Chapter 12

25 16 0
                                    

"I'm glad na okay na po siya ma'am" usal ko sa Mom ni Cush habang pinapanood si Cush mula sa salamin ng hospital.

Tatlong araw na simula nong isugod ang Dad ni Cush. Araw-araw akong dumadalaw dito, pagkatapos ng klase . Sa Friday ang exam namin,kaya naging busy ako.

"He's a strong man. And I'm glad he fought. Nag 50/50 daw siya sabi ng doctor." paliwanag niya.

Tumahimik naman ako at pinanood nalang si Cush na kinakausap ang Dad niya. Medyo mahina pa ito, pero mukhang importante ang sasabihin nito kay Cush.

" Di pa alam ni Cush ang tungkol sa arrange marriage pero sasabihin ko din pag nasabi ko na sa Dad niya." kapagkuwan ay sabi ng Mom ni Cush.

So di pa nga niya alam?

"You like my son,do you?" tanong niya. Agad akong napalingon sa kanya pero nanatili siyang nakatingin sa loob.

"Amh-- y-yes po." kinakabahan kong usal. Litse! Nakakakaba pala pag kaharap mo future mom mo. Charottt.
Di ko alam kung anong impresyon niya sa'kin. Ayaw niya ba sakin? Baka naman tulad siya nong mga kontrabida sa pelikula. Yung mama ni Daniel Padilla sa 'Pangako Sa 'Yo' na ayaw kay Kathryn ganun? Wag naman Sana.

"Don't worry, I like you for my son." dagdag pa niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pag sinuswerte ka nga naman oh! Magpapaparty ulit ako sa condo nito. Charoottt lang. Malapit na nga exam eh.

Nang lumabas si Cush ay nagpaalam na akong umuwi. Gusto naman niya akong ihatid pero umayaw na ako. Kailangan din nilang magpamilya ng oras. Habang naglalakad palabas ng hospital ay nakasalubong ko si Annie na mukhang galing sa Cafe ng hospital,bumili ng pagkain.
Nilampasan ko siya ngunit napahinto din ng magsalita siya.

"You're really a desperate brat" malditang usal niya. Abah! Hinahamon ata ako ni'tong kabit nato. Naku! Pag nagkataon at mahigh blood ako baka iturok ko lahat ng syringe dito sa hospital sa kanya, deretso pa sa mata niya. Hinarap ko siya,baka akala niya magpapatalo ako.

"Yes I'm a desperate brat. Any problem with that?" ngisi ko. Syempre kailangan ngumisi para mapikon siya.

"You helped Cush and thanks for that but..... hanggang don ka na lang,ang tumulong. " aniya.

"And why is that?"

"Because he's mine, not yours" siguradong aniya. Abah! Confident ang kabit.

"You seems confident? Not until I'll drop the bomb." taas kilay kong sabi.

"What do you mean?" naguguluhang aniya.

"Cush and I, are getting married. And you, who fictionally owned him, will do nothing but to clap your hands while I was walking in the aisle." ngisi ko at umalis na don. Jusko! Naiistress talaga ako sa mga kabit.

Nakalimutan ko na nandito pa pala si Kaiyla sa hospital. Asan na ba ang bruhang yon. Baka iniwan na ako sa ere ng bruhang yon. Tawagan ko nalang.

"Kaiyla? Where the fuck are you?" salubong ko ng sagutin niya ang tawag.

"Hmm, bakit?" aniya. Bat parang hinihingal siya at ang mukhang pagod? San naman nagsusuot tong bruhang to?

"I'm going home na. Bat di ka bumalik ? Tska bat hinihingal kang bruha ka?"

"Mauna k-ka na. Ahhh! Susunod ako" aniya tapos pinatay ang tawag. What the heck is that? Is she moaning?

Nagpasundo ako sa driver namin at sa condo nagpahatid. Pagdating ko sa condo ay naligo agad ako. Syempre maraming bacteria sa hospital,proper hygiene is a must. Nagluto nalang ako ng pancit canton dahil nagutom ako tapos natulog na ako.

Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon