Chapter 4

54 34 1
                                    

~••~

Damn it! Iniwan ko ang ginagawa ko at nagtungo na sa room. Nang makaupo ako sa kama ay agad akong humiga tas tinakpan ang mukha ng unan sabay sigaw.

Why am I being so frustrated!? Damn it. Pano kung ligawan niya yun? San ako pupulutin? Aishh.

Inabot ko ang phone ko at dinial ang number Max. After 3 rings ay sinagot niya ang tawag.

" Who's the bitch?" salubong ko sa halip na hello.

" Wait, what bitch" ani Max.

" Ang date ni Cush. Stupid"

"Amh-- d-date? Ahm"

"Spill it, Max" singhal ko sa sobrang prustasyon na nararamdaman.

"None. Damn it" aniya.

"N-none? What do you mean? Sabi niya kani--" naputol ang sasabihin ko ng sumabat siya.

"It's nothing,Samm. Sinabi niya yun para iwasan ka. Damn it! Samm ako ang babatukan non dahil sinabi ko" aniya.

"So wala siyang date" parang nabuhayan ang loob ko sa sinabi ni Max. " Yes! Thank you Max. I owe you this one" excited kong usal.

" Wag mong sasabihin na ako nagsabi, Samm. Malilintikan ako non"

" Don't worry. He won't know. Gotta go magbibake pa ako"

Pinatay ko ang tawag at dali daling bumaba patungong kitchen at inspiradong nag bake ulit.

Di mawala-wala sa labi ko ang matamis kong ngiti habang nagbibake.

Wala siyang date. Wala siyang date! May chance pa talaga ako.

Sinabi niya yun para iwasan ka.

Sinabi niya yun para iwasan ako? Ganun niya ba talaga ako kaayaw? Na kailangan niyang magsinungaling para maiwasan niya ako.

Samm, baka ginawa niya yun para di ka masaktan at mapahiya kung doon ka niya nireject. Anang boses kong naka auto postive thinking.

Tama yun nga. Ayaw niya lang akong mapahiya kaya nagsinungaling siya.
Hayy! Okay na yun kesa naman may ka date siya diba?

Nang matapos akong magbake ay di parin mawala sa isip ko na wala naman talaga siyang date. Tuloy ay late na akong nakatulog dahil sa kakangisi.

Cush, thank you dahil wala ka naman talagang date.

~••~

Andito kami ni Kaiyla sa hallway, hinihintay si Cush. Nabwebwesit na sakin si Kaiyla kesyo dati pa daw akong ganto,tila nanliligaw kay Cush pero di masagot-sagot.

Okay lang kung ako ang manligaw. Kuntingggg intay lang mapapasagot ko na yun.

Nang pumasok si Cush sa gate ay tinakbo ko ang pagitan namin. Don't mind about my heels.

Inabot ko sa kanya ang box ng cupcakes na may malapad na ngisi.

" What are you smiling at? " kunot noo niyang usal.

" Nothing. I'm just happy, you always complete my day" nakangiti pa rin kong usal. Tahimik naman si Kaiyla sa likod ko.

"Wag kang ngumiti, para kang asong ulol" aniya sabay talikod.

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. A-asong ulol? What the! Tiningnan ko si Kaiyla at ang bruha nakataas lang ang kilay.

"What?" Ani Kaiyla tas inirapan ako.

You brat!

"Hey! Cush. Take it back" singhal ko kay Cush.

"Why would I?" aniya. Mas lalo pang kumunot ang noo ko.

Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon