YANNA
Ayan na naman tayo eh, ayan na naman tayong dalawa. Namimiss na naman kita kahit alam kong hindi na dapat, kasi alam kong hindi tama kasi ex na kita. Bakit kapag nakikita kita? Bigla na lang tumitibok ng mabilis yung puso ko. Bakit kapag naririnig ko lang pangalan mo at natitigilan na ako. Sa bawat view mo nang myday ko, minsan hinihiling ko na sana naisip mo ako.
Mahal pa rin ba kita? Ang alam ko hindi na, alam kong wala na akong natitirang pagmamahal sayo. Pero bakit kapag tungkol sayo. Kapag naririnig ko yung pangalan mo, bigla bigla na lang napapalingon kung saan nang galing yun, kasi umaasa akong makita kita ulit.
At minsan, umiiyak na naman ako nang dahil sa'yo. Bakit sa lahat nang pwede kong mamiss, bakit ikaw pa? Bakit ikaw na hindi ko pwedeng mamiss Bakit ikaw pang ayokong mamimiss.Sabi ni Rhea try ko daw kausapin ka. Kamustahin man lang daw kita pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa gawa. Baka habang kinakausap ko kit, makaramdam na naman ako na parang nasa karera yung puso ko.
Nakikipag karerahan sa puso ko sa isip ko, Nag lalaban silang dalawa para malaman kung sino ba talaga ang dapat na sundin. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat akong gawin, minsan wala sa sariling nahihiling ko na lang sa mga butuin na bumalik tayo sa nakaraan. Bakit hanggang ngayon, gulong gulo pa rin ako. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil iniwan mo akong naghihintay sayo.
****
Natigilan ako nang bigla kong makasalubong si Kalix. Bakit ganito? Bakit kumakaba itong dibdib ko?
"Yanna," Rinig kong tawag niya sa akin na dahilan para lingunin ko siya. "Balita ko namimiss mo ako," Sabi niya at ngumiti.
Ang mga ngiti niyang nagpapalahad na masaya siya sa nabalitaan niya. Pero hindi pa rin ako sigurado sa mga ngiting binigay niya sa akin. Baka kasi ngiting nakakaloko yun, na panapahiwatig na masaya siya dahil hindi pa rin nakakamove on sa kanya ang ex niya.
"Oo tama ka, namiss kita." Sagot ko sa kanya at pilit na ngumiti. "Alam kong mali pero wala akong magagawa. Bakit? Kasi hindi ko naman kayang pigilan itong nararamdaman ko,"
Ngumiti ako nang napaka-tamis bago ko man pakawalaan ang mga luhang kanina pang gusto kumawala. Nakaramdam ako ng unting pagkagulat nang hilain niya ako papalapit sa kanya at mahigpit akong niyakap.
"Yanna, miss na miss kita. Hanggang ngayon mahal pa rin kita. Mahal mo pa rin ba ako?" Pabulong na tanong niya sa tenga ko.
Biglang tumulo yung luha ko. "Bakit hindi na lang ako?" Tanong niya.
Batid sa tono ng kanyang boses na nasasaktan siya, na hinihiling rin niya na sana siya na lang ulit. Pero kahit anong pigil ko, Siya at siya pa rin yung ginugusto ng puso ko. Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya.
Tilaluha lang ang aking sagot sa kanyang mga katanungan. Kahit ako may tanong sa sarili ko, mga tanong ko sa sarili ko hindi ko masagot sagot. Hindi ko talaga alam kung anong sagot sa aking mga katanungan. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako at gabi gabi lumuluha nang dahil sa'yo.
"Ako na lang sana ang iyong mahal, ako na lang sana ang iyong ligaya, ako na lang sana hanggang pagtanda. Ako na lang, Yanna." Sabi niya na dahilan para matigilan ako. Bawat pagbibitaw niya ng salita at tumatagos sa puso ko.
"Ikaw na lang sana ang nakalaan sa akin, Yanna. At sana ganito na lang tayo ulit, Magkasama, magka yakap at minamahal ang isa't isa." Bulong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa mga sinabi niya. Hindi ako nagpumilit na kumawala sa kanyang mga bisig at hinayaan siyang yakapin ako. Na mayakap niya muli ako. "Walang papantay sa iyong pagmamahal, na binigay mo sa akin noon," Bulong nito sa tenga ko. Unti unti na siyang bumitaw sa pagkakayakap sa Akin.
"Hanggang sa muli, Yanna. Hanggang sa muli nating pagkikita. Sana kapag bumalik ulit ako, wala pang nagmamay-ari sayo. Mahal na mahal kita, at pangako babalik ako." Sabi niya at iniwan na niya akong mag-isa.
Iniwan niya akong tulala at hindi alam kung anong dapat kong gawin. Dapat ko bang paniwalaan ang kanyang mga sinabi? Dapat ko ba siyang hintayin sa kanyang pagbabalik? Dapat ko ba siyang hayaan na mahalin ako ulit? Dapat ko bang hayaan ang puso kong muli siyang mahalin? Tama nga ba ito? Tama nga ba itong gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba siya?Naguguluhan na ako, hindi ko na alam kung ano ba talaga yung dapat kong gawin.
JABEZ
It's been 1 year, kamusta na kaya yung babaeng mahal ko? Masaya na kaya siya ngayon? Kapiling na kaya niya yung taong mahal niya? Yung taong tinitibok nang puso niya? Kaya ko ba talagang wala siya? Isang taon na rin pala ang lumipas nang kami'y maghiwalay. May bago na kaya siyang minamahal?
Pinagtagpo kami pero hindi Itinadhana. Hindi kami Itinadhana para sa isa't isa. Dahil kung kami talaga, Hindi hahayaan ni Tadhanang magkalayo kami. Na iwan namin ang isa't isa. Na hayaan naming hindi namin kapiling ang bawat isa. Na hayaan nang kalimutan ang pagmamahalan namin noon.
Sino nga ba talaga si Yanna sa buhay ko? Ano ba talaga siya sa buhay ko? Isang minahal? Isang nakaraan? Isang mahalagang tao o isang kaibigan lamang? Ang dami kong tanong na hindi ko masagot. Pero minsan, hindi rin natin kailangan nang sagot.
Minsan kailangan lang rin natin kalimutan ang ating mga tanong. Minsan kailangan rin nating bitawan ang salitang bakit. Bakit hindi na lang kami? Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang siya sa akin? Bakit wala na kami? Bakit pinaglayo kami? Bakit kami pinaghiwalay? May galit ba sa akin si Kupido? Kaya kung sino sino na lang ang pinapana nito at isa ako sa na biktima niya. Kupidong pumapana na walang ginawa kundi pumana ng pumana nang mga tao.
YOU ARE READING
Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITED
عاطفية****** It's a story about a girl who left her man to fulfil her dreams, but when he came back the one that she loves forgot her name and their memories. Lyanna Mae Jarsdel, The girl who left the man who loves because she flies to another country to...