Chapter 6

37 22 0
                                    


Maaga akong pumasok sa school dahil na mumugto pa mata ko kakaiyak kagabi. Like duh! Ayokong makita nila na mukha akong zombie.

Pinabigay ko nalang kay Max ang cupcakes ni Cush. Nagstart ang minor classes namin,tapos nong major class na binigyan na kami ng project na kailangan ilagay sa plate, e dati sa sketch pad lang. Nag update ata ang pinapagawa samin? Sa bagay, kailangan namin ng output dahil sa papalapit na sportsfest.

"Anong ilalagay mo sa plate mo?" tanong sa'kin ni Kaiyla

"Hmm? Condominium. Ikaw?"

"Hotel"

Kumain kami sa Canteen at nandon sina Cush. Di na 'ko nagpapansin pa dahil marami pa akong gagawin. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo ako sa library para magbasa tungkol sa History of Archi. May recitation kami bukas. Ilang minuto pa akong nagbasa at nang matapos ako ay kinuha ko phone ko at inopen ang Instagram ko tas kinunan ko ng picture ang librong binabasa ko at pinost sa IG story. Nag selfie din ako at pinost.

Tiningnan ko kung sino-sino ang nakapagview sa my day ko at isa doon si Cush. Hmm? Online ang bebe ko.

Tinap ko ang profile niya at tiningnan ang story niya. Picture niya iyon na nasa food cart, nakatalikod siya sa cam at katabi niya 'yong babae. May isang story pa siya at video'yon.

'Try this one' ani Cush sa video at sinusubuan ng kikiam yung babae. Nakatag yung IG ng babae kaya binuksan ko iyon.

HAnniebee
11, 758 followers
365 following

Hmm! In fairness marami siyang followers. Mas marami nga lang yung sa'kin.

Habang tinitingnan ang mga photo nong Annie ay may nag message sa'kin.

From: BRUHANG KAIYLA

Hiraman mo'ko libro.

To: BRUHANG KAIYLA

ayoko. Punta ka na lang dito! Asan ka bang bruha ka?

From: BRUHANG KAIYLA

pake mo? Punta nalang ako dyan. Tamad ka talagang gaga ka.

Hinintay ko si Kaiyla tapos sabay kaming nag-aral. Pagkatapos namin sa library bumalik na kami sa room.

" Boggy Club tayo mamaya? Andon daw sina Max" ani Kaiyla. Bruhang to! Kailan pa sila naging close ni Maxxy?

" Kita ko sa IG story niya, ' Boggy later' caption niya don" agap niya. Hmm! Talented talaga tong si Kaiyla sa pagpapalusot,e. Galing. Naisip kong pag andon si Max syempre andon din future husband ko. Charoottt! Hekhok.

Umuwi ako sa bahay at nagbihis tapos nagpahatid sa club. Naisip ko kaninang kumuha nalang ako ng condo malapit sa school para pag may biglaang lakad ay di na ako ma hassle. Pero syempre kailangan ko pang suyuin sina Mom sa plano ko, para payagan ako.

Umorder kami ng San Mig,tatlong bucket. Inimbeta din namin si Connor, Margou at Lilian na kaibigan din namin, nasa ibang field nga lang.

Mas nauna ata kami kina Max dahil luminga-linga ako at wala pa sila. Marami ding taga ibang university ang nandito. Nagkakasiyahan na kami at nadagdagan na ang inorder namin.

Bat wala pa sila?

Nag tungo ako sa CR saglit tas pag labas ko, nakaupo na sa ibang couch sina Margou at Lilian. Si Kaiyla naman ay di ko mahanap kaya kaming dalawa nalang ni Conn sa couch namin.

"Okay ka lang?" bulong niya dahil malakas na ang tugtog sa club

"Oo. Ikaw ba?! Are you enjoying?" lapit ko sa tenga niya.

"Yeah! Let's dance?"

Tumango ako at nagsayawan kami. Iginiling ko ang balakang ko sa kanya habang nakatalikod. Siya naman ay nakahawak sa bewang ko.
Humarap ako sa kanya at iniyapos ang braso sa leeg niya. Ganon ang position namin ng may nakabunggo sakin. Narinig ko naman na nag excuse siya dahil siguro di siya makadaan ng maayos dahil na occupied na ang space dahil sa nagsasayawan. Pero ng hinarap ko siya para sana sabihin na ' okay lang' nagbago ang isip ko ng malaman kung sino iyon.

Annie...

"Are you crazy?!" singhal ko. Sisimulan ko na 'to. Abay, bat siya umaaligid sa husband ko.

"Excuse me?" di makapaniwalang sambit niya.

"You bumped me"

"Hey! I don't meant to. Nag excuse ako" . aniya at wala akong pakialam.

"I don't hear you excusing" istriktang usal ko.

"You're unbelievable" she sighed deeply. Inirapan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Bitch!" usal dagdag pa niya

"I know I am. And I'm bitcher if you won't say sorry"

"Samm, that's enough" awat ni Conn.

"What's happening here" ani naman ni Cush na mukhang galing sa banyo.

" Binangga niya ako" depensa ko.

"Nabangga hindi binangga. It's obviously different" arte niya.

"Duh! The same root word" sarkastikong usal ko.

"Annie, let's go" si Cush. Mukhang aalis na nga ang malandi kaya nagsalita ako.

"Mag sorry ka" usal ko.

"Bat ako mag sosorry?"

"Because I say so?" note the sarcasm para mas intense. Di ba nga motto ko ' what I want, I get ' syempre magsosorry siya sa ayaw't sa gusto niya.

"I don't care if you say so" aniya. Aba! Matapang. Matigas din.

"Final answer? Baka magsisi ka pag di mo ginawa?" pagbabanta ko tas inisang hakbang ang pagitan namin at umatras naman siya.

"Okay, whatever it is, I'm sorry for what she did" agap ni Cush na mukhang alam ang gagawin ko pag di nasunod ang gusto ko. Pero syempre di ako papayag na siya ang hihingi ng paumanhin. Hello?! Bat niya ba kasi pinagtatangol ang babaeng yan.

"SAY...SORRY" hinarap ko si Annie. Alam kong nag excuse siya kanina pero kasi nabwebwesit ako kaya heto, ipaglalaban ko ng patayan ang sorry'ng kailangan ko.

May ibinulong sa kanya si Cush at nakita ko na nairita siya sa sinabi nito. Kapagkuwan ay hinarap niya ako.

"Sorry" aniya. Ay ang galing nagsorry siya, Kaya lang parang di sincere.

"A lil bit sincerity is highly appreciated for me" pang-iinis ko.

"Cush, this is too much. I told you it's not my--" umirap siya tas humarap sakin.

"I'm sorry, okay? I don't meant to bumped you while you're dancing with your boyfriend. It won't happen again. I'mmmmm reallllly sorry. " aniya tas naglakad pa alis.

Ngumisi ako dahil alam kong nagtagumpay ako. Duh! Jison po ako. No one messes with a Jison.

Tumingin ako kay Cush na ngayon ay nakatingin din sakin, di makapaniwala sa ginawa ko. Umiling pa ang bebe ko. Disappointed ba siya sa pinakita kong ugali? Sige lang, magkampihan kayo but I'll make sure Cush will be mine in the end.

"Boyfriend,huh? " Aniya na tumingin sakin at Conn na nasa likod ko tas naglakad na palayo samin.



Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon