"Whaatttt!?"
Ayan nanaman ang bunganga ni Kaiyla. Ewan ko ba at napakalaki? Daig pa ata si Anne Curtis! Kwinento ko sa kanya ang tungkol sa may asawa na si Cush. Ni hindi man lang namin nalaman noong nasa New York pa kami.
"Sino? Kailan pa? Aba! Litse ano okay ka lang ba? Mukhang mahihirapan ka dyan sa closure na hinahanap mo? May asawa na pala e, baka isipin nong asawa na kabit ka?" dagdag pa niya. Napa advance din kasi mag-isip nitong si Kaiyla e, kabit? Oh c'mon! I'm way better than that.
Pagkatapos namin mag-usap ni Kaiyla ay nagpaalam na ako. It's already 9 PM pero nasa office pa ako. Kanina pang 8:30 ang out. Wala din naman akong gagawin sa condo dahil mag-isa lang ako. Di din ako gutom kaya inabala ko nalang ang sarili sa kwentuhan namin ni Kaiyla dahil ngayon lang 'yon may libreng oras. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nagpasya ng umuwi. Kinuha ko ang coat ko at naglakad na sa elevator. May mga trabahante pang naroon, siguro ay over time . Gusto ko ng umuwi dahil napagod ako sa kwentuhan at kamustahan namin ni Kaiyla pero nabwesit agad ako ng makitang flat ang gulong sa likod ng kotse ko. Lintik na gulong naman oh!
Naisip ko na mag book nalang ng grab kesa naman tumawag pa para ayusin 'to, mas lalo lang matatagalan. Kinuha ko ang phone ko para makapagbook na ng grab nang may nagsalita sa likod ko.
"Aren't you going home yet?" boses ni Cush na siyang dahilan para dalawin ako ng kaba. Di ko alam na may ganito pa pala siyang epekto sa'kin. So I really try my hardest to compose myself.
"I'm booking a grab car since my back tire was flat." pormal kong sagot kahit pa naghaharumintado na ang puso ko dahil sa presensya niya.
"I can drive you home. On the way lang naman e" aniya.
"No no no. It's fine. May pupuntahan pa kasi a-ako." tanggi ko agad. Aba! Napaka-awkward kung sasabay pa ako sa kanya noh! Malamang ganun din sa kanya.
"Saan ba ang pupuntahan mo?" aniya, desididong ihatid ako. Damn it!
Ngayon di ko na alam kung ano ang iaalibi ko. To be honest, wala naman talaga akong pupuntahan pa. Nasabi ko lang 'yon baka sakaling mabigyan siya ng rason para mag grab nalang talaga ako." Kakain ng dinner" wala na akong ibang maisip na dahilan. I mean, medyo nagugutom na din ako. Sana naman talaga kainin niya na ang dahilan ko.
"Lets have dinner then and I'll drive you home" aniya.
"Whatt!" gulat kong tanong.
"Let's go" aniya at nauna ng naglakad patungo sa kung saan nakapark ang kotse niya. The way he said that is full of authority like it's not giving me time to resist.
Wala na akong nagawa kaya naglakad na din ako. Iniisip ko kung ano ang magiging sitwasyon namin sa loob ng kotse niya. Magsasalita ba ako? Kakamustahin ko ba siya? Kahit alam kong may asawa na siya di ko parin maiintindihan kung bat ganto? Kinakabahan pa rin ako.
Pumasok na din ako sa passenger seat dahil kanina pa siya nakapasok, hinintay ako. Pagkaupo ko diretso lang sa harap ang mata ko, walang lingon-lingon sa kanya. Pinagkukuskos ko ulit ang mga daliri ko, halatang kinakabahan. Litse! Ayokong magmukhang tense na tense dito pero di ko maiwasan. Di ko alam kung bakit di pa kami umuusad hanggang sa lumapit siya sakin. As in sobrang lapit na iniwan ulit ako ng hininga ko. Nakahawak siya sa backrest ng upuan ko habang ako ay nakatingin lang sa kanya, nagtataka kung ano ang gagawin niya. Hahalikan niya ba ako? Oh my! Dapat pala nag mouth wash ako bago umuwi!
"Seatbelt lang Arch. Jison" aniya, nakangisi.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil doon, samahan pa ng nakakaloko niyang ngisi. Siguro naiisip niya ang naiisip ko. Parang gusto ko nalang kainin ng lupa at tapunan ng puting rosas sa mga oras na ito dahil sa kahihiyan. Umayos siya ng upo at binuhay na ang makina.
"You can breathe now" kapagkuwan ay sabi niya. Diko alam na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko kaya ganon nalang kalalim ang buntong hininga ko. Nakakainis! Nakakabanas! Bat kailangan pa niyang sabihin 'yon? Sammantha Eris get yourself together, you fool!
Di na siya nagsalita simula non, ganun din ako hanggang sa narating namin ang pinakamalapit na restaurant. Mas lalo lang akong kinabahan ngayon. Baka may makakita sa'min tapos malaman ng asawa niya akalaing kabit ako tapos maiissue ako. Damn! I'm getting paranoid here!
Sinalubong kami ng isa sa mga waiter at dinala sa table na good for two. Now we look like dating! Umupo na ako at ganun din siya. Tahimik lang kami habang tinitingnan ang menu. Pagkatapos kong pumili ay nilista na ng waiter ganun din kay Cush.
"Di ka na dapat nag-abala. Baka nakaka istorbo lang ako" panimula ko ng umalis ang waiter.
"I don't mind " aniya, diretso ang tingin sakin dahilan para mag iwas ako ng tingin. Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti ng tipid.
Tumikhim siya. " How are you?"
"I'm fine. 'bout you?" tanong ko pabalik.
"I'm doing great" aniya, his fingers were tapping on the table.
"So...... you're married?" di ko na mapigilan ang magtanong dahil kinain na ang sistema ko ng kuryusidad. Napatingin siya sa'kin. Tingin na parang inaalam ang iniisip ko. Nilabanan ko ang titig na iyon para malaman niyang di ako maapektuhan sa isasagot niya kung sakali.
"No. Di pa kami kasal, ikakasal palang" seryoso niyang saad. Napatingin ako sa ring finger niya at may singsing nga doon.
"Ohh" 'yon lang ang nasabi ko dahil dumating na ang order namin.
Tahimik lang kami habang kumakain. Mukhang mga tonog lang ng kubyertos ang maririnig dahil sa sobrang tahimik. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya, ganun din siya sakin. Binilisan ko ang pagkain ko para makauwi na agad kami,mukhang sobra na ang abala ko sa kanya.
Sumimsim ako sa wine ko pagkatapos ay hinalungkat ang bag para makabayad na. Pag angat ko ng tingin ay may inabot na card na si Cush dahilan para hawiin ko iyon. Di ko man lang napansin na tinawag na niya ang waiter.
"No. Ako na" sabi ko at ang card ko ang binigay ko sa waiter.
"No, I insist" aniya at tuluyan ng naibigay ang card niya sa waiter. Binalik ko nalang ang card ko at nagpasalamat sa kanya. Ako na nga itong nang-abala ako pa itong nalibre ng dinner.
Habang hinihintay na makabalik ang waiter ay sinamantala ko na iyon.
"Congratulations to your incoming wedding" malapad na ngiti ko kahit pa sa kaloob-looban ko ay sana ako iyon. Ako yong ikakasal sa kanya. Ako yong makakasama niya habang buhay. Ako yong magiging katuwang niya sa buhay. Ako yong kasama niya sa hirap at ginhawa. Ako dapat yong magiging sandalan niya sa mga di inaasahang sitwasyon. Ako dapat yong magiging ina ng magiging anak namin. Ako dapat yon kung pinili kong manatili sa tabi niya. Kung pinili kong makinig sa piliwanag niya at magpatawad nalang. Ako dapat yong maglalakad sa altar kung di ako nagpadalos-dalos. Ngayon hanggang sana nalang ako.
BINABASA MO ANG
Surfiet Affection
Non-FictionSammantha Eris Jison, a very popular woman for having such beautiful face. She's smart, talented and a little bit of hard headed sometime. Their family is the most famous in the field of business, specifically in real estate world. Samm can have ev...