Chapter 12

16 0 0
                                    

YANNA

Andito na kami ngayon sa harap nang bahay ko. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong agad sa akin ang mga confetti na nagsi-hulog. "Surprise!!" Masayang sigaw nila dahilan para mapangiti ako. I miss them so much.

Pumasok na kami ni Jabez, inilagay naman namin ang gamit namin sa gilid bago umupo. "Welcome home!!" Masayang sabi sa akin ni Xaryan tska lumapit sa amin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I miss you, pinsan." Sabi niya at kumawala na sa pagyayakap sa akin.

"Namiss namin kayong lahat ni Jabez," Sabi ko at ngumiti. Biglang nahagip nang aking mata si Kalix na kanina pa titig na titig sa akin.

Tumayo bigla si Jabez sa harapan ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Yanna, can we talk? Yung tayong dalawa lang?" Sabi niya dahilan para tumango ako. Biglang tumahimik ang paligid namin. Hindi ko na lang pinansin yun, tumayo na lang ako at sumunod kay Jabez papuntang veranda. Humarap naman ito sa akin at diretsyong tumingin sa aking mata.

"Tungkol saan yung pag-uusapan natin?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"It's about Kalix," Walang emosyong sagot niya.

"Anong meron kay Kalix?" Nag tatakang tanong ko.

"Yanna, nakaka-alala na si Kalix. Naalala na ni Kalix lahat ng tungkol sa inyong dalawa," Sabi niya dahilan para matigilan ako.

"Bakit sinasabi mo lahat sa akin 'to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kasi kailangan mong malaman, Yanna. And he really needs to be you," Sagot niya.

"Kailan pa?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Last year," Sabi niya dahilan para makaramdam ako ng inis.

"Last year pa, pero bakit hindi niyo agad sa akin sinabi? Kaibigan ko rin si Kalix at may pinagsamahan rin kami pero bakit ngayon niyo lang sinabi? Bakit niyo tinago sa akin?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Dahil," Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Dahil ano, Jabez?"

"Dahil natatakot akong mawala ka sa akin kapag nalaman mong nakaka aalala na si Kalix, Natatakot ako na mawala yung pagmamahal mo sa akin. Natatakot ako na mawala yung babaeng pinakamamahal ko. Natatakot akong mawala ka, Yanna." Paliwanag niya. Hindi ko magawang umimik, hindi ko rin magawang maibuka yung bibig ko.

Alam kong nasasaktan siya sa nangyayari ngayon, ramdam ko eh. Ramdam kong nasasaktan siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya tinalikuran ko na lang siya at nag lakad papasok ng bahay. Agad naman akong nilapitan ni Xaryan ng makita niya ang namumugto kong mata.

"Yanna," Sabi niya dahilan para tignan ko siya ng diretsyo sa mata.

"Bakit, Xaryan? Bakit nagawa mong magtago sa akin? Bakit nagawa niyong itago sa akin yung katotohanan? Bakit hindi niyo magawang sabihin man lang sa akin na nakaka-alala na si Kalix. May karapatan din ako, may karapatan din akong malaman yun." Sabi ko habang pinipigilan na bumagsak yung luha ko.

"I'm sorry, Yanna." Sabi niya dahilan para tignan ko silang lahat at itinuro.

"Sa inyong lahat? Wala man lang isa na nag lakas loob na sabihin sa akin yung totoo? Letche!! Naging parte rin ako ng buhay ni Kalix," Sabi ko at kinuha yung maleta ko. Tinalikuran ko sila at nag lakad na papalabas.

Bago pa man ako tuluyang lumabas ay tinignan ko si Jabez, kitang kita ko sa kanyang mata niya na gustong gusto niya akong lapitan at yakapin pero pinipigilan lang niya yung sarili niya. Umiwas na ako ng tingin at nag lakad na papalabas.

Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang pag sigaw ni Allyza sa pangalan ko. "YANNA!!" Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

May tumigil na kotse sa harapan ko na dahilan para matigilan ako, bumukas ang bintana nun dahilan para sumilip ako. Dumungaw siya sa bintana. "You need a ride?" Tanong niya sa akin dahilan para tumango ako.

Bumaba siya sa kanyang sasaktan at kinuha ang aking maleta para ilagay sa compartment. Pinagbuksan niya ako ng pinto dahilan para ngumiti ako at tumango. "Thanks, Kyle." Isinarado naman na niya ang pinto. At umikot, binuksan na niya ang kanilang pinto at umupo sa driver's seat. Nilingon naman ako nito. "Welcome," Nakangiting sabi niya at mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Mamaya maya lang ay nasa tapat na kami ng isang hotel. Una siyang bumaba para kunin ang maleta ko sa compartment, sumunod ako sa kanya. Ibinigay na niya sa akin ang aking maleta dahilan para ngitian ko siya. "Thank you talaga, Kyle." Sabi ko sa kanya dahilan para ngumiti ito.

"Wala yun, Yanna. Ikaw pa ba? Ang lak-" Hindi niya natapos yung sasabihin niya ng bigla siyang suntukin ni Jabez. 

Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa. "Ano bang problema mo? Bakit bigla ka na lang nanununtok," Inis na tanong sa kanya ni Kyle.

Akmang lalapitan pa ulit ito ni Jabez ng pigilan ko siya. "Bitawan mo ako, Beyb." Sabi niya dahilan para mapa-iling ako.

"Huminahon ka nga, Jabez!!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Huminahon? Paano ako hihinahon kung nalaman kong kasama mo yang gag*ng yan?!" Galit na sabi nito habang nakatingin ng masama kay Kyle.

"Tumigil ka nga, wala siyang ginawang masama. Okay?" Sabi ko sa kanya at hinawakan siya sa braso.

"Eh kung ganon bakit mo kasama yang lalaking yan," Tanong niya.

"Nakita niya ako sa daan, Okay? Hinatid niya lang ako dito sa hotel dahil hindi ko kayang bumalik sa bahay ko kasi ayokong maalala yung nangyari kanina. Wala siyang ginagawang masama, Jabez. Kung nagseselos ka, itigil mo yang pagseselos mo." Paliwanag ko sa kanya. Hinawakan naman niya ako sa braso at hinila papa-alis.

Akmang lalapit ulit si Kyle sa akin ng tignan niya ito ng masama."Subukan mong lumapit at mabubugbog kita," Sabi nito.

"Jabez, kumalma ka pwede? Kung hindi ka kakalma, hindi ako sasama sayo." Sabi ko sa kanya dahilan para matahimik siya.

Our Forgotten Memories (Forever Series #1) EDITEDWhere stories live. Discover now