Chapter 18

12 8 0
                                    

Umupo ako sa high chair at itinuko ang siko sa counter habang ang palad ay nasa mukha, pinapanood ang bawat kilos niya. Binugaw niya pa akong manood nalang ng NETFLIX dahil naiilang siya sa'kin. Natatawa akong naglakad sa sofa at nanood na nga lang ng TV.

"Cush" tawag ko.

"Hmm?" aniya, nagpupunas ng kamay.

"Ahm! Ano kasi-- sa dating room ka nalang ni Kaiyla.... matulog" putol-putol kong sabi. Mas safe na yon ang sinabi ko kesa naman mag offer akong sa iisang bed kami matulog. Duhh!

"Oh! Okay" tango niya.

Pumasok na ako sa room ko para kumuha ng bagong comforter at mga pillow cases para kay Cush. Paglabas ko sa room ay hawak niya ang phone niya, mukhang  may katext. Nagpaalam akong papalitan ko lang ang sheets niya at mga punda. Agad naman siyang tumanggi at siya nalang daw kaya pumasok na ako sa room ko. Naligo muna ako sa shower. Ginawa ang skin care routine ko. Ilang minuto pa akong nandon dahil nagmumuni-muni. Naiisip ko kung ano ang magiging buhay namin ni Cush. Ikakasal kami pagkagraduate namin. Sana maging masaya ang buhay namin in future. Nag risk ako sa engagement nato kahit wala namang kasiguruhan kung makakatanggap ba ako ng pagmamahal pabalik galing sa kanya. Pero kanina ko pa naisip, bat niya ako hinalikan? Pangatlong beses na din yong kaninang tinawag niya akong baby.

Lumabas akong nakatuwalya lang habang pinupunasan ang buhok ko ng towel.

"Ahemmm!" tikhim ni Cush ang narinig ko, di inaasahan kaya napamulat ako sa gulat. Nag init bigla ang pisngi ko ng dumapo ang mga mala kapeng mata niya sa katawan ko.

"Wh--what are you doing here?" utal kong tanong, naiilang sa itsura ko. I admit maganda ang katawan ko pero damn! Si Cush lang naman tong nasa harap ko.

Nag iwas siya ng tingin " I'm just getting my stuff. "

Nasa room ko pa pala ang mga damit niya, pati luggage. Nagtungo siya sa closet at naghanap ng damit. Mukhang nag iwan siya ng mga pambahay. Bumalik ako sa CR habang ginagawa niya 'yon. Mamaya nalang ako magbibihis pag nakalabas na siya.

Ilang minuto pa ay may narinig na akong pagbukas at sara ng pinto kaya lumabas na ako. Nagbihis ako ng pyjamas at natulog na. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para magluto, sabay kaming kumain at nag uusap din. Unti unti na kaming nagiging komportable sa isa't isa simula nong nakita ko sa siya sa gilid ng school at wala sa sarili.

"I'm excited" I exclaimed in excitement. We are here in airport readying for our flight to Palawan .

"Me too" nakangiti aniya.

First time ko din itong makasabay siya sa eroplano, kaya di ko din ito makakalimutan. I will treasure all my first time with him. All my first with him will be forever in my heart. This will serve as a memories that I gained
from taking risk.

Nakatulog ako sa byahe patungo sa Palawan. Di ko alam kung ganun din ba siya dahil siya na ang gumising sa'kin. Pagbaba namin siya na ang humila sa luggage ko kaya tote bag nalang ang bitbit ko.

Paglabas namin ay sinalubong agad kami ni Mang Isko,ang personal na driver ng Tita't Tito ko. Sa mansyon nila kami tutuloy dahil matagal tagal din kami sa vacation na ito. Noon pa man ay dito na kami tumutuloy. Dito din kami nagtitipon.

"Hey, what if I'll just stay in hotel? What do you think?" kapagkuwan ay sabi ni Cush habang papunta kami sa mansyon.

"Ha?"

"Ha?" he mocked me.

"Ano nga!?" pangungulit ko.

"Mag hotel nalang ka 'ko" aniya.

"No, marami namang room sa mansyon." paliwanag ko. Inamin din niyang kinakabahan siya kaya ganon ngunit din na siya nakatanggi. Ilang oras pa ang narating na namin ang mansyon. Hinayaan na namin ang mga kasambahay na magdala ng luggage sa room namin. Pagpasok namin ay sinalubong agad kami ni Tita Jess.

"Sammy, I miss you" yakap niya sa'kin.

"I miss you too, tita Jess. Si Alpha?" hanap ko sa pinsan ko. Sing edad ko lang rin. Ang ate niyang si Xandria ay sing edad ni Kuya Samm.

"Sinong Alpha? Aso?" bulong ni Cush sa gilid ko. Muntik ko ng makalimutang may kasama pala ako dito. At sa tingin niya ay aso ang pinsan ko. Hay naku!

"Tita, this is Cush. B-boyfriend ko po" bumaling ako kay Cush. Agad naman siyang nag abot ng kamay para bumati.

" Good day po" aniya.

"Nice to meet you hijo." ani tita. Dinala niya kami sa sala para makaupo at doon na magkwentuhan.  Dinalhan kami ng juice ng kasambahay. Ang iba ay abala sa paghahain para sa hapunan mamaya. Siguradong marami ang handa dahil anong oras pa ay magsisidatingan na ang iba kong pinsan.

"Look who's here! Eris" si Alpha na papababa ng hagdan galing sa ikalawang palapag. May hawak na gitara, naka maong at gray t-shirt. Inirapan ko siya dahil tinawag nanaman niya akong Eris e ayaw ko non dahil panglalaki.

"Huh! Alpha, here boy. Tokoytokoy!" asar ko sa kanya. Pano ba naman kasi pang aso ang pangalan. Di na din ako nagulat na napatanong si Cush kanina. Ayaw niya ding tinatawag na Alpha pero dahil tinawag niya akong Eris, patas Lang.

Lumapit siya sakin at yumakap pero napatili ako ng pitikin niya ang tenga ko. Tawa siya ng tawa, ganun din si Tita. Si Cush naman ay malapad ang ngisi, tuwang tuwa.

"Oh? Your man?"  kapagkuwan ay tanong niya sakin ng mamataan si Cush.

"Alphaxad, Dre. Xad nalang." pakilala ng pinsan ko.

"Cush" sabay abot ng kamay.

Nagkakamustahan kami ni Tita habang sina Cush at Xad naman ay nagkwentuhan. Mukhang madaling makakapag adjust si Cush dahil magkaugali lang si Xad at Max.

Nagpaalam kami ni Cush na aakyat muna para makapagbihis at makapag ayos ng gamit. Nauna akong naligo at sumunod naman siya. Abala ako sa pag boblow dry ng buhok ng lumabas siya galing banyo. Naka ripped jeans lang siya habang hawak ang towel at pinunasan ang buhok. His manly scent filled our room. Napatingin ako sa dibdib niya. His broad shoulders are in full view and I was in awe everytime I see those six pack abs of him.

 

"Di ako lechon para maglaway ka" nakakaloko niyang sabi, nakangisi pa. Agad kong naramdaman ang pag iinit ng pisngi ko sa tinuran niya. Damn it Cush!



Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon