YANNA
Naglalakad ako papuntang parking lot nang makaramdam ako na parang may sumusunod sa akin.
May biglang humawak sa braso ko dahilan para mapasigaw ako. "Waahh!!"
Agad niyang tinakpan yung bibig ko. "Shh, wag kang sumigaw. Baka akalain nilang kikidnappin kita," Rinig kong bosses nang isang lalaki.
T-teka? "Blayze?" Medyo patanong na sabi ko.
Ramdam ko na ngumisi ito. "You know me, Babe." Agad ko namang inalis ang kanyang kamay na naka-takip sa aking bibig.
Nilingon ko naman siya at sinamaan siya nang tingin. "What the h*ll are you thinking?!" Inis na tanong ko sa kanya.
Palinga linga ito sa aming paligid. "I want to be with you," He said.
Agad ko siyang hinampas sa braso. "Let me go," Hindi niya pa rin kasi binibitawan yung braso ko simula kanina.
Napakamot muna ito sa kanyang ulo bago binatawan yung braso ko. "Sorry,"
"Leave me alone!!" Inis na sigaw ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at nag lakad na papaalis pero masyado siyang makulit kaya sinundan niya ako. Tumigil naman ako at inis siyang nilingon. I glared at him. "What the h*ll, Do you want from me?!"
Nagkibit balikat ito. "I don't know," Poker face nitong sagot.
Nakaramdam ako nang sobrang pagka-inis. "Ano bang trip mong lalaki ka? HA?! Kung wala kang magawang matino d'yan sa buhay mo, wag mo akong idamay."
"I liked you," Sabi niya. Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Saglit rin akong na tahimik dahil sa mga narinig ko.
'I liked you'
'I liked you'
'I liked you'
Para bang nag-echo sa utak ko yung sinabi niya. At ayaw magsink in sa utak ko yung sinabi niya.
"Hey," Sabi nito habang kumakaway kaway sa harapan ko. "Are you okay?"
"Baliw ka na talaga," Sigaw ko sa kanya nang makabalik ako sa katinuan.
"I'm not baliw," Sabi nito dahilan para tignan ko siya.
"Really?" Nakangising tanong ko. Tumango naman ito.
"Siraulo! Sabi ko sayong wag na wag mo akong idadamay sa pagka-bored mo, tska ako? Magpapagamit at magpapaloko sa isang katulad mo? Hello? No way!" Inis na sigaw ko tska siya tinalikuran.
Hinawakan niya ang aking kamay. "Yannie, stop shouting."
Nilingon ko siya at tinaasan nang kilay. "Bakit? Natatakot kang may makarinig sa atin?"
"You're a jerk, Blayze. Hindi mo ako mauuto, hindi ako katulad nung mga babaeng nauuto mo."
I glared at him. "May boyfriend ako, Okay? Kung ayaw mong masaktan ka, layuan mo ako." Sabi ko at nag lakad na papalayo. Pero dahil isa siyang dakilang makulit, Hinabol niya ulit ako at hinawakan sa braso. Inis na nilingon ko naman ito. "What?!"
"Yannie, I'm serious. I like you," He said.
Tinignan ko siya nang diretsyo sa mata. "Seryoso ka man o hindi, Wala akong pakialam. So leave me alone." Sabi ko at tuluyan nang naglakad papalayo sa kanya.
Bakit ba ang kulit kulit niya? Isang simpleng salita lang, hindi niya maintindihan. He's out of her mind. Nababaliw na siya. Nasisiraan na siya nang ulo. Akala ko pa naman matalino siya pero hindi pala nakakaintindi nang simpleng sentence. Bwisit.. Bwisit... Maganda na sana yung araw ko pero sinira niya lang. Panira siya nang maganda kong araw.
****
Inis na umupo ako sa tabi ni Rhea, I'm so pissed off. Bwisit kasing lalaking yun, Walang ibang ginawa kundi inisin ako.Agad siyang napatingin sa'kin. "Anong nangyari sayo?" Tanong nito.
"Grrr, bwisit na Blayze yun. Kailan ba niya ako tatantanan?!" Inis na sabi ko.
Agad akong hinarap ni Rhea. "Kailan? Simple lang ang sagot N'yan, NEVER. Si Blayze? Susukuan yung babaeng natripan o nagustuhan niya? NO. Gagawa at gagawa yun nang paraan para mahulog ka sa kanya, at makuha ka niya. " Sabi nito.
Mas nakaramdam ako nang inis. What's her problem?! Bakit hindi na lang siya mahanap nang ibang mapapagtripan? Sa dami nang babaeng i-f-flirt niya, Bakit ako pa?! Grrr!! He's getting on my nerves. Bwisit na lalaking yan. Ang sarap niyang balatan nang buhay gamit yung nail cutter.
BLAYZE
I like her, pero parang hindi niya ako gusto. Bakit ba inis na inis siya sa akin? Dahil kilala ako bilang International Playboy? As if naman na lolokohin ko siya. I'm serious, I'm dead serious about my feelings for her. I think I liked her, No. I think I loved her.
****
"Kamusta si inlababo?" Pang-aasar sa akin ni Peejay.Tinignan ko siya nang masama. "D*MN YOU!" Inis na sabi ko dito.
"Chill," He said.
"Anong sinasabi mo d'yan na chill? Hindi madaling magkagusto sa isang babae, Gag*. Tapos kapag alam pa nung babae na International playboy ka," Sabi ko dito. Mahina itong tumawa. Sinamaan ko siya nang tingin. "Anong tinatawa tawa mo d'yan?" Masungit na tanong ko.
"Wala! Inlababo ka na talaga, Blayze. Kaso yung babaeng nagustuhan mo, may boyfriend." Sabi niya. Nakaramdam ako nang inis.
"D*mn, bakit kasi may boyfriend siya." Sabi ko at umiwas nang tingin. "So sino nga boyfriend nung Yannie,"
"Ni Yanna?" Tanong nito.
"Whatever her name, basta si Yannie." Naiinip na sabi ko.
"Boyfriend lang naman niya ang leader nang A6, mahirap kalabanin bro. Hanap ka na lang iba," Sabi niya.
I smirk. "Naging leader ka pa kung takot ka naman pala sa lalaking yun?" Singal ko.
"Gag* hindi ako takot. Sinabi ko lang na mahirap kalabanin yung grupong yun, kasi totoo naman na mahirap talaga."
"Tsk, kapag gusto may paraan. Nako naman, Peejay. Kaya hindi ka pa nakakahanap nang babaeng mamahalin ka at mamahalin mo kasi ang hina mo." Pang-iinis ko sa kanya.
"Gag*," Sabi nito at binato ako nang unan. "Makasabi ka d'yan, akala mo sayo na yung babaeng gusto mo na si Yanna. Ul*l,"
"Mahina ka lang sa babae eh," Pang-aasar ko.
"Gag* ka talaga, Blayze."
"Gag* na kung gag*, basta gusto ko yung babae yun." Sabi ko.
Nagpose naman ako na parang nag-iisip. "Paano kaya mapapasa-akin ang babaeng ninanais ko? Paano kaya kita mapapaibig Yannie?" Pagkausap ko sa sarili ko.
Binato naman ako ni Peejay nang unan dahilan para tignan ko siya nang masama. "Baliw."
"Baliw dun sa babae,"
"Sabihin mo baliw ka sa mga babae," Nakangising pang-iinis nito.
Binato ko sa kanya pabalik yung unan na binato niya sa akin, sabay sabi. "Gag*!"
YOU ARE READING
Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITED
Romance****** It's a story about a girl who left her man to fulfil her dreams, but when he came back the one that she loves forgot her name and their memories. Lyanna Mae Jarsdel, The girl who left the man who loves because she flies to another country to...