Chapter 5

41 26 0
                                    

"Samm, tahan na please" papakalma ni Kaiyla sakin habang hinahagod ang likod ko.

"Bakit ang sakit Kaiyla? Bat ganun parang pinupunit ang puso ko." hikbi ko. Alam kong hindi papel ang puso ko pero bakit parang ganun nga. Di ko alam kong pinupunit ba ito gamit ang mga kamay o gunting pero ang alam ko ay masakit ito.


Andito kami sa room ko, kasama si Connor na kakadating lang galing kusina para kumuha ng tubig para sa'kin.


Pagkatapos ng klase namin kanina ay umuwi na ako, ni di nagpapaalam kina Kaiyla per nagulat ako ng sinamahan nila ako hanggang makauwi baka daw  may mangyaring masama sa'kin dahil wala ako sa sarili. Sino ba kasi 'yong babaeng 'yon? Bagong studyante?

"Ehy, Sammy it's okay." ani Conn  "baka naman kaibigan lang yun"


"Conn, it's not. Bat niya hinawakan ang kamay nong babae? " pumiyok na ang boses ko. I can't stop my sobs because of so much pain I'm feeling.

"Samm, it's just a simple gesture kaya wag mong mamasamain. Ikaw nga hinalikan ko pero friends lang tayo" ani Conn.

"Hinalikan mo si Samm!?" di napigilang sumigaw ni Kaiyla dahil sa gulat. The fuck! Why do he have to bring that!? Inirapan ko si Conn pero nag kibit lang ng balikat na parang wala lang iyon.

"It's not what you think you brat!" depensa ko.

"Kailan? Bat di ko alam? Kayo ah" asik   naman ni Kaiyla. Now she won't stop asking for more.

"Sa party ni Margou. May kahalikan kasi yung si Cush eh ito nasaktan" ani Conn sabay turo kay Samm. " Kaya hinalikan ko siya para mainggit din yung isa"

"As if maiingit yung Cush na yon eh hambog yun" asik naman ni Kaiyla. That's what I also said back then. He won't get hurt. He won't because he didn't care.


"So hinalikan mo lang siya dahil may kahalikan yung isa o dahil attracted ka talaga kay Samm?"  seryoso na tanong ni Kaiyla, mukhang nag eenterogate.


Natigilan si Conn sa tanong ko pero sumagot din siya kaukulan. " Both?"


Napalingon kami ni Kaiyla ng sabay,gulat sa pag amin nito. Diko alam kung ano ang mararamdaman ko. Maging masaya? Paano gayong wala naman akong nararamdaman para sa kanya. Malungkot? Maybe. Maybe I can because I can't give him the affection he has for me, the same thing Cush can't give to me too. Funny how the world turns. Someone can like you but you can't like them back. You have someone you like but can't like you back. It was a fuckin' back fire to you. And you can't blame myself for pitying Conn, because me also, I pitied myself.

Binalot kaming tatlo ng katahimikan ng may pumasok sa room ko. Diko inaasahan na siya ang papasok gayong alam kong busy siya ngayon sa clerkship niya.

"What happened? Are you okay? Who did this to you?" sunod-sunod na tanong niya.

"Kuya,it's nothing" iwas ko ng tingin pagkatapos sagutin iyon. Pero alam kong di bebenta ang kasinungalingan ko sa kanya.

"Nothing,huh? Eh anong iniiyak-iyak mo dyan? You're weak now, huh?" Ani Sammuel


"I'm not weak but it doesn't mean I can't be hurt" inirapan ko siya.


"Kaiyla, explain everything" baling ni Sammuel kay Kaiyla.

Pinaliwanag naman ng bruha sa kanya lahat lahat ng nangyari. Walang labis walang kulang. Mula sa pinakamaliit na detalye ay kinwento pa talaga. Di na ako magugulat na maalala niyang lahat 'yon e magaling sa memorization.


"Anak ng pagong! Samm yun lang pero iniyakan mo? Nag-iisip ka ba? What if it's a friend? Huh? Holding someone's hand is just a simple gesture, Samm" singhal ni Sammuel


"A simple gesture it is but it hurts, Kuya. " hikbi na naman ko ulit. Parang bumulik lahat ng sakit dahil sa pagkekwento ni Kaiyla. Di ko din maintindihan pero nasasaktan talaga ako.

" Sabi kasi ni Max wala daw siyang date kahapon, eh kinabukasan may kasama na siya. Kuya, Max just gave me false hope." dagdag ko pa, may halong pagsusumbong.

Tinawagan ni Kuya si Max na pumunta dito sa bahay. Si Conn ay nagpaalam ng uuwi. Nagpasalamat naman ako kahit may pagkailang ako sa kanya dahil kanina. Si Kaiyla naman ay nakahalukipkip lamang sa couch ko. Ilang minuto pa'y dumating na si Max. Ipinaliwanag niyang kababata daw iyon ni Cush at mag-aaral na sa school namin. Diko alam kung nakahinga ba akong ganun laang 'yon.

" Sammy, I really meant that Cush didn't date someone." pampalubag loob naman ni Max. Tumango ako. Alam kung di nagsinungaling sa'kin ang pinsan ko. He's always said that blood is thickier than water. No matter what happens he'll be on my side even though he's best friend with Cush.

" Thank you Maxxy" usal ko.

Sabay kaming naghapunang tatlo,walaa sina Mommy. Natawa kami dahil papakain na dapat si Max sa kanila pero dahil minura siya ni Kuya dahil sa pag iyak ko'y kumaripas na dito. You can really count with your family in any circumstances and I'm glad I have a family like this. I know palaging wala sina Mommy pero alam nila palagi ang nangyayari sa buhay naming nga anak nila. Pag may oras sila ay inuubos namin iyon sa kwentuhan at tawanan, maging iyakan ay ganun din.

Pagkatapos namin sa hapunan ay naglaro kami ni Max ng Counter Strike. Si Kuya naman ay umakyat na sa taas para makapag aral. Ilang beses na akong natalo kaya naiirita na ako. Si Max ay tawa ng tawa, nagmamataas dahil ang banot ko daw.

"I can't believe you cry for that asshole" aniya, kakatapos lang naming maglaro dahil nabwesit na talaga ako. Ngunit di ko inaasahang ganun ang sasabihin niya. Tinawag niya pang asshole ang best friend niya. Natawa naman ako.

"You call your best friend asshole" natatawa.

"I don't want you to cry over him, I don't want you hurt" di ko alam kung maiiyak ako dahil puno ng sinseridad ang kanyang pagbigkas sa bawat salitang 'yon. Tumawa man ako kanina'y walang nagbago sa kanyang ekspresyon.

Lumapit ako sa kanya't niyakap siya ng mahigpit. " Thank you "

"I love you Samm and I will always be. Kahit di kita maintindihan kung bat ganun nalang ang pagmamahal mo sa kanya." aniya, yakap ako pabalik

Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon