Chapter 10

17 0 0
                                    

YANNA

"Rhea! I missed you!" Sabi ko habang naka-skype.

Ganun pa rin naman siya, May nagbago lang sa kanya ng unti. Straight hair pa rin naman siya kaso nga lang may highlight na yung buhok niya, mukhang matured na rin siya. "I missed you too, Yanna! By the way, how are you?" She said.

"Still moving on?" Medyo patanong na sagot ko na dahilan para mapataas yung kilay niya.

"Oh bakit parang hindi ka sure?" Nakataas ang kilay na tanong nito, napa kibit balikat na lang ako.

"Nevermind, So ikaw?" Sabi ko dito tska ngumiti.

"Anong ako?" Kunot noong tanong nito.

"I mean, ikaw kamusta ka?"

"Eto hanggang ngayon, Denzel's Girl pa rin!" Sagot niya at nag kibit balikat.

Bigla naman akong napabilang gamit ang mga daliri ko. "3 years of love?! Gosh, Move on move on din kapag may time!" Sabi ko.

"Hindi ako kagaya mo, Yanna. Na ilang months mawawala na ang pagmamahal sa isang tao." Sabi nito na dahilan para umirap ako. "Na ilang months rin, Babalik yung nararamdaman mo. Wag mo kasing sabihin na wala na kung alam mong meron pa."

"Pfft, So Ano na? Umuusad na ba?" Tanong ko na dahilan para umiling siya. "What?!" Bulag na ata yung kapatid ko.

"Anyway, Sabi sa akin ni Denzel boyfriend mo na daw si Jabez?" Sabi nito at tumawa pa.

"Umiling ka tapos nag-uusap naman pala kayo ng kapatid ko, Gulo mo rin Rhea. Kahit kailan!" Sabi ko. "So ayun, Hindi ko pa boyfriend si jabez. Palagi lang talaga kaming magkasama," Sagot ko dito.

"Pa? So may pag-asa." Sabi niya na may unting manunukso.

"Shut up!" Inis na sabi ko.

"Oh bakit inis ka?" Humagalpak naman siya ng tawa. "Hindi mo pa boyfriend, pero balak mong sagutin?"

"Oo nga, Ang kulit!" Sagot ko.

"So ayun na nga, Nabalitaan mo na ba yung tungkol sa kanya?" Pabitin na sabi niya.

"ANO?"

"Wala!" Sabi nito at i-end na yung Skype.

Inis na napasambunot naman ako sa buhok ko. "Grrr, Rhea!!Kahit kailan talaga." Inis na sigaw ko.

****

Two years na rin ang lumipas ng ligawan ako ni Jabez. Magkatabi kami ni Jabez habang nakaharap sa laptop ko, tumawag kasi sila Xaryan sa akin. Syempre nakikibalita.

"Hoy babae anong balita sayo? I mean sa inyo?" Patanong na sigaw sa akin ni Kaellyn. Ngumiti naman ako bago itinaas ang kamay naming naka-intertwined.

Napa hawak naman si Xaryan sa bibig niya, animoy parang gulat na gulat ito.
"OMG.. OMG... For Real?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Ngumiti naman ako at tumango. "For Real," Nakangiting sabay na sabi namin ni Jabez.

"WAAHHHHH, masaya kaming lahat para sa inyo. Sa wakas!! Naging totoo na rin ang JabNa." Kinikilig na sabi niya dahilan para matawa kami ni Jabez sa kanya.

"Baduy," Pang-aasar ko sa kanya dahilan para matigilan ito at mapatingin sa akin.

"Anong baduy dun? Ang ganda kaya. JabNa Official Fan Page." Sabi niya at nag crossed arms.

"Baduy mo!" Asar sa kanya ni Jabez dahilan para samaan niya ito ng tingin.

"Che! Magsama kayo ni Yanna," Sabi niya at Sinamaan kami nang tingin. Natawa naman kaming lahat sa kanya. Mahahalata mo talaga sa kanya na inis na inis siya.

"So btw, kailan kasal?" Sabi bigla ni Allyza dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"What the-" Sabi ko dahilan para natawa ito.

"Biro lang," Sabi niya sabay humalagpak ng tawa.

"Abnormal," Natatawang sabi ko. Nagkwentuhan lang kami nila Xaryan. Natatawa nga ako sa kanila kasi tanong nang tanong, kung anong feelings nang nasa ibang bansa. Masaya rin naman pero mas masaya kapag kasama ko yung mga taong sobrang importante sayo. Masaya rin naman ako dito sa States, kasi kasama ko nga si Jabez.

XARYAN

Minsan natatakot rin ako para kay Yanna. Masaya ako kasi masaya na yung pinsan ko pero minsan may bumabagabag sa akin. Minsan kasi pumapasok na lang bigla sa isip ko na. Paano kung dumating ang araw na bawiin ulit yung saya ni Yanna? Paano kung dumating yung araw na manumbalik ulit yung nararamdaman niya para kay Kalix? Paano kung hindi pa pala tapos yung kwento nilang dalawa? Paano kung sila pala talaga yung nakatadhana para sa isa't isa?

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko. Wala sa sariling na pa-iling ako dahil sa mga nasa isip ko. Hindi naman ako yung nasa sitwasyon ni Yanna pero bakit parang mas problemado pa ako kesa sa kanya? Pero paano nga kung mangyari yung nasa isip ko? Paano kung dumating yung araw na maging magulo ulit ang lahat?

Nag inhale and exhale naman ako. "Xaryan, kalma ka lang. Hindi mangyayari ulit yun, Patuloy na magiging masaya si Yanna Okay?

Paano kung dumating yung araw na bumalik na yung alaala ni Kalix?

"Grr, bakit ba hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano ano?" Wala sa sariling napasabunot naman ako sa sarili ko. "Grr, Xaryan. Relax!! Walang mangyayari na kahit isa sa mga iniisip mo, Okay? Tiwala lang," Humiga na ako sa higaan ko at  tinitigan ang puting kisame ng kwarto. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala para kay Yanna.

Mahal na mahal ko yung pinsan ko na yun eh. Gusto ko na siyang maging masaya. Hindi ko na gusto ulit na makita siyang umiiyak sa harapan ko. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Napabangon naman ako bigla sa higaan ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumungad naman sa akin ang kababata ko. Bakit andito 'to?

"How's Yanna?" He asked.

Napataas naman ako ng kilay dahil sa tanong niya. "Pumunta ka lang ba dito para tanungin kung kamusta na si Yanna?" Sarkastikong sabi ko.

Ngumisi naman ito at sumagot. "No,"

"So anong ginagawa mo dito?" I asked him.

"Visiting you," Sagot niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tumayo naman ako at nilapitan siya.

Tinignan ko siya ng diretsyo sa mata. "Visiting me? Hoy, Mr. Kyle Wardens. Pumunta ka lang ng ibang bansa pero parang na kidnap ka. Bwisit ka, Ilang taon kang hindi nagparamdam tapos ngayon bigla ka na lang magpapakita sa akin?!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Sorry, Xaryan. Busy lang ako nun," Sabi niya dahilan para mas lalo akong makaramdam ng pagka-inis sa kanya.

"Busy? Buong araw kang busy? Pitong taon kang busy kaya ni isang message o tawag man lang, wala akong na tanggap  galing sayo?! Alam mo bang nag-alala ako sayo? Kasi hindi ko alam kung ano nang nangyari sayo, Minsan naiisip ko na lang na may nangyaring masama sayo." Inis na sigaw ko sa kanya.

Lumapit ito at niyakap ako ng napaka-higpit. "I'm sorry," Hinampas hampas ko naman siya. Hinayaan ko lang na tumulo yung luha kong kanina pa pinipigilan. Narinig naman niya ang pag hikbi ko. "Shh, stop crying," Bulong niya habang hinihimas himas ang likod ko. Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko.  Tumingin naman ako ng diretsyo sa mata niya. Seryoso itong nakatingin sa akin. "I'm sorry, Xaryan. Please forgive me?" Sabi niya dahilan para tumango ako. "Babawi ako sayo, promise."

Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITEDWhere stories live. Discover now