Chapter 17

10 0 0
                                    

YANNA

I'm still haunted by the memories. Sa tuwing naalala ko yun ay bigla bigla na lang tumutulo yung luha ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Hindi ko alam kung bakit ganito. Kung bakit hinahaunting pa rin ako nang mga alaala naming dalawa. Hindi ko alam pero baka pinaglalaruan na naman kami ni Tadhana, ni tadhanang mapaglaro na walang ibang ginawa kundi paglaruan kaming dalawa.

This past few days, ang saya saya ko. Pero ngayon, bigla na lang akong nalungkot. Bigla na lang ako hinahaunting nang mga alaala namin nung kami pa. Hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba si Tadhana, ginugulo na naman ni Tadhana yung isip ko. Kaya ayun, Naguguluhan na naman ako.

Binabalewala lang lahat ng yun, bakit? Dahil baka ayun yung maging dahilan para magkagulo ulit kami. Tapos na ba lahat nang tungkol sa amin? O nagsisimula pa lang ito. Ito na naman tayo, kasabay nang musika ay kasabay rin ang pagtulo nang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit kailangang ito, ginugulo na naman ang isipan ko.

Natatakot ako baka maulit yung nangyari noon, yung pangyayaring hindi maganda. Yung pangyayari na dahilan nang paghagugol ko. Minsan sinasabi ko sa sarili ko, Okay lang ako. Na wala lahat nang 'to, lahat ng gulo sa puso' t isipan ko. 

Natatakot ako sa possibleng mangyari, baka masaktan na naman ako sa pangyayaring yun at wala sa sariling natatanong ko. Wala ba akong karapatan na maging masaya? Kaya sa tuwing masaya ako, ang mga saya ko na hindi nagtatagal ay nagiging lungkot.

Ilang araw na rin akong wala sa sarili, sa kakaisip kung ano ba talagang nangyayari. Bakit pinapahirapan pa ako, bakit hindi na lang hayaan na maging masaya. Ang dami kong mga tanong, ngunit sa mga tanong na ito ay wala akong mahanap na sagot. Sagot na matagal ko nang hinahanap. Hindi ko alam kung ano pa bang iisipin ko, hindi alam kung may sagot pa ba dito.

Bakit kasi kailangan kong masaktan ulit. Bakit kasi kailangan ulit ni Tadhana, akala ko ayun na eh. Akala ko patuloy na yung saya ko ngunit mali ako dahil biglang dumating yung lungkot ko. Minsan hinihiling ko na lang sa mga butuin, na sana tama na yung sakit na dinulot sa akin noon. Pero hindi, mas nadadagdagan yung sakit. Tadhana, maitanong ko nga. Hindi ka pa ba tapos? Hindi ka pa ba tapos na guluhin ako at paglaruan ako.

Gulong gulo na ako, Hindi ko na alam kung ano ba talaga yung tama. Minsan naiisip ko na lang, iwasan ko na lang kaya sila. Kahit yung mahal ko pa, Bakit? Kasi natatakot ako, natatakot ako na masaktan ulit at makasakit ulit. Hindi ko naman kasi ginusto 'to eh, na maging magulo ulit. Hindi ko naman 'to hiniling eh.

Akala yun na yun eh, ayun na yung katapusan nang sakit na mararamdaman ko. Akala ko tapos na, pero hindi pa pala. Ano pa bang gusto mo tadhana? Gusto mo ba talaga akong sumaya o hindi, Oo naging masaya ako kahit saglit. Ngunit ang kapilit nito ay matinding sakit at kaguluhan sa isipan.

Akala ko ba tapos na ang sa amin, akala ko ba katapusan na yun at magiging masaya na kami. Ngunit ayan na naman, parang may dadarating na naman. Parang may mangyayari na namang masama. Kailan mo pa ba ako titigilan? Titigilan mo lang ba ako kapag nawala na lahat ng mahal ko sa buhay, na iwan na nila ako. Na isang araw, durog na durog na ako dahil sa mga sakit na naramdaman ko. Naging mabait naman ako ah, pero bakit kailangan kong maranasan 'to. Na maranasan yung matinding sakit at bakit kailangan ko na namang umiyak ulit.

Minsan naiisip ko na lang, Baka nawalan na ako ng tubig sa katawan dahil umiiyak ako tuwing gabi. Bigla bigla na lang tumtulo yung luha ko, at unti unting nararamdaman yung sakit. Ano bang dahilan nang sakit na nararamdaman ko ngayon? Bakit nasasaktan na naman ako. Hindi pa nga ako nakakaget over sa sakit na naramdaman ko noon, tapos masasaktan na naman ulit ako.

May nagawa ba akong masama, at parang pinarusahan ako ni Tadhana. Minsan tatanong ko sa sarili ko, Wala ba akong karapatan na maging masaya? Wala ba akong karapatan na magmahal? Hindi ko gusto na masaktan pero wala akong magagawa dahil ayun yung gusto ni tadhana. Hindi na ako natuto, kahit paulit ulit na lang akong nasasaktan.

