Chapter 10

29 18 0
                                    

Mas naiyak pa ako sa sinabi ni Kuya. Simula pagkabata, he's the one always composed and I never thought he'd break like this, because of me.

"Princess, you don't have to do this. "

"Kuya, pano si Cush? Yung study niya? ipupull out ni Dad ang investment and I know ako lang ang makakapigil sa kanya. Di papayag si Dad na basta nalang mag invest sa papalubog na kompanya! Pero pagnamagitan ako, di niya ipupull out 'yon."

"Princess, are you sure about this?"

"I'll take risk, Kuya. For Cush"

"This would be hard for me but I'll support you,okay? Kuya is just here" yakap niya sa'kin.

"At ako din" nguso naman ni Kaiyla at yumakap din.

Pagkatapos non ay umuwi na kami ni Kaiyla. Sinabi naman ni Mom na update niya na lang ako pag nagkausap na sila ng Daddy ni Cush.

Pumasok kami ni Kaiyla sa school. Nakita namin sina Cush, naglalakad kasama si Annie at sina Max, sa kabilang building. Di namin dinala ang plate namin, kukunin nalang namin mamaya sa condo, malapit lang naman. First subject sa hapon 'yon ipapasa, kaya kukunin nalang namin lunch time.

Nung maglunch time na ay kinuha na namin ang plates namin. Habang pabalik ay kumukulog at kidlat na, mukhang uulan. Papasok na kami sa gate ng biglang umulan kaya sumilong kami sa waiting shed. Nakita ko si Cush di kalayuan samin. Basa sa ulan, nakayakap sa tuhod at nakatingin sa kawalan. Sakto namang sumilong din si Zed sa shed kaya binigay ko sa kanya ang bag at plate ko. Nagulat pa siya sa ginawa ko.

"Kaiyla, call Max. Magpadala kayo ng payong tas pakipasa nalang din yung akin." nagmamadali kong sabi.

"Hah? Saan ka ba pupunta may----" di ko na siya pinatapos at lumusong na sa ulan.

Nilapitan ko si Cush at hinawakan ka sa pisngi.

"Hey,Cush what happened? Tell me. May nangyari ba? Are you okay?" sunod-sunod kong tanong pero di siya sumagot.

"Cush ,baby. Please talk. Magkakasakit ka niyan eh! Ang lakas na ng ulan, let's go" naiiyak na ako dahil sa pag-aalala. Nangingitim na ang labi niya sa lamig. Nakatulala lang siya doon. Masama ang kutob ko na may nangyari kaya niyakap ko siya.

"It's okay. Baby, you can cry on me. I'll be your crying shoulder in your hard times." Kahit di mo kayang suklian yun. Sabi ng isip ko pero di ko isinantinig.

"Si Dad!" kapagkuwan ay usal niya, nanginginig dahil sa lamig.

"What happened?" humiwalay ako sa yakap niya at hinarap siya.

"Inatake daw siya sa puso dahil sa kakaisip tungkol sa company" hikbi niya.Cush please don't cry, nasasaktan din ako. Sabi na nga ba may nangyari eh!

Hinatak ko siya patayo at pumara ng taxi. Pinasakay ko siya doon. Nagulat pa siya sa ginawa ko.

"What hospital? Saang hospital dinala ang Dad mo?" tanong ko. Sinabi naman niya at minaneho kami ng taxi doon.

Pagdating namin don ay pinasilong ko muna siya tapos kinausap ang driver.

"Manong, pasensya ka po talaga. Wala po kaming pera. Pero wag po kayong mag-alala babayaran ko po kayo. Punta niyo na lang po sa JREC building tapos sabihin niyo pa ang nangyari kung bat di ako naka bayad." nilalamig kong usal. Iniwan ko kasi kay Zed ang bag ko.

"Promise po, di po ako budol-budol gang. Babayaran ko po talaga kayo" dagdag ko.

"Hija, okay lang 'yon. Naiintindihan ko. Sige na libre na yun. Giniginaw na yung kasama mo tsaka sumilong kana baka magkasakit ka." aniya at mukhang aalis na.

"Manong, ano pong pangalan niyo?" kailangan ko pang bumawi kay Manong. Malayo din itong hospital sa school namin.

"Rico hija. Rico Apilan" aniya.

"Salamat po, Mang Rico. Ingat po" sabi ko tapos umalis na siya.

Nilapitan ko si Cush at nagtanong kami sa desk kung may pinasok bang Monterola na pasyente. Binigay naman agad nong nurse.

Nasa ICU ang Daddy niya dahil critical daw ang lagay. Sinalubong naman kami ng Mommy niya. Agad naman nitong niyakap si Cush.
Humihikbi si Cush habang hinahagod ng Mommy niya ang likod niya at pinapalakas ang loob.

Nasasaktan akong makita si Cush na umiiyak. Siguradong mahal na mahal niya ang Daddy niya. Di ko namalayan na umiiyak na din pala ako. Nag iwas ako ng tingin at pinunasan ang pisngi ko. Pag-angat ko ng tingin nagulat ako ng niyakap ako ng Mommy ni Cush.

"Thank you for being there for Cush" naiiyak na sabi ng Mommy niya.

"W- welcome po" sabi ko.

Tinawag ang Mommy niya ng nurse para sa mga papeles. Kaya kami nalang dalawa ni Cush doon. Umupo ako upuan, katabi niya. Tahimik lang kaming dalawa.

Alam na kaya niya ang tungkol sa arrange marriage? Baka naman di pa na sabi nina Mom dahil kagabi pa din naman napagdesisyonan 'yon.

Di siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa puting pader. Nakatukod ang kamay niya sa upuan, kaya hinawakan ko iyon.

"He'll be fine. I'll pray too" sabi ko. Lumingon siya sakin at tinitigan lang ako. Nagulat ako ng hilain niya ako at yakapin,ng mahigpit.

"Thank you" sabi niya. Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang likod niya.

Naghiwalay lang kami ng dumating ang Mom niya.

"Maam, mauna na po ako" paalam ko.

"Thanks hija. Mag ingat ka" aniya at niyakap ulit ako.

Aalis na sana ako ng bigla akong nanghina. Parang babagsak ang katawan ko. Unti-unting nawala ang paningin ko at bumagsak. Pero bago ako madapa sa sahig ay may humawak na sa bewang ko at kinarga ako na parang pang kasal.

Bago tuluyang nawala ang paningin ko ay may narinig akong nagsalita.

"Hold on, I still need you"



Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon