwalay na tayo," Sabi niya dahilan para matigilan ako.

Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko. Ayaw magsink in sa utak ko yung sinabi niya o sadyang ayoko lang tanggapin na tama ako ng rinig. "What?!"

"No, Beyb. Please, wag ka munang magsalita."

"Anong bang pinagsasabi mo?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Yanna, maghiwalay na tayo please." Sabi niya dahilan para mapatingin ako nang diretsyo sa mata niya.

"No!" Mariin na sabi ko.

"Wag ka nang matigas Ulo, Yanna." Sabi niya dahilan para makaramdam ako ng inis.

"Hindi ako nagmamatigas, Jabez. Hindi ako makikipag hiwalay sayo, Never. Ano bang naisip mo para pumasok sa isip mo yan Ha?!" Hindi ito kumibo at nilingon niya ako tska tinitigan sa mata.

"Yanna, I'm letting you go."

"Letting me go? Bakit? Bakit mo ako pinapakawalan, hindi ko naman hiniling yun sayo di ba?" Naluluhang sabi ko.

"Yanna, maghiwalay na tayo please?"

"Jabez naman eh!!" Sabi ko habang tumutulo yung luha ko. "Bakit ba gusto mong makipag hiwalay sa akin. Akala ko ba mahal mo ako?! Pero bakit nakikipag hiwalay ka?"

"Maghiwalay na tayo, Yanna. Please,"

"Jabez mahal kita."

"I know," Mahinang sabi niya.

"Bakit tayo magbi-break?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Kasi mas mahal mo siya." Saglit akong natahimik, hindi ko magawang maibuka yung bibig ko. "Kaya Yanna, maghiwalay na tayo."

"Mahal na mahal kita, Jabez. Tapos bigla ka na lang makikipag hiwalay sa akin? Bigla mo na lang akong papakawalan. Bakit? Hindi ko naman hiniling yun sayo di ba? Pero bakit?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Yanna, mahal mo ako at alam ko yun. Ramdam ko yun. Pero Beyb, hindi na kagaya noon yung pagmamahal mo sa akin noon. Si Kalix yung mahal mo, Yanna. Paano kung mahal mo nga ako pero yung pagmamahal na yun ay bilang kaibigan lang. Kaya Yanna, I'm letting you go."

Tinignan ko siya nang diretsyo sa mata."Hindi ako makikipag-hiwalay sayo, Jabez." Pagmamatigas ko.

"Yanna, I'm sorry." Sabi niya dahilan para tumulo bigla yung luha ko. Mga luhang nagpapahiwatig ng nararamdaman ko, na maglalarawan sa sakit na nararamdaman ko.

"Kung kailan magce-celibrate na tayo ng 5th anniversary tapos ngayon ka pa makikipag hiwalay? Jabez naman, pag-isipan mo muna nang mabuti. Wag mo akong iwan oh, Wag kang makipag hiwalay sa akin." Pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Yanna, magkita tayo mamaya sa resto malapit sa HU. Icecelebrate muna natin yung anniversary natin bago tayo maghiwalay," Sabi niya tska ako iniwang mag-isa.

Tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng aking luha. "Ang sakit, ang sakit sakit." Humahagulgol na sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

****

Niyakap niya ako mula sa likod. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa, gusto kong maging masaya sa mga natitirang oras naming Magkasama.

Ramdam kong nakangiti siya, tatayo na sana ako pero mas lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya dahilan para hindi ako makagalaw. "Dito ka muna sa tabi ko, Please." Mahinang sabi niya dahilan para tumango ako.

Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITEDWhere stories live. Discover now