Chapter 2

62 44 2
                                    

Cush!

Dali-dali akong umahon sa pool at tumingin sa gawi nina Cush. Nakatingin pa siya sa direksyon namin.

Naglakad ako patungo sa kanya, narinig kong tinawag ako ni Connor pero wala na don ang atensyon ko. Nag angat naman ng tingin si Cush sakin.

"He's the one who kissed me. And-- yes I know I kissed him back but please believe me it's just nothing. Plain kiss-- that's all" paliwang ko sa kanya .

Nanatili siyang nakatingin sakin. Pilit kong hinahanap ang emosyon sa mata niya ngunit wala akong makita.

" Why explain to me? I don't give a fuck whoever you want to kiss. I don't care!" aniya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

He don't care?

"Cush" yun lang ang nasabi ko.

"I told you I don't want you in my sight, didn't I? We have a deal! I hate it when you act like your my girlfriend." asik niya.

Hindi ko na kaya ang mga sinabi niya. Hiyang- hiya na ako lalo pat may mga nakakarinig samin. All my life, siya lang ang may ganang ipahiya ako. For fuck sake I'm a Jison!

Tumalikod ako at akmang tatakbo ng may matipunong katawan akong nabangga. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mga berde niyang mata na puno ng awa? What the fuck! Ayokong kaawaan.

"What now!" I glared at him.

"Let's go!" aniya.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan habang ako ay nagpatianod lang kung saan niya ako dadalhin.

Narating namin kong saan niya pinark ang kotse niya. Inabot niya sakin ang damit ko na hinubad ko kanina.

"Magbihis ka" aniya.

"Seriously? Sa harap mo?"

" What? Nakabikini ka at nakita ko na yang katawan mo. Ang gagawin mo lang ay magdamit."

Isa-isa kong sinuot ang damit ko pero ang gago tumalikod lang din naman. Dami pang sinasabi.

Pagkatapos kong magbihis ay pinapasok niya ako sa kotse. Minaneho niya ito sa kong saan habang ako ay nanatiling tamihik dahil sa nangyari kanina.

I don't give a fuck whoever you want to kiss

Damn it! Nagrereplay sakin ang mga sinabi niya sakin habang walang emosyon ang mga mata niya.

I don't care.

Shit! Parang libo-libong karayom ang tumutusok sa puso ko matapos kong malaman na wala naman pala talaga siyang pakialam sa'kin.

I hate it when you act like your my girlfriend

Bumalik ako sa reyalid ng pagbuksan ako ni Connor ng pinto at naglahad ng kamay sakin.

This is all his fault! Kung hindi niya lang sana ginawa yun edi sana hindi na ako nagreact ng ganun na parang girlfriend akong nagkasala sa boyfriend ko.

Hindi ko tinanggap ang kamay niya at sa halip ay inirapan nalang at kusang lumabas sa kotse.

Pinalibot ko ang tingin sa pinagdalhan niya sakin.

Children's Park?

Ano't dito niya ako dinala? Maglalaro? Psh!

Umupo ako sa isa sa mga swing at parang ulol na nakatingin sa kawalan.

Naramdaman kong umupo si Connor sa kabilang swing. Ilang minuto din kaming tahimik hanggang sa basagin niya yun.

"I'm sorry about that Samm" aniya.

"Bat mo ginawa yun?" usal ko.

"Alam kong nasaktan ka sa nakita mo kaya ginawa ko yun. Now you're even" aniya.

"You don't have to do that!" di ko namalayan na sinigawan ko na siya." I'm sorry I don't meant to shout at you"

"It's fine. I understand, kasalanan ko din naman pero Samm, I know nasaktan siya sa ginawa ko" usal niya.

Nasaktan siya? Eh wala nga siyang pakialam sa'kin.

"What do you mean?" usisa ko.

" I'm not mistaken if it's anger I saw in his eyes when I kissed you. Di mo nakita dahil nakapikit ka, Samm." aniya.

Panong di siya magagalit eh may deal kami na ayaw niya akong makita. Baka yun yon.

"That's bullshit! He don't even care about me, Con."

"Come on, I'll drive you home." pag-iiba niya sa usapan.

"No, let's go back to the party." usal ko.

"Wait! Are serious?" di makapaniwalang aniya.

Tumango ako at hinila siya pabalik sa kotse. Nagmaneho naman siya pabalik sa party.

Sabay kaming pumasok ni Connor kaya nakuha namin ang atensyon ng mga nandoon.

Nagparty kami na parang walang nangyari kanina mukhang kaunti lang ang may alam sa nangyari. Alam kong nandito pa si Cush sa party at pansamatala kakalimutan ko munang gusto ko siya. Matapos ng ginawa niya kanina.

Di nga alam ni Kaiyla kung ano ang nangyari. Nagtanong lang kong saan ako galing. Pinakilala ko din sa kanya si Connor. Ang bruha masaya daw para sa'kin dahil sa wakas may Connor na daw ako.

Eh di ko naman type si Conn. Mas gusto ko si Cush. Abah! Loyal ang tong lola niyo!

~••~
Dalawang araw na ang lumipas nasa bahay lang ako. Those past two days
I was just watching Netflix, bake sometimes, then workout in the mini gym in house. Ewan, I just don't feel like shopping or hanging out with friends who invited me to a party.

How can Cush embarrassed me like that? May mga taga La Salle don, may UST din at iba pang university. Buti nalang unti lang ang tao sa may location namin that time,dahil busy sa loob, nag iinuman.

Though,I'm still thankful, ng kaunti lang naman, kay Conn dahil di niya ko iniwan. Pag nagkataon na wala siya, ilulublob ko nalang sarili ko sa pool hanggang matapos ang party. Char! Ayaw ko ding ma-shutay no! Papakasalan ko pa si Cush.

Should I say sorry to him? Nah! I don't say sorry,tho. Hmm? I don't know na.

Naglakad kami ni Kaiyla patungo sa building nina Cush para ibigay ang binake ko kagabi na cupcakes. Nakita ko siyang may kausap sa labas ng room nila, mukhang wala pa silang klase.

Pinaalis ko yung kausap niyang lalaki at umalis naman. Abah! Wala makakahindi sa gorgeousness ng isang Samm Jison.

Si Cush lang!

"Good morning,Cush. Here your cupcakes." abot tingang sabi ko, nagbabasakaling mahalog sa matamis kong ngiti. Tinanggap niya ang box ng cupcakes at tumango lang sakin. And I was like ' ouch' tumango lang? Wala bang 'thank you, babe?'. Abah! Tigas nitong si Cush eh no? I wonder kung matigas ba 'yong sa gitna ng hita niya. Char!

Ang mahal ng ngiti kay Cush, halatang nagtitipid eh. Naku! Pag nagpakasal na kami, walang tipid-tipid sa'kin,bigay mo lahat!

Ngumiti parin ako kay Cush at nagpaalam ng umalis, ganun din si Kaiyla. Syempre habang naglalakad taas noo kami ni Kaiyla, kami pa ba?

Napalingon ako kay Cush ng tinawag niya ako at nagsalita.

"I'm sorry about what happened in the party. And thank you for the cupcakes" aniya at pumasok na sa loob ng room.

Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon