"Sir Frost. Sir Ridge gising na." pag gising ni Kuya driver sa dalawang tulog pa.Nakababa na ako at tinutulungan si Kuya na ibaba ang ibang bags ko. I'm still glued in front of the rest house gate. I'm just looking at it and reminiscing the old times.
"Kuya Elmer ako na po dyan." pagsingit bigla ni Frost.
"Kuya Elmer po pala pangalan niyo?" bigla kong tanong na ikinatawa ni Kuya Elmer.
"Oo, Lime. Hindi mo na ba ako natatandaan? Tumatakas pa kayo sa akin dati nina Sir Ridge at Sir Renz noong maliliit na bata pa kayo." I tried to remember but seems like I can't.
"Sorry Kuya Elmer, di ko po matandaan eh. Pasensya na po. Ang Kuya Elmer lang po kase na kilala ko ay yung may ari po ng glue na gamit ko nung high school ako." agad naman humagalpak ng tawa si Frost at napatawa ng mahina si Kuya Elmer.
Totoo naman kase!
"What the hell?!?!" napalingon agad kami sa may bandang una ng van kung saan kakababa lang ni Rude Ridge.
Dali dali siyang naglakad papuntang likod ng van kung nasaan kami at nagdiretso kay Kuya Elmer.
"Bakit tayo nasa may San Juan?" naguguluhang tanong nito kay Kuya Elmer.
"Yan din ang tanong ko. Bakit tayo nasa Tabaco City? Bakit tayo nasa Albay?" gayundin ang segunda ko na ikinasama ng tingin niya.
"Sabi ng mga magulang niyo dito ko daw kayo dalhin. Saka ayaw niyo ba noon, Lime at Ridge? Noong mga bata kayo naglalaro pa kayo doon sa may harapan ng simbahan!" natutuwang sambit ni Kuya Elmer sa amin.
I just gave Kuya Elmer an awkward smile. Nagpasok na kami ng mga gamit sa loob ng lumang bahay. Kahit ang lawak lawak ng sakop ng property na ito ng mga magulang namin. I told you, they were bestfriends.
Ng maipasok na lahat ng gamit namin ay nagpaalam na sa amin si Kuya Elmer. Nagulat pa nga ako akala ko kasama namin siya. Hindi pala. Hays. So I'm stuck with Frost and that Rude Ridge.
"Kailangan atah natin maglinis." I suddenly blurted out.
"Obvious ba?" napairap na lang ako sa sagot ni Ridge.
"Oh awat na! Ganto, saan kwarto ko?" biglang tanong ni Frost.
"May kwarto ako dito. May kwarto din siguro siya. Tas may kwarto sina Daddy dito. Tas may kwarto din sina Tito dito. May isang guest room so pili ka na lang." pagsabi ko sa kanya.
"Tanda yung bahay pero hindi yung nangyari sa bahay..." bulong ba yun ni Ridge?
Rinig na rinig ko eh....
"Wala bang kwarto si Kuya Renz dito? Doon na lang ako." paghirit pa ni Frost.
"Magkasama kami ni Renz sa kwarto noong bata pa kami. Kaya wala." masungit na sagot ni Ridge sa kapatid niya.
"Sa guest room pede ka! Tulungan kita mag ayos ng kwarto mo." pagsingit ko at agad naman lumiwanag ang mukha ni Frost.
"Sabi mo yan, Ate ha? Tara na! Maglagay na tayo ng mga gamit sa kwarto." we all agreed with what he said.
Meron akong tatlong malaking maleta at tatlong bag na malalaki din. Tatlong buwan. Biruin mo tatlong buwan. Kaya ang dami ko tuloy dala. Kinuha ko ang unang maleta na laman lahat ng personal belongings ko. From my essentials to my inner clothing. Tas isang bag ang dinala ko paakyat ng kwarto ko.

BINABASA MO ANG
H Series : Healing the Girl named Lime
Teen FictionLime Francine Villana is a known badass. She knows no law. She is the law of her own. But behind a strong appearance and trashy attitude, there is something she is longing. There is something missing. There is something that needs to be Healed. "If...