Sabi nila, paano kung kami talaga yung nakatadhana para isa't isa pero hindi ko na lang pinapansin yung sinasabi nila, kasi hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Natatakot ako na masaktan ulit, masaktan ng taong mahal ko. Natatakot ako na masaktan at umiyak muli dahil hindi ko alam kung paano ako babangon ulit.

Minsan kapag sobrang nasasaktan na tayo parang gusto na lang natin na maglaho na parang bula, na bigla na lang ikaw mabura sa kanilang mga alaala. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko para hindi na ako masaktan at hindi na rin maguluhan.

You and I, ikaw at ako. Ginugulo na naman tayo ni Tadhana. Sabi natin sa isa't isa, be happy. Maging masaya tayo kahit hindi na natin kapiling ang isa't isa, Na kahit wala na tayo. Na kahit masaya na ako sa piling ng iba, at hinihiling ko kay bathala na maging masaya ka na rin.  Pero wala eh, hindi kita masisisi.

Bakit? Dahil nung ako naman yung nasasaktan, nagkukunwari rin akong masaya. Kaya sa paningin ng iba, ang saya ko pero ang totoo ang lungkot ko. Nakikita nila ako na okay ako pero durog na durog ako. Durog pa ako dahil hindi pa masyado naheal yung sakit, bakit? Dahil pagaling pa lang, Nasaktan na naman.

Paano ba kita makakalimutan? Paano ko ba makakalimutan yung mukha mo, bosses mo, at ang mga alaala nating dalawa. Ayokong mag over thinking kasi baka dahil dito mas bumigat yung nararamdaman ko.

Bakit kasi sa lahat nang pwedeng masaktan, bakit ako pa? Bakit ako pa na kakagaling lang sa sakit. Double kill, Double yung sakit. Bakit nga ba nasasaktan? Para malayo sa taong hindi nakatadhana para sa atin, para malayo sa maling tao.

Pero kung hindi para sa akin yung taong yun, Bakit parang hindi pa tapos yung kwento naming dalawa. Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit ang hirap? Bakit parang hirap hirap na maging masaya, bakit bumabalik yung sakit. Bakit nararamdaman ko ulit yung sakit na naramdaman ko noon.

Tanging ligaya lang naman yung nais ko eh, tanging ligaya lang yung hiling ko. Pero bakit hindi maibigay bigay sa akin. Oo nagiging masaya ako, pero yung saya na yun ay panandalian. At kapalit nang saya ay lungkot at sakit.

Mahirap bang maging masaya? Bakit pagdating sa akin ang hirap hirap maging masaya? Kasi sa tuwing nagiging masaya ako, ay nagiging sobrang lungkot naman ako at nasasaktan.

Teka nga, bakit natatakot ako? Natatakot ako na tuluyan kang mawala? Na makita kang may kasamang iba. Bakit ganun? Ang alam ko wala na eh, dapat wala na ring ganito. Wala na rin yung ganitong nararamdaman ko.

Gulong gulo na talaga ako, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.Pero teka nga, bakit ikaw yung naiisip ko. Bakit ikaw pa rin yung nasa isip ko?

Umiiyak na naman ako, Hala sige. Umiyak ka nang umiyak, ilabas mo lang self.

Sana pag gising ko bukas, wala na 'to. Wala na itong sakit na' to at kaguluhan sa isip ko. Masyado nang magulo, Hindi ko na alam. Baka kailangan ko ng oras, na mapag-isa at makapag-isip isip. Naiinis na talaga ako!! Ayoko na.

****

Andito ako ngayon sa parking lot, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng sarili kong mga paa.

"TADHANA ANO BA? HINDI PA BA SAPAT YUNG SAKIT NA NARAMDAMAN KO NOON. HINDI KA PA BA TAPOS SA AKIN? BAKIT AKO NA LANG YUNG PALAGING PINIPILI MO NA MASAKTAN, DAHIL BA NAKAKABANGON ULIT AKO? DAHIL BA NAKAKALIMUTAN RIN ITO? TADHANA!! TAMA NA," Malakas na sigaw ko at unti unting napaupo sa sahig.

"PAGOD NA PAGOD NA PAGOD NA AKO, HINDI MO BA NAKIKITA YUN. HINDI MO BA NARARAMDAMAN YUN?! GUSTO KO NANG SUMUKO PERO HINDI KO ALAM KUNG PAANO,"

"NAGMAMAHAL LANG NAMAN AKO EH, PERO BAKIT KAILANGAN KONG MASAKTAN. BAKIT KAILANGAN KONG UMIYAK!!" 

"BAKIT HINAHAUNTING PA RIN AKO NANG MGA ALAALA NAMING DALAWA, ANO BA MERON SA AMING DALAWA. KAYA HINDI MATAPOS TAPOS ITONG KWENTONG 'TO!!"

"PLEASE TAMA NA, GUSTO KO NANG MAGING MASAYA!! HAYAAN MO NAMAN AKONG MAGING MASAYA OHH, KAHIT NGAYON LANG." Sabi ko at umiyak lang ng umiyak.

Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITEDWhere stories live. Discover now