YANNA
"Gusto pa rin kita." Out of nowhere na sabi ko. "Ikaw pa rin yung taong tinitibok nang puso ko, kaya hindi ko matanggap na hanggang dito na lang yung kwento nating dalawa."
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Mahal kita, alam mo yun diba? Dahil paulit ulit ko iyon sinasabi sayo iyon noon."
"Kung mahal mo ako, bakit hinayaan mo ako? Hinayaan mo akong mawala sayo?" Wala sa sariling tanong niya dahilan para matahimik ako. "Araw araw kong pinapaalala sayo na hanggang ngayon hinihintay pa rin kita,Na hanggang ngayon ikaw pa rin yung tinitibok ng puso ko, Hinihintay kitang bumalik sa piling ko." Sabi niya. Tumingin naman ako nang diretsyo sa kanyang mga mata.
"Sabihin nating na hindi na tayo pwede." Tinignan niya ako. "Siguro nga tama sila, pinagtagpo lang tayong dalawa pero hindi itinadhana. Pinagtagpo tayong dalawa para masamatala tayong maging masaya,"
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako do'n. "Ganun ganun na lang? Susuko na lang tayo? Hindi tayo lalaban?"
"Oo, Siguro hindi ikaw at hindi ako. Hindi ako para sayo at hindi ka para sa akin. Simple lang ang ibig sabihin no'n, hindi tayo para sa isa't isa." Mahinang sabi ko.
Diretsyo niya akong tinignan bago nagsalita. "Pero kung simple lang yun, bakit hindi ko matanggap? Bakit hindi ko matanggap na hanggang dun na lang tayong dalawa."
Pilit akong ngumiti at nagsalita. "Kahit ako, Hindi rin ako makapaniwala na hanggang dito na lang yung pag-ibig nating dalawa pero wala tayong magagawa eh. Kasi hanggang dun na lang talaga,"
"Alam mo ba? Ikaw lang ang tanging hinihiling na makasama at makapiling. Ikaw lang wala nang iba, Yanna."
"Nagbaba-sakali akong makita ka ulit, dahil gusto kong aminin sayo na hanggang ngayon ikaw pa rin yung mahal ko. Tanga na kung tanga pero ikaw talaga eh, ikaw talaga yung tinitibok nang puso ko. Ikaw lang yung mamahalin ko hanggang dulo." Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Tatlong taon na ang lumipas pero ikaw pa rin yung hinahanap nitong puso ko. Alam mo ba nung wala akong maalala tungkol sa atin. Sa tuwing kasama kita, nararamdaman ko na sobrang espesyal mo para sa akin."
"Alam mo ilang taon ko nang pinipili yung sarili kong wala nang bumalik na pagmamahal para sayo, na wala na akong pagmamahal sayo. Pinilit kong kayanin yun kahit mahirap," Sabi ko habang diretsyong nakatingin sa kanyang mga mata.
"Ikaw pa rin ang mahal. Ikaw pa rin ang aking mamahalin hanggang dulo, Yanna." Sabi niya.
Umiwas ako nang tingin bago magsalita. "Nung una naisip ko na wala na akong nararamdaman para sayo. Akala ko wala na, akala ko tapos na, akala ko naglaho na pero hindi pa pala. Inakala ko lang pala, inakala ng naglaho na ang nararamdaman. Pero mali ako dahil hanggang ngayon, Ikaw pa rin yung sinisigaw nitong puso ko."
Tumingin ako sa kanya. "Pero kahit sabihin kong ikaw pa rin, hindi na pwede dahil masyado nang magulo. Na kahit gusto nating bumalik, hindi natin alam kung paano. Siguro tama sila, kailangan na rin nating tanggapin na hanggang dito na lang tayong dalawa." Nakatitig lang siya sa akin, hindi man siya magsalita pero alam kong nasasaktan rin siya. Mga mata niya lang ang ginagamit niya para sumagot sa mga sinabi ko.
"Susuko ka na?" Out of nowhere na tanong niya. Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya. "Akala ko ba gusto mong lumaban?" Tanong niya.
"Gusto ko ngang lumaban pero hindi ko alam kung paano ako lalaban, ang ibig sabihin lang nito ay sumuko na lang ako. Minsan kapag sumuko ka, hindi l ibig sabihin nun na mahina ka. Minsan kailangan rin nating sumuko para maging malakas, kailangan rin nating tanggapin na wala na talaga." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti ako sa kanya."Kailangan ko nang umalis," Wala ito nagawa kundi tumango na lang. Gusto niya akong pigilan pero alam niya sa sarili niyang hindi niya ako mapipigilan. Pagkatalikod ko ay pinakawalan ko na ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. Nasasaktan ako, hindi ko naman talaga gustong mangyari 'to eh. Pero kailangan ko na lang tanggapin dahil wala naman akong magagawa para pigilan ito.
Wala sa sariling napayuko na lang ako at humagulgol, Ayoko naman talaga pero wala akong magagawa.
BRYLE
Pagkadating na pagkadating ni Kalix ay agad itong nagwala. Halata sa mukha nito ang galit.
Bogshh....
Tumayo ako nilapitan siya. "Hoy, Kalix. Anong nangyayari sayo."
"Yanna," Usal niya sa pangalan ni Yanna. Halatang uminom ito dahil amoy alak ang kanyang hininga.
"Gag* uminom ka?!" Pasigaw na sabi ko. Wala sa sariling tumango ito.
"Ano bang naisip mong lalaki ka at nagpaka-lasing ka?" Sabi ko at inakay siya paupo.
Wala sa sariling tumingin ito sa akin. "Ayaw na ni Yanna sa akin," Lasing na sabi nito.
Napailing na lang ako. "She didn't mean it, she wants you. Sadyang nahihirapan lang ito sa sitwasyon niyong dalawa,"
Galit na tumayo ito at tinignan ako nang masama. "Tang*na, ayaw na niya sa akin Bryle. Malinaw na narinig ko sa kanya na ayaw na niya," Wala sa sariling napasabunot ako sa sarili ko. Mahirap kausapin si Kalix kapag lasing.
Napakamot naman ako sa ulo ko. "Bahala ka sa buhay mo," Sabi ko at iniwan na siyang mag-isa. Nagkakaganto siya dahil kay Yanna, halata sa kanya na mahal na mahal niya ito.
****
"Kausapin ko kaya si Yanna?" Tanong niya sa akin.
Napa-iling naman ako. "Ex boyfriend ka ni Yanna, baka malaman ni Kalix na nag-usap kayo ni Yanna. Baka magkagulo pa kayong dalawa,"
Rinig kong bumuntong hininga ito. "Yes, I'm Yanna's Ex. Pero may pinagsamahan rin kami, tska I'm going to help Kalix para makipagbalikan kay Yanna." Sabi nito.
Tumingin naman ako sa kanya.
"Paano kung ayaw ni Kalix na tulungan mo siya? He knows that you're Yanna's ex boyfriend, baka isipin niyang gusto mong agawin ulit sa kanya si Yanna."Wala sa sariling umiling ito. "Magtiwala ka naman sa akin kahit ngayon lang. Ginagawa ko lang naman 'to para maging masaya na si Yanna, mahal na mahal niya si Kalix pero pinili lang niyang sumuko dahil alam niya sa sarili niya ayun yung tama niyang gawin."
"Sige na," Sagot ko. "So anong plano?"
"Makikipagkita ako kay Yanna, dapat andoon rin kayo. Sasabihin ko sa kanya na gusto ko siyang makausap, pero sila talaga ni Kalix yung Mag-uusap."
"What? I don't get it," Sabi ko.
Napa-iling naman ito. "Bahala na,"
YOU ARE READING
Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITED
Romance****** It's a story about a girl who left her man to fulfil her dreams, but when he came back the one that she loves forgot her name and their memories. Lyanna Mae Jarsdel, The girl who left the man who loves because she flies to another country to...