YANNA
Dalawang taon na ang lumipas nung maghiwalay kami ni Jabez. Pero bakit mas hinahaunting pa rin nararamdaman ko para kay Kalix? Matagal na kaming wala di ba?
Pinagmamasdan ko mula sa malayo si Kalix, naka-tingin nito habang naglalakad papalapit sa akin. Habang papalapit siya nang papalapit, para bang nag slow mo yung palagid ko hanggang tumigil ito. Yung para bang kaming dalawa lang yung gumagalaw. Lahat nang naka paligid sa amin ay para bang nakatigil.
Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok nang puso ko. Ano na naman 'to? Bakit ganito na naman yung nararamdaman ko, hindi kaya? Nanunumbalik na naman yung nararamdaman ko para sa lalaking' to?
Para bang unti unti na namang bumabalik ang nararamdaman ko. At pag nahulog ulit ako. Iiyak at masasaktan na naman ako. Pero wala eh, hindi naman natin pwedeng pigilan ang nararamdaman natin. Kung pwede lang, Edi sana ginagawa ko na.
"Yanna," Tawag niya sa akin na dahil na para magising ako sa katotohanan. Katotohanang kanina pa pala siya malapit sa akin.
"Bakit??"
"May gusto ka pa ba sa akin?" Tanong niya sa akin na dahilan para bigla akong mapa-iwas nang tingin.
"Ha? Anong p-pinagsasabi mo," Nauutal na tanong ko.
"Gusto mo pa ba ako?" Malakas na sigaw niya habang hawak hawak ang dalawa kong kamay.
"Ha?"
"Gusto mo pa ba ako Yanna, let me know."
"Pag sinabi ko bang gusto pa rin kita, gusto mo pa rin ako?"
"Just tell me, kung gusto mo pa ako. Kung mahal mo pa ako,"
"Oo gusto kita, Okay na?! Kalix, gusto pa kita. Gustong gusto pa kita at oo mahal pa rin kita pero hindi pwede. Alam mo kung bakit? Kasi matagal nang walang tayo, at impossibleng bumalik tayo kung anong meron sa atin noon." Wala sa sariling sagot ko. Unti unting nangilid ang luha sa'king mata.
"Masyado nang magulo yung sitwasyon natin, Mahirap balikan ang ating nakaraan. At sabi nga nila, nakaraan. Nakaraang hindi na pwede balikan," Sabi ko tska agad na inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Yanna, hindi na ba pwede? Ayaw mo na ba sa akin o may gusto ka nang iba?"
"Hindi na pwede dahil masyado nang magulo. Kalix, Gusto pa kita kaso hindi na pwede eh,"
"Bakit? Bakit hindi na pwede? Pwede pa ba di ba? Yanna," Umaasang usal niya.
"Kalix hindi na pwede." Sabi ko habang umiiling iling. "Hindi na tayo pwede,"
"Yanna, pwede pang maging tayo kung gugustuhin natin."
"Kalix, please. Tigil na, tama na." Sabi ko habang diretsyong nakatingin sa mga mata niya.
"May gusto ka na bang iba??" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Wala, Wala akong gustong iba. Okay?"
"Pero bakit ayaw mo na?"
"Dahil nahihirapan na ako, nahihirapan na ako sa sitwasyon nating dalawa. Hindi ko na kaya, " Sabi ko at unti unting napaluha.
"Hindi mo na kaya, Yung ano?"
"Kalix," Sabi ko tska hinawakan ang kanyang kamay.
"Ano, Yanna. Hindi ko na kaya yung ako?!"
"HINDI KO NA KAYA KALIX." Malakas na sigaw ko. "Hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko," Sabi ko tska unti unting umalis sa harapan niya. Hindi ko namalayan ang sarili ko na, lumuluha na pala ako. Lumuluha nang dahil sa sakit na nararamdaman ko.
****
Nasa harapan ako ngayon ni Kalix, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Diba nung isang araw lang at pinagtatabuyan ko siya, Pero bakit ako naman ngayon yung naghahabol sa kanya?
Masyado nang naghalo halo yung nararamdaman ko. Yung sakit, yung lungkot, at yung unting saya. Ano ba dapat maramdaman ko? Di ba dapat wala? Kasi matagal na kaming wala, matagal na kaming hiwalay.
"Yanna," Banggit niya sa pangalan ko habang diretsyong nakatingin sa mga mata ko.
"Ang tanga ko Kalix. nohh?" Sabi ko at ngumiti nang nakakaloko. "Ang tanga ko kasi nagkukunwari ako na okay lang ako, Kahit hindi naman. Nagkukunwari ako na masaya na ako kahit wala ka. Kahit ang totoo, Hinahanap hanap pa rin kita,"
"Yanna, Mahal mo pa ba ako?" Tanong niya na dahilan para matahimik ako.
"Oo? Hindi? Ewan, Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa nanaramdaman ko, Kalix. Ang alam ko lang dapat wala na to eh. Wala na yung sakit, yung kurot sa puso ko sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba."
"Yanna, Pwede pa ba tayo?" Tanong niya na dahilan para wala sa sarili akong mapatingin sa kanya.
"Anong klaseng tanong yan, Kalix?" Wala sa sariling tanong ko.
"Sagutin mo na lang yung tanong ko, Yanna. Pwede pa ba tayo?"
"Oo? Hindi? Siguro, Hindi ko alam. Kalix, Masyado nang magulo yung sitwasyon natin. Maghiwalay tayo dahil marami tayong problema. Nawawalan na tayo nang oras para isa't isa, At isa pa matagal na tayong hiwalay, Kalix. It's been years."
"Nag sawa ka Yanna. Sumuko ka, hindi ka lumaban." Sigaw niya na dahilan para bigla akong mapatingin sa kanya.
"Lumaban ako, Kalix. Lumaban ako pero sumuko rin ako. Alam mo kung bakit? Kasi hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko." Naiiyak kong sagot at itinuro kung saan yung puso ko. "Dito masakit. Sobrang sakit kasi hindi ko alam kung magwowork pa ba. Magwowork pa ba yung relasyon nating dalawa,"
"Kaya ka nakipag break, Ganun?!"
"No!! Sa ating dalawa? Ikaw yung nakipag-hiwalay." Masigaw na sagot ko. "Hinayaan kita dahil alam kong mas tama ka, na mas magandang maghiwalay na lang tayo. Gulong gulo ako nun, Kalix. Alam mo ba? Naghalo halo yung nararamdaman ko na umabot sa puntong hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Kung saya pa ba yung nararamdaman ko o lungkot na. Gulong gulo ako nung mga oras na yun."
"Gulong gulo ka. Dapat alam mo kung anong ginagawa mo, Yanna. Dapat inisip mo muna bago mo ginawa yung isang bagay, bago ka nagdesisyon!!"
"Kalix, Gulong gulo ako nun. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong isipin, ang tagal kong lumaban. Lumalaban ako sa relasyon natin noon kahit wala kang maalala tungkol sa akin, ni hindi kita nilayuan diba? Mas nilapitan pa nga kita diba? Hindi kita iniwan diba? Hindi kita kinalimutan."
"Tang*nang dahilan yan, Yanna." Galit na sabi niya at wala sa sarili niyang sinuntok yung pader. "Kung mahal mo talaga ako, Kakayanin mo. Kung mahal mo talaga ako, Lalaban ka. Kaso hindi eh, Mahal mo lang ako pero hindi mo ako pinaglaban."
"Wag mong ipagmukha sa akin na hindi kita pinaglaban. Pinaglaban kita, Kalix!! Pinaglaban kita, Tandaan mo yan." Mariing sabi ko sa kanya at unti unting tumulo ang aking luha galing sa aking mga mata.
"Patuloy kitang minamahal habang wala kang maalala tungkol sa akin, na kulang na lang ipagtabuya mo ako eh. Kalix, sumuko ako kasi kailangan. Kasi hindi ko na kaya pang lumaban," Sabi ko dahilan para matahimik siya. Tinalikuran ko siya at nag lakad na papalayo sa kanya.
YOU ARE READING
Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITED
Romance****** It's a story about a girl who left her man to fulfil her dreams, but when he came back the one that she loves forgot her name and their memories. Lyanna Mae Jarsdel, The girl who left the man who loves because she flies to another country to...