YANNA
Nung maka-alis na sila Jabez, pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga sa higaan ko. Ang daming tumatakbong tanong sa isip ko, Kung bakit kailangan mangyari lahat nang ito sa akin.
Unti unting nagflash back sa utak ko yung nangyari kanina, naalala ko pa lahat ng sinabi sa akin ni Jabez nung nasa terrace kaming dalawa. Naalala ko yung pagtulak ko sa kanya nung makita ko si Kalix na nasa pinto habang nakatingin sa aming dalawa. Naalala ko pa yung paghagulgol ko dahil nalaman ko na nagka-amnesia si Kalix dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya nung time na susundan niya sana ako para pigilan na umalis.
Palagi kong sinisisi sa sarili ko sa nangyari, dahil alam ko na dahil sa akin kung bakit na aksidente siya. Kung bakit nawalan ng alaala si Kalix. Bigla namang tumulo yung luha ko hanggang napahagulgol na ako. Sobrang sakit na kasi ng nararamdaman ko ngayon, Kinakaya ko lang yung sakit para sa taong mahal ko dahil alam kong maaalala rin ako ni Kalix. Na maalala niya yun lahat ng tungkol sa akin, tungkol sa aming dalawa.
****
Tumabi sa akin si Rhea. Napatingin ako sa kanya, hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin."Kamusta naman ang pagpapakatanga mo?" Sarkastikong tanong niya.
"Rhea," Mahinang tawag ko sa pangalan niya.
"Yanna, Binusted mo na naman si Jabez? Hanggang kailan ka pa ba magpapaka-tanga? Ha? Ilang besses ka nang niligawan ni Jabez tapos busted na naman, Tanga mo Yanna. Ang tanga tanga mo," Sabi niya dahilan para matahimik ako. Tama naman siya eh, Na ang tanga ko.
"Kahit ba isang besses iniwan ka niya? Di ba hindi. Hindi mo man lang siya binigyan ng chance para mahalin ka niya, na iparamdam niya sayo na may tao pang nagmamahal sayo. Hindi lang si Kalix yung lalaking nasa buhay mo, Yanna. Kaya tigilan mo na yang pagpapaka-tanga mo!"
"Oo na, tanga na ako. Alam ko naman yun eh, ang tanga ko pagdating sa pag-ibig." Pasigaw na sagot ko sa kanya.
"Ang tanga, alam mo kung bakit?" Patanong na sabi niya. "Ang tanga mo kasi naka-stay ka pa rin d'yan sa past, paano ka uusad? Paano ka magiging masaya kung hanggang ngayon nakatingin ka pa rin sa nakaraan," Hindi ako umimik at tinignan lang siya ng diretsyo sa mata, Nababasa ko sa kanyang mata ang pagka-inis niya sa akin. "Yanna, It's been 5 years. 5 years na and'yan lang palagi si Jabez sayo, hindi ka niya iniiwan. And'yan agad siya kapag kailangan mo siya, o sabihin nating kahit hindi mo siya kailangan andyan pa rin siya sa tabi mo."
"B-bakit sinasabi mo l-lahat sa akin 'to?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
"Para matauhan kang babae ka," Seryosong sagot niya. "Para marealize mo na ang tagal mo nang tanga, ang tagal mo nang nagpapakatanga dahil lang kay Kalix. Alam mo kung bakit hindi mo magawang maging masaya? Hindi yun dahil sa mga bakit na tanong mo sa isip mo. Makaka-move on ka naman kay Kalix kung gugustuhin mo eh, Pero t*ngina Yanna. Pinagsisiksikan mo pa yang sarili mo sa taong alam mong hindi ka na mahal, na walang maalala ni isa tungkol sayo."
"Mas kilala pa nga ni Jabez yung sarili mo eh, pero ikaw? Sarili mo hindi mo kilala, At dahil d'yan sa pagpapakatanga mo kay Kalix. Hindi mo na iniisip yung sarili mo, Puro ka na lang Kalix. May sarili ka ring buhay, Yanna. Dahil d'yan sa pag-iistay mo sa nakaraan, unti unti mo nang nakakalimutan yung sarili mo. kung sino ka talaga, kung sino ba talaga si Lyanna Mae Jarsdel. Yung babaeng masayahin noon," Seryosong sabi nito, mababasa ko sa mata niya na galit siya.
"Hindi mo mundo si Kalix, na kapag nawala siya mawawala ka na rin. T*ngina Yanna, tumigil ka na. Wag mong pahirapan yung sarili mo, alam mo sa pagpili mo na magstay sa nakaraan? Hindi ka magiging masaya,"
"Alam mo kung anong gusto ko pang sabihin sayo? Boba ka, tanga ka, sobrang tanga mo, manhid ka."
"Yanna, bigyan mo naman ng chance si Jasper na mahalin ka. Iwan mo na yung nakaraan mo, hindi ka magiging masaya kapag nakatingin ka pa rin sa past. Yanna, gusto mong maging masaya di ba? So let go, try to let go. Tandaan mo, Yanna. Hindi lahat ng nile-let go hindi mahal, minsan kailangan nating i let go yung tao para maging masaya, kasi mahal natin yung taong yun. Ayun naman yung gusto natin di ba? Yung makita natin yung taong mahal natin na masaya."
YOU ARE READING
Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITED
Romantik****** It's a story about a girl who left her man to fulfil her dreams, but when he came back the one that she loves forgot her name and their memories. Lyanna Mae Jarsdel, The girl who left the man who loves because she flies to another country to...