21

7 0 0
                                    



"Sana'y di lang kita nakilala....sana'y di lang kita nakasama....sinaktan mo lang ako....sana'y di na lang kita minahal---"



"Ampochi. Ano bang tugtog yan? Broken ba kayo?" I suddenly blurted out.



Sadya ka naman. Feel na feel nun tatlo yung music. Jusko. Bakit ba ako napasama sa mga broken?



"Tigil niyo na nga yan. Baka umiyak lang kayong tatlo dito sa sasakyan. Itatapon ko talaga kayo." pananakot ko pa at tinawanan lang nila ako.



Buti naman at tinigil nila. After a few minutes, dumating kami sa isang bakanteng lote kung saan nagkalat ang mga iba't ibang stalls. Ang dami ng tao! Ang saya....



"Tara doon sa may volleyball area. Makilaro tayo! Open for everyone oh!" Sari encouraged us while she was looking into the posters.



"Ilan po kayo Ma'am?" the lady in the entrance asked me.



"Uhmm, isa lang ako pero apat kami na papasok. How much?" I responded.



Ako lang talaga matino sa aming tatlong babae. Tingnan mo naman mukhang mga bata. Sa halip na sa entrance booth magpunta doon nagpunta sa mga bubbles saka sa posters.



"450 per person. Kasama na po lahat ng payment for booths and ticket pass later po sa hydro concert." she replied so I nodded and handed out the money but someone already gave money before I could.



As I looked back, I saw Jacob smiling and getting his change. I was in awe. Just how?



"I'll pay you later." I said and he just shrugged.



"Ok na? Tara naaaa!" the girls pushed us both entering the whole place.



"Tara sa volleyball area! Magsastart yung game in 20 minutes daw!" she blurted out.



"Paano mo naman nalaman, Wils?" I asked her.



"I asked the Kuya Guard kanina! So let's go!" at hinila na naman nila leaving Jacob looking like he's our guardian.



Agad nagparegister yung dalawa and since we are four they still looked for two persons to build our team. Naiwan na naman kami ni Jacob dahil sa sobrang hyper nina Sari at Wila.

H Series : Healing the Girl named LimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon