Chapter 11

19 0 0
                                    

YANNA

Mahigit limang taon na ako dito sa States, habang nag-aaral ako ay tinutulungan ko yung magulang ko sa pagpapa-takbo ng business namin.

Ding.. Dong..

"Yanna, pakitingin naman kung sino yung tao." Utos sa akin ni Mommy, kaya naman nag lakad na ako papalapit sa pinto at agad na binuksan iyon.

"Hi Beyb," Anita pagkabukas ko palang ng pinto.

"Hello,"

Pagkabukas ko palang ng pinto ay hinila na niya agad ako papalapit sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo ko bago ako iniwan sa tapat ng pinto at naglakad papunta kay Mommy para magmano.

"Yah!!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

Nililigawan niya na ako simula pa lang nung nasa pilipinas pa kami. Hindi naging kami agad dahil ayoko talaga, mahal ko nga noon si Kalix at hindi siya. At Oo, dumating rin sa punto na nagustuhan ko talaga siya kasi sa araw-araw kong buhay ay lagi siyang na d'yan at hindi kailanman ako iniwan. Pursigido talaga siya na maging kami kaya naisip ko rin na bakit hindi ko siya bigyan ng chance di ba? Kasi inabot din ng limang na taon yung pangliligaw niya.

"Ang aga mo naman ata, Jabez." Sabi ni Mommy sa kanya. Napakamot na lang siya sa ulo niya bago ngumiti kay mommy. Ngumiti pabalik si Mommy sa kanya. Napangiti rin ako.

Lumapit sa akin si Jabez, hinawakan niya ang kamay ko at pinag intertwined ang mga daliri namin. "May sasabihin ako sayo," Sabi niya dahilan para mapataas ang kilay ko. "Since, 2 years na tayo next week." Panimula nito. Hindi ako nagsalita dahil hinihintay kong matapos niya yung sasabihin niya. "May surprise ako sayo," Aniya.

"Surprise? Hindi na surprise yun kung sasabihin mo, Baliw." Pang-iinis ko sa kanya.

"Advance surprise?" Natatawang sabi niya.

"Oh sige nga, ano yun? Dapat ba akong magulat d'yan?" Nang-iinis na sabi ko.

"We're coming back home, tomorrow morning." Natigilan ako sa sinabi niya at bahagyang nanlaki ang mata ko.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Tumango siya at sumagot. "Yup, we're going home." Sabi niya dahilan para mapangiti ako. Agad na lumawak ang ngiti ko. Namimiss ko na sila Rhea, pati na rin yung iba ko pang kaibigan. Excited na akong bumalik sa Pinas pero meron rin akong kabang nararamdaman.

Kalix....

Handa na kaya ulit akong makita siya? Kamusta na kaya siya? Wala akong balita sa kanya dahil naka block siya sa lahat ng social media accounts ko, ginawa ko lang naman yun simula nung nagmumove on na ako sa kanya. Hindi ko kasi maiwasang makita yung pictures at mga post niya, kaya mas mabuting i-block ko siya.

Lumapit si Jabez sa akin at niyakap ako patalikod. "I love you beyb,"

"I love you too."

JABEZ

Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Yanna kapag nalaman na niya Lahat yung tungkol kay Kalix ngayon.

FLASH BACK.....

Tumunog yung phone ko dahilan para madaling pungatan ako. Idinilat ko ang aking mata at kinuha ang aking phone sa side table ko. Walang tingin tingin sa screen na sinagot ko ito. 

'Hello?'

['Nagising ba kita?'] Bosses pa lang nito ay halata nang si Jasper ang tumawag sa akin.

'Obvious ba?' Pabarang sabi ko sa kanya.

['I have something to tell you, Something important']

'Ano?' Iritadong tanong ko.Bakit kasi ang hilig nitong mang bitin?

 ['Si Kalix'] Sabi niya mula sa kabilang linya. Napasabunot ako sa sarili ko. Bakit ba pabitin 'tong lalaking' to?!

'Anong meron kay Kalix?'

['Nakaka-alala na si Kalix,'] Sabi niya mula sa kabilang linya. Nawala bigla ang antok ko dahil sa sinabi niya.

'That's good' Walang ganang sagot ko sa kanya.

'Okay, bye'

['Gag* teka lang, hindi pa ako tapos']

'Sabihin mo na kasi lahat, pabitin ka pa eh' Inis na sabi ko sa kanya.

['Ito na nga. Sabi ni Bryle, pagkapasok niya sa kwarto ni Kalix. Nakita niya si Kalix na nakahilata sa sahig habang walang malay kaya agad itong dinala sa hospital, tinawagan kami ni Bryle para papuntahin sa hospital. Pagdating namin nila Kairon, andoon na sila Rhea at naabutan rin naming nagwawala si Kalix dahil hinahanap niya si Yanna. Naalala na niya si Yanna, Bro. Sabi niya mahal na mahal niya si Yanna, sumigaw rin siya na Ilabas namin si Yanna at iharap sa kanya'] Sabi niya mula sa kabilang linya. Nabuhayan naman ako bigla dahil sa narinig ko.

['Bro kailangan niyo nang umuwi ni Yanna, lalong lalo na si Yanna. Baka ano pang mangyari sa kanya kapag hindi niya nakita si Yanna,']

'Kukuha agad ako ng ticket pauwi d'yan, uuwi na kami ni Yanna d'yan next year' Wala sa sariling sabi ko at I-end na yung call.

Medyo natatakot ako na dahil sa pag-uwi namin mawala bigla sa akin si Yanna. Paano kung bigla na lang maglaho yung nararamdaman niya sa akin kapag nakita niya si Kalix. Tangin*, ang hirap. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

END OF FLASHBACK....

XARYAN

Andito kami ngayon nila Kairon sa harapan ng nagwawalang si Kalix.

Hinawakan ito ni Sky at Bryle si Kalix sa mag kabilang braso, pinipigilan nila itong mag-wala.

"Nasaan si Yanna?! Ilabas niyo siya!! " Pasigaw na tanong nito.

"Nasa ibang bansa si Yanna, Kalix. Kasama niya si Jabez." Sagot ni Bryle sa kanya.

"T*ngina, bakit kasama niya yung lalaking yun. Ano bang meron sa kanilang dalawa? Niloloko ba nila akong dalawa? Ginagag* ba nila ako?! Iharap niyo sa akin si Jabez at bubugbugin ko siya, sisiguraduhin kong puputok ang labi nun. Wala siyang karapatan para agawin yung girlfriend ko," Galit na galit na sabi nito.

"Kalix, wala nang kayo ni Yanna. Matagal na kayong hiwalay, Okay?" Sabi ulit sa kanya ni Bryle.

"MATAGAL NANG WALANG KAYO, Kalix." Mariing sabi ni Bryle sa kanya. Bumukas naman ang pinto at pumasok ang doctor ni Kalix. Nilapitan niya ang kanyang pasyente at tinurukan ng pampakalma. Hindi naman nag tagal ang Doctor ni Kalix sa loob ng kanyang kwarto. Unti unting naging kalma si Kalix. Maya maya lang ay nakita kong unti unting tumutulo ang mga luha niya mula sa kanyang mata. Nasasaktan ako para kay Kalix, at the same time ako yung nahihirapan para sa kanya.

****
Alam na naming lahat na bumalik na yung alaala ni Kalix pero ni isa sa amin ay walang nag lakas loob na sabihin kay Yanna. Kahit akong pinsan niya, hindi ko masabi sa kanya na yung lalaking mahal niya noon ay bumalik na yung alaala.

Gusto ko rin namang sabihin kay Yanna, pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung saan sisimulan, Hindi ko alam kung tama bang iharap namin si Yanna sa kanya.

Tumayo na ako at pumasok sa loob ng kwarto ni Kalix, gising ang lahat maliban kay Kalix na natutulog na sa kanyang kama. "Hindi mo pa rin nasasabi Kay Yanna?" Tanong ni Sky sa akin nang makaupo ako sa tabi niya.

Yumuko ako at umiling. "Hindi ko kaya ang hirap sabihin kay Yanna. Baka kasi kung ano maging reaction niya eh, Natatakot ako."

"Hindi rin namin masabi kay Yanna, wala kaming lakas ng loob." Singkit bigla ni Rhea sa usapan. Hindi namin masabi kay Yanna dahil hindi namin alam kung paano sasabihin sa kanya yung tungkol kay Kalix.

Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITEDWhere stories live. Discover now