Chapter 3

51 35 2
                                    


"Samm!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Sobrang pamilyar sakin.

"Samm" hinihingal na usal niya.

"Conn, anong nangyari sayo? Bat hinihingal ka?" usal ko.

" Nakita kita kaya tinawag kita eh ang bills mong maglakad, galing pa ako dun sa kabilang building." aniya.

" Ayieeee!" ingos ni Kaiyla sa tabi ko.

" Hi Kai" bati niya.

"Hello" ani Kaiyla.

" Can I join you for lunch? You know,I'm new here. Di din kami masyadong close ni Margou kaya sa inyo nalang. If you don't mind" aniya.

"No, it's fine. You can join us, diba Samm?" usal ni Kaiyla.

Pinandilatan ko siya pero wala na akong nagawa ng itulak niya ako palapit kay Conn. Ang gaga ngumisi  pa. Naglakad kami patungo sa Canteen ng school at nag lunch. Marami din kaming napag-usapan tungkol sa buhay ni Conn. Kung saan siya nag-aral, mga pinagkakaabalahan niya tulad ng pag-iisketch at jet skiing. May kapatid siyang babae pero nagpaiwan sa America dahil ayaw daw nitong mag adjust sa new environment.

"So? You took architecture para ipagpatuloy ang legacy niyo?" tanong ni Conn sakin.

"Yeah, and besides wala silang aasahan kay Kuya. Medicine kasi ang gusto niya and supportive naman sina Mom sa gusto namin kaya okay lang"

"Alam niyo bagay kayo" Kaiyla exclaimed beside me.

"Kaiyla!" inirapan ko siya at hinarap si Conn. "Don't mind her, kung kani-kanino niya talaga ako binubugaw"

"Hoy! Makabugaw ka dyan!" ang gaga tinampal pa ako sa balikat. " Gusto ko lang makahanap kana ng boyfriend kesa naman pantasya ka lang ng pantasya dun kay Cush eh bokya ka naman." asik niya.

"Kaiyla! Yang bunganga mo. Parang di ka laking America ah? Anong bokya? Now your becoming jejemon" irap ko sa kanya.

"Ang cute niyo" ani Connor.

"Of course" sabay naming usal ni Kaiyla tas nag appear.

Tumawa lang si Connor. Nagpatuloy kami sa pagkain tapos hinatid kami ni Conn sa building namin,since pareho kami ng kurso ni Kaiyla.

Nagpaalam siya tas pumasok na kami sa room. Binigyan kami ng activity kung saan bibigyan lang kami ng kalahating oras para makagawa ng design at ipapasa sa Prof.

Halos sabay lang kami ni Kaiyla nang matapos at habang hinihintay ang iba ay umupo kami sa pinakahuling seat para di maka-istorbo sa iba.

Inopen ko ang Instagram ko at tiningnan ang notif.

Finollow ako ni Conn? Pano eh di niya naman alam ang acc. ko!

Conn_artist01:

Hi Samm 💁. I ask your account to Kaiyla:)

"So? Binigay mo acc ko kay Conn?" baling ko kay Kaiyla.

"Yeah, para madivert yang utak mo sa kanya kesa kay Cush." aniya.

Inirapan ko siya at nagreply kay Conn.

SammEris_Jison:

:)

Nangmatapos ang buong araw na klase ay dumiretso na kami sa parking. Kasama si Connor na sinundo kami sa building namin.

Kung pano niya nalaman na tapos na kami? Si Kaiyla lang naman ang maypakana.

I'm comfortable with Conn. Actually his fun at may since of humor. He is the type of guy that absolutely women would like pero wala akong makitang atraksyon sa kaniya. I don't even feel tingling sensation when we kissed. Maybe because I really like Cush.

Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon