It's been four days nong lumabas kami ni Cush. Wala namang nangyaring maganda dahil na awkward na ako. Di na din ako nakakapagpadala ng cupcakes dahil sa sobrang busy. Swimming practice tapos di pa tapos ang plate ko. Si Kaiyla na busy din.
Nandito kami ngayon sa isang condominium. Maghahanap ng magandang unit para sa'min ni Kaiyla. Si Mom na bahala sa payment nitong condo ko.
Nakapili naman kami ni Kaiyla ng magandang unit. Kasama namin si Connor na nag-aayos ng mga gamit namin.
Habang naglilinis ay lumapit sakin si Conn.
"Ako na dyan. Just rest" aniya. Char gentleman. Humarap ako sa kanya at nagulat ako nang punasan niya ang pawis ko sa noo gamit ang panyo niya.
"No, it's fine I can handle." awkward kong sagot. Bat kailangan niyang gawin yun? Sana ol! Sana ganun din si Cush.
"No, I insist" pilit niya. Na-aawkward din kasi ako minsan dito kay Conn eh. Last time sabi niya gusto niya din ako romantically. Echos! Gwapo naman itong si Conn at malambot ang lips! Halah! Charoottt Lang. Naalala ko lang nong nasa pool kami, sa party ni Margou.
"Okay fine." I sighed in defeat. Nagtungo ako sa kitchen at kumuha ng juice sa ref. Binigyan ko ng isang baso si Conn tas binigyan ko din si Kaiyla na nasa room niya. Dalawang room kasi 'tong pinili namin.
Pagkatapos namin sa paglilinis ay umorder ako pizza. Habang kumakain at nanonood ng Netflix ay naisip kong magpawelcome party. Pero mamaya ko nalang sasabihin dahil mukhang focus sila sa panonood.
Di ko trip ang pinapanood nila kaya nag indian seat sa study table at nag gupit-gupit nalang ako para don sa condominium para sa project namin.
"Guys! Magpapawelcome party ako mamayang 7 ah. Invite din kayo para marami tayo." usal ko sa kina Kaiyla at Conn habang may dinadial sa phone. Excited naman tong si Kaiyla.
"Max, may party dito sa condo unit ko mamayang 7. Syempre invited ka" sabi ko.
"Ayunn! Buti di mo ko nakalimutan? Itatakwil talaga kita pagnagkataon." aniya. Bwesit talaga kaya pinatay ko nalang ang tawag.
Sinama ko si Conn mamili ng mga pagkain at inumin sa department store. Pagkatapos bumalik din agad.
Huminto din kami sa drive thru at bumili ng mga fries at floats.Nilagay namin 'yon sa ref. at hinintay nalang ang mga bisita. Dumating sina Margou, Lilian at Zera, pinsan ni Margou. Ilang saglit pa dumating na sina Max, Zed at syempre si Cush. My lips form an 'o' when I saw who's behind Cush. Si Annie.
Mainit namang tinanggap ni Kaiyla si Annie dahil naging awkward sa'kin bigla. Hinila ko patungo sa room ko si Max at pinitik ang ilong.
"Gaga! What's wrong with you?" halatang nagulat siya.
"Why did you invite that bitch to come over? Condo mo to? Party mo? Kapal mo ah!"
"Samm, kasama ko sila ng inimbeta mo 'ko alangan naman iwan namin yan?" aniya. Pano ko lalandiin si Cush kung andyan yang babaeng yan!?
"Samm, let's start?" rinig naming sabi ni Conn sa labas ng kwarto.
Lumabas kami at sinimulan ang party. Magkatabi si Cush at Annie. Malamang, higad yang si Annie eh. Magkatabi naman kami ni Conn. Kumuha ng speaker si Kaiyla at nagpatugtog kaya nagsayawan kami.
"For my cousin's new condo unit. Cheers!!" ani Max at nag cheers kami.
"Samm, may available pa bang unit dito? Yung malapit lang sana nitong sa'yo." usal ni Margou.
"Yeah! The unit besides mine, the left one. " usal ko.
"Great! Chicheck ko bukas" aniya.
Nagtungo ako sa kitchen para kumuha pa ng mga chips at drinks. Tinulungan naman ako ni Conn.
"Unti nalang yung beer." aniya. Halah! May dadating pang taga kabilang school. Bumalik ako sa sala at tinawag si Max.
"Bumili ka ng beer in can at mga chips sa department store." utos ko.
"Hala! Bat ako? Condo ko to? Party ko to?" panggagaya niya sakin kanina sa kwarto.
"Abah! Abusado ka ah! Ininvite ka na nga ayaw mo pang magpautos! Gusto mo hilain kita palabas? Right here, right now?" pinandilatan ko siya ng mata.
"Ako nalang" sabat ni Cush.
"No, bisita ka dito" usal ko.
"So ako, hindi?" si Max. Aatakihin ako ng high blood nitong si Max.
"No, ako na" ani Cush.
"I'll come with you" sabat ng kabit.
"No, ako ang sasama" usal ko at tinalikuran na sila.
Naglakad kami patungong elevator at siya na ang pumindot ng button patungong ground floor. Namili kami at ako ang nag bayad tapos bumalik din agad. Pagbalik andon na sina Franz, Deo, Maxine at Luca. Mga friends ko nong junior na sa ibang university nag-aaral. Kilala din sila nina Max, Zed at Cush.
Ilang minuto pa kaming uminom at nagiging tipsy na ako. Lumabas ako doon sa may balcony at tumingala. Naramdaman kong may lumapit sa'kin at himilig sa railings doon.
"I'm sorry about last time" panimula niya.
"Nah! It's fine. Lasing na din siguro ako noon." well, that's a lie.
"I know di pa ako nakapag introduce ng maayos kaya ngayon nalang. I'm Annie Fe Gallardo." aniya. Woah! I wasn't expecting for that.
"Sammantha Eris Jison" sabi ko naman.
Katahimikan ang bumalot saming dalawa. Lumalalim na ang gabi dahil lumalamig na. Nagpaalam siyang papasok na, nilamig siguro. Habang ako ay nanatili doon.
"Samm"
Lumingon ako sa likod at nandon si Cush,nakahilig sa open na glass door.
I gave him a questioning look.Inabot niya sakin ang hoodie niyang suot kanina. " Wear that. I know it's cold. Thanks for inviting" aniya tas tinalikuran na 'ko.

BINABASA MO ANG
Surfiet Affection
No FicciónSammantha Eris Jison, a very popular woman for having such beautiful face. She's smart, talented and a little bit of hard headed sometime. Their family is the most famous in the field of business, specifically in real estate world. Samm can have ev...