02

28 1 3
                                    





"Hon, look at her face!" then Sari bursted into laughter.

Nagising ako sa lakas ng tawa ni Sari sa may salas. I get off from bed and did my morning stuff. Nagdiretso ako sa labas ng kwarto at natagpuan kong naka upo sa counter si Sari habang si Fire naman ay nasa may high chair at si Wila ay nagluluto.


"Honey, come here! Promise mabubuo umaga mo neto!" lumapit ako kay Sari at naupo din sa may counter.

"Alam mo rinding rindi na ako sa paulit ulit na pagplay ni Sariya ng video. Kaasar." sabat ni Wils na busy nagluluto.

"Kaasar ka din! Sari kase! Ang baho nung Sariya." maarteng sagot ni Sari na nagpatawa sa aming tatlo.

Si Fire nakasubsob ang mukha sa may counter. May hang over pa yan pagbigyan. HAHAHAHAHA.

"Play mo bilis!" excited na sabi ni Sari sa akin.

As I started to play the video, memories last night came rushing through my mind.



"Whooo! Hiningal ako sa pagtakbo!" Sari complained.

Nagdiretso kami sa first floor pero agad kaming hinarang ng guard.

"Invitation niyo po?" tanong nito sa amin.

Nagkatinginan muna kaming apat bago humakbang si Wila pauna sa amin at lumapit kay Kuyang Guard.

"Kuya close friends po kami ni Ellanor. Nakalimutan po kase namin yung invitation sa bahay namin eh." malanding sambit ni Wils.

"Ahh sige....pero kailangan ko muna itanong." medyo nahihiya pang sambit ni Kuya Guard.

"Hindi tinamaan ng alindog ni Babes." natatawang bulong sa akin ni Fire.

"Eh kase Kuya emergency din kase na makapasok kami eh! Nakita kase namin na puro spray paint yung kotse ni Ellanor tapos basag yung windshield kaya nagmamadali kaming pumasok." pagsabi pa ni Wila.

"Nice one..." I whispered to myself.

"Talaga?! Nakuuu! Titingnan ko muna. Pasabi kay Ma'am Ellanor." at nagmadali dali si Kuyang Guard umalis.

Nag apir kaming apat at eleganteng pumasok sa party. Maganda ang pagkaayos nila sa dancefloor at nakita kong naglalaro sa may dulo sila Ellanor. Hmmm...

Sinenyasan kami ni Fire na sumunod sa kanya. Doon kami dumaan sa may gilid. Habang palapit kami sa may DJ area ay kumuha kami ng drinks sa mga nag aalok.

"Uhmm, Hi!" bati ni Sari sa may organizer sa may gilid ng center stage kung nasaan ang DJ at yung banda.

"Ano po kailangan nila?" tanong sa amin nung organizer.

Buti na lang hindi masyadong maingay sa part na ito. Elevated kase masyado to.

"We would like to say a message for our friend Ellanor kase eh. We would like to surprise her. Pwede naman di ba?" Sari asked.

"Uhmm....sige po." hesitant pa yung organizer pero binigyan kami ng mic.

Actually, dalawang mic lang. Ang tataas lang ay ako at si Fire. Si Wila ang bahala sa system kase nakapuslit na siya doon at si Sari naman nagvivideo.

Nagtanguan muna kami ni Fire bago umakyat sa center stage. Medyo hindi pa kami napapansin kase hyper pa ang crowd at busy pa sila.

"Attention everyone!" Fire started.

H Series : Healing the Girl named LimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon