Chapter 15

14 7 0
                                    

"Why the hell is he working here! You asshole!"

Sigaw ko kay Max ng sagutin niya ang tawag ko. Pagkatapos ng meeting namin kanina ay dumiretso na ako dito sa office at cellphone agad ang inuna para makausap ang lintik na pinsan ko.

"After his graduation he work in the company, of course you didn't know because your bitter as  ampalaya. " halakhak niya sa kabilang linya.

"And besides nagmerge ang company natin sa company nila, remember? Stock holder din siya sa company, malamang magtatrabaho siya diyan" dagdag pa niya.

Now I'm so freaking frustrated! Okay! I knew I decided not to hear anything about him but fuck.... Ngayon magkakasama pa kami sa Resto bar na ipapatayo ni Max. Though, pwede ko naman ibigay nalang sa kanya ang blueprint para roon. Kaya niya naman siguro intindihin iyon, para san pa't engineer siya. Tama! Mas mabuti pa na ganoon nalang.

Ngunit kahit ganon ay makikita ko pa rin siya, maaaring makasama din sa proyekto. Hindi naman pwede na ako ang mag aadjust para sa kanya.

Pagkatapos ng tawag kay Max ay nagpatuloy na ako sa mga gawain ko. Pero di parin nililisan ni Cush ang isip ko. Naalala ko pang sinabi ni Max na may asawa na siya. Ngayon iniisip ko nanaman kung sino 'yon. Si Annie ba? 

Pagod kong nilisan ang aking mesa at naglakad patungo sa elevator para tuluyan ng makauwi. Holding my car keys in my hand and my coat hanging on my forearm, I entered the elevator and press the button of ground floor.

I've been so tired this whole day. Not just physically but also mentally. Mukhang mas pagod ang utak ko sa daming iniisip. At di katanggap-katanggap na ang ex fiancee ko pa talaga ito. Dumeritso na ako sa dati kong condo. Dito ako umuuwi simula ng umuwi ako galing New York. I just perform my night routine. Nag shower, nagpalit ng pyjamas at humiga na sa kama. Noong nakaraang araw ay di ko alinatana ang mga memoryang kasama siya dito  sa condo  ko ngunit ibang kaso itong ngayon dahil nakita ko siya kanina.  Iwinaksi ko iyon sa'king isipan at natulog na lamang.

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko. It's 5:30 in the morning and I'm awake already. Nagprepare na ako dahil may pasok ako ngayon sa office. Napagdesisyonan ko ring ibigay nalang kay Cush ang blueprint ng Resto Bar ni Max. Mag-aasign nalang ako ng ibang architect para makasama niya. Ipapaliwanag ko nalang magiging busy ako para sa gagawin na village sa Cavite.

Pagkababa ko ng mga gamit sa mesa ko ay tinawag ko agad si Mica sa loob ng opisina. Nang pumasok ang aking sekretarya ay ngumiti agad ito.

" What floor is engineering department?" tanong ko, hawak na ang blueprint. Mas mabuting maibigay ko na ito ng maaga.

"14th floor po Architect" magalang na sagot ni Mica.

Nagtungo na ako sa elevator para bumaba sa floor nila since ang architectural department, which is floor namin, ay nasa 17th floor. Paglabas ko ng elevator ay binati agad ako ng mga employees sa department na iyon. Naglakad ako patungo sa mga cubicle at agaran naman silang tumayo at bumati sa'kin. Nagtanong ako sa isa sa employee kung asan ang opisina ng head nila.

"S-samahan ko na po kayo Architect" kinakabahan na sagot ng isang employee. Naglakad siya patungo sa  kung saan habang nakasunod lang ako sa kanya, taas noo.Lumiko kami pakaliwa bago siya huminto sa isang pintuan.

Engineer Pharoah Cush Monterola

Iyon ang nakasulat sa pinto. Hinarap ako ng employee at inilahad ang pintuan. Nagpaalam na siya't lahat ngunit nanatili pa rin akong nakatayo doon. Di ko alam kung papasok na ba ako ng diretso? O kakatok? Iniisip ko din kung ano ba ang sasabihin ko pagkapasok. Hawak ko ang blueprint sa kaliwang kamay ko. Habang ang mga daliri sa kanan kong kamay ay ipinigkikiskis, kinakabahan. Naisip kong wag na siguro kumatok. Para san pa? E, kami ang may-ari ng kompanya na ito.

Pinihit ko ang doorknob at humakbang papasok. My eyes directly fly to the woman sitting in front of the table. She's wearing black pants  , white undershirt, and a blazer same color to her pants. Her hair was tied into ponytail, the color of her lips was red and her nose was narrrow. Then, my eyes are now shifted to the man behind the table, standing and his hand was leaning in the table.

Anong sinisilip niya dyan? Oh! The two revealing boobs of the lady in front of him? Tsk! Sa kompanya pa talaga namin! Is she his  wife?

I look into their reactions,thier both confused and shocked why I suddenly went in. Oh c'mon! I'm here to lend the blueprint of my fuckin'cousin. The lady cleared her throat while Cush was  looking to me intently. I raised my brows and head heel high walked towards them. Na parang wala akong pakialam sa kanila, na parang di ako kinakabahan. May binulong si Cush sa babae at tumango naman Ito. Ano kaya yon?

"Architect Jison." tawag niya sa'kin na sing lamig ng yelo. Sa sobrang lamig pwede ng magpafreeze ng ice tubig doon.

"I'm here to give you this" lapag ko ng blueprint sa mesa niya. Agad niya namang tiningnan iyon.

"For Max's Resto bar. I heard you'll be handling it. Supposedly tayo ang magkasama sa proyektong iyan kaya lang magiging busy ako para sa construction ng village sa Cavite. Don't worry magaling ang Architect na ipapalit ko sa'kin." dagdag ko pa.

Nanatili siyang nakatitig sa'kin tinantansya ang sasabihin ko pa. "Actually, this is Eng. Pascua siya na ang hahandle ng ipapatayong Resto bar ni Max. Since magiging busy din ako sa construction ng village sa Cavite" aniya.

What!? What the heck! Kaya nga humindi ako sa project na ito dahil makakasama ko siya tapos ngayon malalaman kong mas makakasama ko siya lalo't siya din ang maghahandle ng village's project. Lintik naman talaga ang tadhana e no? Bat ba di ko naisip na siya nga pala ang head ng engineering department? Malamang siya ang hahandle ng mga projects namin. Mas lalo lamang kaming magkakalapit kung ganon. Aishh! Mukhang wala na akong takas nito.

"Oh?! Ahm okay. See you in the site then. Sabihan ko nalang si Max tungkol sa proyekto niya."

Naglakad na ako palabas doon na walang linga-linga at tsaka lang nakahinga ng maluwag dahil sa sobrang pagpipigil doon sa loob ng opisina niya. My God! Any minute na nandyan si Cush ay tinatakasan ako ng hininga ko. Na para bang isang pulis si Cush na hinahabol ang mga ito at ako ang hideout nila.



Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon