Natapos na exam namin, ganun din ang sportsfest ng school. Nagpaplano na kami ngayon ni Kaiyla para sa Undas break namin. Dalawang linggo din iyon. Nakaplano na kami nina Mom na sa Palawan kami mag-uundas. Bibisitahin din namin ang mga kamag-anak doon. Mga pinsan namin na matagal din naming di nakita. Si Kaiyla, babalik ng US dahil para bisitahin ang mga dating kaibigan sa highschool. Si Kuya mukhang di makakasama dahil di pa tapos ang clerkship niya sa hospital. Naaawa na nga ako dahil mukhang di na nakakatulog. Si Cush naman naging busy nitong mga nakaraang araw dahil sa sitwasyon ng Daddy niya.
"Mas okay siguro kung sa iisang bahay nalang kayo tumira, hmm?" kapagkuwan ay sabi ng Tita Farissa.
Nagdidinner kami ngayon sa labas kasama ang mga Monterola. Malakas na si Tito Miguel at nakakalabas-labas na ng bahay pero may kasamang nurse. Simula noong magmemerge ang company namin ay palagi na kaming lumalabas. Tatlong araw mula ngayon ay lilipad na kami patungong Palawan.
"That's a great idea po. May condo po ako malapit sa school pwede pong don nalang si Cush." ngiting aso ko. Syempre excited akong makasama si Cush. Araw-araw ipaghahanda ko siya. Yiehhh! This is exciting.
"Is it okay with you,son?" tanong ni Tito Miguel.
"Yeah dad. Besides tipid na din sa gas" sagot ni Cush, nakangiti sa'kin. Halos kuminang na ang mata ko sa sobrang saya dahil pumayag siya.
Sinabi ko kay Kaiyla ang tungkol sa paglipat ni Cush at pumayag naman siya. Babalik nalang daw siya sa mansyon. She's just supporting me back then na mag condo ako tapos ngayon mas sinusupport niya ako na magsama kami ni Cush. Since Undas break naman namin ay naging madali ang paglilipat ng gamit ni Cush sa condo dahil may free time kami. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng damit at pumayag naman siya. Alam kong masaya ako dahil dito pero di parin maiwasan na maisip ko yong sinabi niya sa family dinner namin na ayos lang sa kanya to para sa kompanya. Nakakapanlumo man ay di ko pinahalata sa kanya. Mas focus ako kung paano ko siya pasasayahin at pagsisilbihan habang nasa iisa kaming bubong.
Dalawang araw nalang at magpapalawan na kami kaya nakaimpake na ako nang tumawag si Mommy na may trip daw sila sa California para sa kompanya kaya di sila makakasama. Malaking client daw.
"Mom, I don't want to go there alone!" sabi ko sa telepono.
"Oh princess. I'm sorry I just can't let this offer go. It's a big deal kaya kailangan namin to. " aniya sa kabilang linya.
Pagkatapos ng tawag ay napaupo nalang ako sa couch. Si Cush ay busy sa pag-aayos ng damit niya. Naghati kami sa closet since marami din siyang damit at mga sapatos. Di pa namin na pag-uusapan ang tungkol sa sleeping arrangement. Nahihiya din akong mag offer na tabi nalang kami baka uncomfortable siya.
"Whats wrong with you? aniya ng makalabas sa room at mukha kong parang nautotan ang sumalubong sa kanya.
Kinwento ko sa kanya ang tungkol sa Palawan at siya ay seryoso lang na nakatingin at nakikinig sakin habang nakaupo sa kabilang side ng couch.
"We can go there together if you want?" aniya. Kaya napalaki ko ang mata ko sa sobrang gulat. Seryoso ba siya? One week and two days din kami doon.
"Are you serious? I mean, really? Sasamahan mo 'ko?" excited kong usal. Ito ang magiging unang trip ko kasama siya kaya di ko na palalagpasin pa ito.
"Yeah, do I look like I'm kidding" ngisi niya.
"Oh my God! Thank you!" nanggigil kong yakap sa kanya, tuwang tuwa. Siya naman ay nakahawak sa bewang ko dahil nabigla sa biglaang pagyakap ko. Humilay ako sa kanya ng dahan-dahan. Sobrang lapit namin sa isat'isa. Amoy na amoy ko ang pabango niya at ang natural niyang amoy.
Nakawak pa din ako sa batok niya,ganun din siya sa bewang ko. Napalunok ako sa posisyon namin. Pero nilakasan ko ang loob ko kahit kinakabahan. Seryoso siyang nakatingin sa mata ko hanggang sa bumaba iyon sa labi ko tapos sa mata ko ulit.
"Thank you. It means a lot to me" puno ng sinseridad kong sabi. Nakatitig lang ako sa mala kapeng mata niya, nilalasing ako.
"Your welcome" aniya, nakatitig din sa'kin. Nagulat ako ng unti-unti pa siyang lumapit sa'kin hanggang sa siniil na niya, gamit ang labi niya, ang labi ko. Napapikit ako sa sensasyong hatid non. Kinagat niya ang pang ibabang labi ko bago bumitaw sa halik ni hindi pa ako nakahalik pabalik dahil sa gulat. Di ko naman kasi ineexpect na ganon. " I'm excited, baby" aniya.
Pagkatapos niyon ay nauutal na akong nagpaalam na tatawagan si Mom para ibalitang tutuloy ako at sasamahan niya ako. Tinawanan niya lang ako sa pagkautal ko. Bwesit din kasi e. Nahihiya na tuloy akong tumingin sa kanya. Ito yong halik na noon ko pa inasam-asam at natupad na nga. Nakipag beerpong pa ako noon para mahalikan siya e trip to Palawan lang pala ang makakapagbigay non. Siguradong di ko makakalimutan lahat ng magiging first time ko kasama siya.
Nag- usap kami ni Mommy at masaya siyang tutuloy ako. Si Cush naman ay bumalik sa room para ayusin ang mga gamit niya. Natatawa nga ako dahil kakaayos niya palang sa damit niya ay ilalabas niya ulit para mag impake sa trip namin to Palawan.
Nag-order lang kami ng food para sa lunch dahil pagod kami sa pag iimpake. Gustohin ko mang magpasikat sa kanya sa pagluluto ay di ko nalang ginawa dahil pagod din ako. Sa dami ba naman ng dala niyang damit tapos iiimpake ulit ay talagang mapapagod ka.
Kinagabihan ay nagluto ako ng kare-kare para sa dinner namin. Kinakabahan pa akong baka di niya magustuhan. Tinulungan niya along maghanda ng mesa dahil wala naman siyang gagawin.
"How does it taste?" tanong ko nang tikman niya ang niluto ko.
"It's great! I don't know Sammantha Eris Jison knows how to cook?" ngisi niya tapos subo ulit. Masaya akong nagustuhan niya nga ang luto ko. Ay! Naku, pag nagpakasal na tayo araw-araw kitang ipaghahanda.
"I'll wash the dishes" aniya.
"Ako na"
"Samm, it's you who. Now,let me help" aniya, desididong maghugas.
BINABASA MO ANG
Surfiet Affection
SaggisticaSammantha Eris Jison, a very popular woman for having such beautiful face. She's smart, talented and a little bit of hard headed sometime. Their family is the most famous in the field of business, specifically in real estate world. Samm can have ev...
