Chapter 19

18 7 4
                                        


May narinig na kaming sigawan at tawanan sa baba, mukhang nagsidatingan na ang mga pinsan ko, kaya minadali ko na ang pagboblow dry. Si Cush naman ay nagbihis na ng white polo at isinuot ang relo. Gusto niya dawng pormal siyang haharap sa mga pinsan ko kahit di na kailangan dahil mga kolokoy iyon.

Sabay kaming bumaba ni Cush at agad namang nagsitahimikan ang mga pinsan ko. Ang mga babae ay nag uunahang tumakbo patungo samin. 
To be exact ay sa kanya. Ang mga pinsan ko ding lalaki ay nagpakilala na din.

"Guys! Hindi siya ang pinsan niyo, ako." kuha ko sa atensyon nila, naiirita dahil puro nalang si Cush.

Alam kong gwapo ang fiancee ko pero akin siya. Fiancee. Ang sarap sa pakiramdam. Dati hanggang crush lang. May effort pa ako sa pagbibake. Ngayon fiancee ko na. Naging fiancee ko man siya dahil sa desperadong aksyon, ay di ko maipagkakaila na masaya ako. It's once in a lifetime experience.

Marami akong pinsan ngunit ang iba'y di ko naman ganon ka close. Napatingin ako sa baba ko. A cute little girl was pulling the hem of shirt. Her thick and black eyelashes were like waves in the ocean. Kahit bata pa'y makikitaan na ng katangusan ng ilong. She's wearing a little pyjama and her hair was in a half and ponytail on each side. I squatted and tap her head.

"Hi baby" I smile widely. She giggled and smile too. I think she's 4 or 5 years young.

Kinarga ko siya at dinala sa sofa. May lumapit sa'ming babae mukhang sing edad lang ni Xandria. Anak niya kaya to?

"Lily, come here. Tita Samm is tired." sabi ng babae. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Nah, it's fine. She's so cute" baling ko sa bata, si Lily.

"I'm Lilian by the way. Tom's fiancee." pakilala niya. My mouth forms 'o' of what she just said. I didn't know one of my cousin is getting married. Si Tom ang pinakamatanda sa'ming magpipinsan. Two years older than my brother and Xandria.

"Oh my! Hi, Lilian nice meeting you and congratulations too!"  nakigbeso ako sa kanya. Im happy for the both of them. Maybe they really love each other and they have a child already.

"Congratulations too. I heard you and your boyfriend are engaged?" aniya. Lahat naman siguro sa pamilya namin ay alam na 'yon. Pinaalam din kasi ni Dad pero boyfriend pa ang pakilala ko kina tita at mga pinsan dahil matagal pa naman ang wedding. Pero malalaman din naman kalaunan ng mga kakilala dahil may engagement party naman sa December.

"Uh, yeah... Thank you" awkward kong sabi.

Nagkwentuhan kami roon at nagkamustahan ng mga pinsan ko at ilang sandali pa'y nagtungo na kami sa dining area para makapaghapunan. Marami kami pero nagkasya naman kami sa long table. Ang mga batang pinsan ko ay sa living area kumain habang nanood ng cartoons. Katabi ko si Cush, sa harap namin ay si Xandria at Xad. Si Tito Alexander ang nasa dulo ng kabisera,sa kaliwa niya'y si tita Jess.

Tawanan at kwentuhan ang nangyari habang kumakain. Binalikan namin ang aming kabataan.

"Oh c'mon! You even cry when you saw jelly fish" asar ko kay Xad. Dahil palagi kaming nagsiswimming noong mga bata pa kami.

"Takot ako, okay? Pero noon yon! Di na ngayon"  depensa niya sa sarili. "Ikaw nga iyakin, agawan lang ng kendi iiyak na. Ayaw pang tumahan kung di si Ren-ren ang magpapatahan!" bawi naman niya. Nagtawanan silang lahat don, si Cush ay nakakunot ang noo. Di ko alam kung sa anong dahilan. Ang mga mata'y nagtatanong.

Nag-usap din kami tungkol sa bakasyon namin dito. Bukas ay mag iisland hopping kami. May itinerary na si Xandria kaya okay na. Pagkatapos ng kwentuhan ay nagpaalam na akong matutulog na kami ni Cush dahil pagod sa byahe.

Umupo siya sa gilid ng kama. Ako naman ay sa may round couch sa room na iyon, tahimik lang. Tapos na kaming maligo kanina kaya ayon. Binalot kami ng katahimikan di ko alam kung bakit.

"Toothbrush lang ako" paalam ko para makatakas sa tensyon. Di na ako makahinga ng mabuti, kinakabahan.

"Sabay na tayo" namilog ang mata ko sa sinabi niya ngunit naglakad na siya patungo sa banyo.

Naglalakad akong parang zombie, bilang ang bawat hakbang. Diko alam kung papasok din ba ako o hihintayin nalang siya. Pero sabi niya'y sabay nalang daw kami. Pumasok ako at nakita kong hawak na niya ang toothbrush ko,may toothpaste na din. Tinagap ko iyon.

Isinubo ko ang toothbrush at tumingin sa harap naming salamin. Nagkatinginan kami. Nag ngiting aso siya kaya kumunot ang noo ko.

" Who's Ren-ren?" biglaang tanong niya. Seryoso ang mukha. Bat biglang naging kuryoso siya kay Ren-ren?

"Childhood friend ko dito sa Palawan"  kaswal kung sabi, iniibsan ang tensyon dahil sa awra niyang seryoso.

" Hmm!" aniya.

Inirapan ko siya at nagpatuloy nalang sa pagkuskos ng mga ngipin ko. Ganon din siya dahil di na ako nagsalita. Nagmumog na siya pero di pa ako tapos. Nilagay niya ang toothbrush at tiningnan ako mula sa salamin. Tumitig lang siya sakin. Naghaharumintado na ang puso ko. Mukhang ilang segundo pa'y sasabog na ito. Parang kamay ng orasan ang tunog ng puso ko. Cush! Please just go out for fuck sake!  Di ako nakagalaw  ng halikan niya ako sa sentido. Mukhang nagsiputukan na ang mga ugat ko kung saan dumadaloy ang dugo dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nagiging abnormal ang pagsusuply ng dugo sa katawan.

"I'll wait you in bed" aniya at lumabas na. Nakatitig lang ako sa kawalan. Di ko namalayan na tumigil ako sa pagkuskos ng toothbrush sa mga ngipin ko. Alam kung nahalikan na niya ako sa labi ngunit bakit ibang makiramdam iyon? Bakit parang espesyal ako para sa kanya dahil doon? He makes me feel that his my proprietor?

Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isipan ko ang sinabi niya bago umalis.

I'll wait you in bed...

Damn! Dati ang galing kung magpantasya sa kanya ngayon paran na akong tuta. Pinagsisihin ko atang pinantasyahan ko siya noon.

I'll wait you in bed...

Oh my! Tabi kaming matutulog?

Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon