"Ate and Kuya welcome backkk! Kamusta ang pamamalengke?" bungad agad sa amin ni Frost na hanggang ngayon ay walang t- shirt na suot."Sana naglinis ka ng bahay di ba?" supladong sagot ni Ridge kay Frost.
"Aba'y syempre naman Kuya! Naglinis ako ng kusina at ng dining area. Hindi pa lang ang salas. Hehehehehe...." malokong sagot nito bago kinuha ang pinamili namin na dala ko.
Nagdiretso kami sa kusina at hindi ko na tiningnan pa ang salas kase hindi pa nalilinis. Masakit sa mata ang madumi. Fun fact, kaya mag isa lang sa guest room si Wila sa condo ni Fire kase sobrang kalat niya.
"Ako magluluto. Kayong dalawa, linisin niyo yung salas at yung kwarto niyo kung hindi niyo pa nalilinis." pagtaboy ko sa dalawa sa kusina.
"Ate ayaw ko pang maexperience tumulog sa gitna ng kalsada." ngiwing sagot ni Frost.
"Ayaw ko pang masunugan." segunda ni Ridge.
Abaaaa!
"Excuse me? Maalam ako magluto at hinding hindi ako makakasunog. Kung ayaw niyo ng luto ko edi magluto kayo ng inyo!" agad naman nag iba ang istura ng mukha nilang dalawa.
"Hindi, ikaw na pala magluto." supladong sabi ni Ridge bago nagmamadalinh lumabas ng kusina.
"Oo nga, Ate. Sabi ko maglilinis na nga ako." segundang sabi ni Frost bago sumunod sa Kuya niyang suplado.
"Mga baliw..." bulong ko sa sarili ko bago bahagyang napatawa.
First time ko atah makitang nataranta ang isang Ridge. HAHAHAHAHA!
Inilibot ko ang mata sa kabuoan ng kusina. Typical kitchen style. May counter na nagsisilbing divider sa dining area at madaming cabinets. Speaking of cabinets, tiningnan ko yun isa isa and to my relief complete ang kitchen tools and essentials dito sa bahay.
Mukhang inayos nila ang mga gamit dito pero hindi nila pinalinis. Gusto atah kami talaga maglinis. Yung cabinet ko kase sa taas biglang lumaki saka nagkaroon pa ako ng vanity mirror. Saka may shower pa sa bathroom ko eh wala naman noon dati. Naka-tabo at timba lang kami noong bata eh.
Nilagay ko na sa ref yung ibang mga gulay at karne at isda na pinamili namin. Yung mga seasonings buti na lang meron na dito. Itinira ko lang ang mga sahog ng lulutuin kong tinola. Hiniwa ko ng maliliit yung manok at nagsimula ng magluto. Nagsaing na din ako buti na lang may rice cooker dito.
Habang nagluluto ako, naririnig ko ang mahinang tawanan at pagkwekwentuhan ng magkapatid sa salas. Biruin mo yun, natawa pala ang isang Ridge? Akala ko hindi eh. HAHAHAHAHA.
Napakaserious kase lagi. Noong matapos na akong magluto ay naghain na ako sa may lamesa. Madilim na sa labas at sobrang presko pa rin ng hangin na pumapasok sa may bintana.
Pagkahain ko ay nagpunta ako sa may salas at nabigla ako. Ang linis na! Hahahahahahaha! Tas yung dalawang lalake ay prenteng nakaupo sa may sofa. Abuhhh! Mahusay!
"Kakain na po, mga Señorito." pabalang kong sabi.
"Mahusay aking katulong!" masiglang sagot ni Frost.
Nahagip ng mata ko ang feather duster sa may gilid ng maliit na lamesang katabi ko kaya agad ko iyong kinuha at hinagis kay Frost. Tinamaan naman ang gagi sa pisnge.
"Aray! Sisisantihin na kita!" reklamo nito sa akin.
Kitang kita naman ang pag ngisi noong si Ridge.
BINABASA MO ANG
H Series : Healing the Girl named Lime
Novela JuvenilLime Francine Villana is a known badass. She knows no law. She is the law of her own. But behind a strong appearance and trashy attitude, there is something she is longing. There is something missing. There is something that needs to be Healed. "If...