Busy ako ngayong araw sa pagsk-sketch sa gagawin kong condominium building para sa project namin. Tas mamaya may practice pa ako sa swimming. Tapos may recitation pa, tas family dinner dahil may vacant time sina Mommy. At baka sabihin ko na ring gusto kong mag condo.
Nagawa ko naman lahat ng 'yon ngayong araw. Buti nalang din naka sagot ako sa mga follow up question sa recitation namin, ganun din si Kaiyla.
Hindi na rin nawala sa isip ko ang sinabi ni Cush sa club. Iniisip niya talaga na jowa ko si Conn. Litseng Annie kasi to eh.
"How's school?" sabi ni Mommy habang kumakain kami.
"Okay naman po. I'm still in DL" proud kong sabi.
"Okay naman ako sa hospital" Ani Kuya.
"By the way, Mom. I'm planning to take condo, para kung may project na ipapasa on time, di na hassle kung malapit lang ako. Minsan kasi, alam niyo na, traffic."
Sana talaga pumayag. Sana, please.
"Princess, kakayanin mo bang mag-isa? I mean, who will cook for you?" sabi naman ni Dad. Tama nga naman! Hala, di din ako masyadong magaling magluto. Sanay akong ginigising nalang. Pero naisip ko, I have to depend on myself too, be more like, independent. Sama ko nalang kaya si Kaiyla? Hmm? Tama!
"I can ask Kaiyla, para dalawa kami."
"Pero princess, baby ka pa" nguso ni mom.
"Mom, I'm still your baby no matter what"
"Pag-uusapan muna namin ng Dad mo okay?"
I nodded and continue eating. Masaya naman ang dinner namin, as usual. Tapos nagplano kaming mag Palawan pagkatapos ng first semester. Mga tatlong araw lang siguro.
~••~
"Kaiyla, please pumayag ka na."
"Hoy! I don't know to cook tapos sinong maglalaba? Hala! Teh gaganda ng kamay natin maglalaba lang?"
"Ang arte mo talagang bruha ka! Di naman habang buhay tayong naka depends sa parents natin" usal ko
"Ano ba namang pumasok dyan sa kukuti mo?!" iritableng aniya. Bruha talaga kahit kailan.
"Party, bar, club. Alam mo na, minsan kasi di ako pinapayagan ni Kuya mag party."
"Oo na, sige na."
"Talaga? Oh my God! Thank you bruhang Kaiyla. Sabay tayong maghanap ng magandang unit" tili ko sabay yakap sa kanya. Excited na ako.
"Oh na,litse. Oh ngayon? Sino magluluto satin? "
"Salitan nalang. Marunong naman akong mag adobo."
"So adobo ulam natin araw-araw?"
"Syempre bibili tayo can goods tapos ham, hotdogs, bacon mga ganun"
Pagkatapos naming mag-usap ni Kaiyla sa phone ay inopen ko ang IG tapos nag post ako ng story ' Moving to Condo with KaiylaAguirre '
Marami ang nakapagview sa story kaya maya-maya pa may nag message na sakin. Si Margou nagtanong kung saan daw dahil kukuha din siya ng unit na malapit sa school. Si Conn din nagtanong kung kailan para makatulong siya sa paglilipat ng ibang gamit.
Online si Cush kaya nag message agad ako. Naku, wala dapat sinasayang na oras grab agad ganun
SammEris_Jison: good evening:)
Sineen niya lang ang message ko. Ang harsh talaga ng bebe ko. Ilang saglit pa akong naghintay pero di na siya nag reply.
Attitude ka kuya? Pasalamat ka bebe kita eh. Matutulog nalang ako. Wag kang mag-alala kakainin kita sa panaginip ko. Charoottt haha, kakainin talaga? Samm, ikaw ah?!
Pagkagising ko nagbreakfast agad ako buti nalang naabotan ko pa sina Mom sa dinning area kaya matatanong ko sila sa desisyon kong mag condo.
"Mom, is it approved? Magcocondo na ba ako?" I really hope na payagan ako.
"Of course baby. Alam mo naman na ibibigay lahat ni Mommy and Daddy ang gusto mo diba?" aniya. Napatili ako at niyakap si Mom tapos si Dad. Sobrang saya ko talaga. Excited na ako.
Masaya akong pumasok sa school dahil sa sinabi ni Mommy. Di ako nakagawa ng cupcakes kagabi dahil matagal kaming natapos mag dinner kaya di ko na muna bibigyan si Cush.
Inopen ko IG ko para sana mag message kay Cush na di ako makakabigay cupcakes ngayon kaya lang may minissage siya sakin.
PCushMonterola : good evening too:)
Halah! Kagabi to. Di ko lang nabasa dahil natulog na ako. Jusko! Tulungan niyo po ako. Ito ang unang beses na nagreply siya sakin. Halah! Cushhh balik mo puso ko, I can't breathe. Echos lang!
Excited akong nag type ng irereply ko.
SammEris_Jison: Mahal, can't give you cupcakes today. Sorry:(
But we can eat outside, after class.PCushMonterola: typing....
Halah! Magrereply nga siya. Sapakin ako ngayon na! Hahahaha magrereply talaga siya.
PCushMonterola : k.
Ang tagal ng typing niya tapos k lang? Natawa talaga ako ng bongga. Okay na din yun at least sabay kami mamaya.
PCushMonterola: dnt laugh!
Jusko! Pano niya nalaman na natawa ako? Luminga-linga ako pero wala naman akong makita na Cush.
SammEris_Jison: ayiehh, ikaw ah? Pinapanood mo na ako sa malayo <3
Seen.
Aba loko to ah! Sineen lang ako.
May announcement na tungkol sa sportsfest at two weeks from now na iyon kaya kailangan ko talaga mag practice ng maigi. Duh! Engineering department ang ilalaban ko kaya dapat manalo.
Magiging busy na talaga ako nito dahil may output pa akong ipapasa next week Friday dahil sportsfest na pagkatapos non.
Tas titingnan pa namin ang condo. Mukhang di ko talaga magagawan ng cupcakes si Cush sa susunod pang mga araw.
Nagpaalam ako kay Kaiyla sa plano namin ni Cush. Ang bruha masaya daw para sa'kin, pero mas sasaya daw siya kong si Conn daw yun. Bruha talaga! Ayaw ba naman akong suporhatan.
Nang lunch time na ay binuksan ko ang IG ko para imessage si Cush
SammEris_Jison: saan?
PCushMonterola: Greenwich.
Naglakad ako papunta gate para doon ko nalang hintayin si Cush.
"Tara." aniya. Ay tipid magsalita! Nagtitipid din kaya siya ng tubig? para sa future sabay nalang kaming maligo, ganun!? Char
"Let's go" excited pa ako kesa sa kanya e.
Sumakay ako sa shot gun seat tapos nagmaneho na siya. Naiilang ako sa kanya. Di ko alam kung pano magsisimula ng topic sa kanya. Pano kaya kung ' thank you' ' how's your day going so far,mahal' o ' Bebe, gushto ko neng icesshhh creaam'. Mukhang oa naman ata kung ganon.
" I don't like what you did to Annie" kapagkuwan ay sabi niya.
BINABASA MO ANG
Surfiet Affection
Não FicçãoSammantha Eris Jison, a very popular woman for having such beautiful face. She's smart, talented and a little bit of hard headed sometime. Their family is the most famous in the field of business, specifically in real estate world. Samm can have ev...