Chapter 9

28 19 1
                                    

Monday ngayon at di pa rin tapos ang plate ko, Friday na ang deadline. Si Kaiyla di pa din tapos. Nabwebwesit na ako dahil may practice na naman sa swimming mamaya. Plano kong mag skip nalang ng practice at unahin tong project ko.

Nandito lang ako sa classroom at pinag-iigihan ang paggawa ng project. Naisipan kong kunan ng litrato iyong project ko at nag story sa IG na may caption ' Exhausted and hungry'

Nilapag ko ang phone at nagpatuloy sa ginagawa. Ano ba yan! Gutom na ako, di pa ako naglalunch, ganun din si Kai na katabi ko lang. Nag beep ang phone ko at binuksan iyon

Conn_artist09: I'll bring food. Stay there

Ilang minuto pa at andon na si Conn may dalang paper bag. Binigay niya sa'kin ang isa at kay Kaiyla. Kumain kami at nagpatuloy ulit. Nag thank you kami kay Conn dahil kung wala siya,naku! tigok na kami dahil sa gutom.

"I told you, Conn is the perfect guy for you. Post kalang sa IG ilang minuto andyan na. Ay! It's wonderful, right?" tili ni Kaiyla na tila bulating binuhusan ng asin dahil sa kilig, buti nalang umalis na si Connor.

"Edi, jowain mo. Loyal ako sa bebe ko kaya sayo nalang yun. " usal ko habang nag guglue sa project ko.

"Oh bakit? Bebe ka ba ng bebe mo? May bebe Annie na yun"

"Gusto mo sirain ko plate mo?" pagbabanta ko. Anong bebe Annie? Bruhang to.

"Heto Naman! Syempre, di totoo yun. Si Lucifer bumulong sakin non." aniya. Dinamay pa si Lucifer.

Naabutan na kami para sa next class kaya di na naman natapos. Pagka-uwi ko nagluto na ako ng hapunan. Corned beef lang para madali. Salitan naman kami ni Kaiyla sa trabaho, mamaya siya assign sa paghuhugas.

Pagkatapos kumain ay sinimulan ko na ulit ayusin yong project namin. Si Kaiyla naman ay naghuhugas ng kinainan.

Kinabukasan ko na dinala ang plate ko. Iniwan ko nalang sa condo, every night ko nalang gagawin.

Sumapit ang Thursday at salamat sa mga anghel ko at natapos ko din. Thursday night may dinner kami. Sinama ko nalang si Kaiyla, okay lang naman daw kina Mom at Dad.

Minaneho ko ang BMW ko at nagtungo sa La Sofia Village, sa bahay namin. Pagdating namin don kumakain na sina Mommy, Daddy at Kuya. Nagbeso kami ni Kaiyla sa kanila at umupo na.

Nagkakamustahan lang kami tungkol sa school tas sa bago kong condo. Tas umabot na sa business. Interesado naman kami ni Kaiyla dahil alam namin ang kalakaran non dahil real estate 'yon. Well, maliban kay Kuya na Medicine ang kurso.

"Monterola Groups and Company's almost bankrupt" kapagkuwan ay usal ni Dad.

MGC is owned by Cush's family. Bat na bankrupt?

"I have to pull out our investment to them. Mukhang di na sila makakaahon. "

No way that's happening! I have to do something. Paano si Cush eh nag-aaral pa siya? Mahal ang engineering.

"Dad, you can't do that! We can still help. Let's merge the two companies. Ours and theirs. Construction Materials naman yung negosyo nila, mapapakinabangan din natin yun" usal ko. Well, I have to do something for Cush. Hello? Tutunganga lang ba ako?

"Merging the two companies? Princess , how?" tanong naman ni Mom.

"Arrange Marriage" I shrugged " magpapakasal kami nong anak nila, si Cush" ngisi ko. Damn this is a great idea. You can't run from me now, Cush. I'll do everything no matter what it takes.

"Princess, that's personal" sabat ni Kuya.

"Sammantha!" sabi naman ni Kaiyla. Bruha tinawag mo'kong Sammantha patay ka sa'kin mamaya.

"Of course it's personal. Business partner naman sila ni Dad, kaya okay lang" confident kong sabi. Sinong di magiging confident? Hello! Kasalan nato.

"Mom, Dad, please? It's the least I can do for Cush. Yeah, I'm doing this because I like him but I'm also doing this for him, mahal ang engineering at alam niyong maaaring di siya makapagtapos pag na bankrupt sila ng tuluyan." paliwanag ko.

"Okay, okay. Anything for my baby" sabi ni Mommy.

"Thanks Mom, thanks Dad" halik ko sa pisngi nila.

Pagkatapos naming kumain dumeritso na ako sa dati kong room. Malapad ang ngiti ko habang nagshoshower. Paglabas ko ng shower na sa sofa na si Kaiyla, nakataas ang kilay. Si Kuya naman ay nakakrus ang braso sa dibdib.

"What?" panimula ko. Kung makatingin sila parang may nagawa akong kasalanan.

" Sammantha, this is surfiet! Arrange Marriage? Are you serious?!" singhal ni Kuya. Halatang galit siya, tawagin ba naman akong Sammantha!?

"How can you say it's surfeit? Kuya, it's not too much! I like---

"It is too much! Samm! Marriage is a big word. You'll be tie together, now, tomorrow and forever!"

"Well, that's great! We can be together! That's an ace for me!" singhal ko pabalik. Jusko! Mali ba talaga ako? Duh! I'm doing this for myself and for Cush's study. Nakasalalay pag-aaral niya dito. For fuck sake.

"Ace huh? You will be in the same roof after the wedding and everyday you'll experience hell! Why? Hell because in that everyday you will never feel a love from him because it's just you who does." he snapped. Sunod-sunod 'yong lumabas sa bibig ni Kuya. I've never seen him this angry before. Ngayon lang talaga.

At tama si Kuya ako lang ang nagmamahal sa'ming dalawa. Ako lang. It's all me, and he don't feel the same way. And it hurts as fuck. Sobrang sakit isipin na pag nagkataon ako lang ang nagmamahal. Hindi ko matatanggap yun pabalik dahil di niya naman ako mahal, ni hindi nga ako mabigyan ng ngiti sa twing inaabot ko ang cupcakes ko. Simula noon ako itong nag-eefort pero wala lang sa kanya, nangati na't lahat-lahat dahil sa harina pero wala pa din akong matanggap galing sa kanya. Isang beses pumayag siyang lumabas kami pero sinabi niya lang na di niya nagustuhan ang ginawa ko kay Annie.

"Pano kung magcheat siya habang mag-asawa kayo? Huh? Kakayanin mo kaya? Baka magpakamatay ka na non!" dagdag pa ni Kuya. Di ko man lang naisip 'yon. Paano nga't mangaliwa siya?

"Sa tingin mo papayag siyang magkababy sa'yo eh di ka naman mahal!?" dagdag pa niya. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Parang pinupunit ang puso ko. Sobrang bigat na parang di na ako makahinga. Sunod-sunod na namamalibis ang luha sa pisngi ko. Napa hawak ako sa dibdib ko at nanghihinang umupo sa gilid ng kama. Dinaluhan naman ako ni Kaiyla.

"Hey, Princess. I'm sorry---im really sorry. Sorry I don't meant to say those hurtful words. It just came out." sabi ni Kuya at hinawakan ang baba ko para magpantay ang mata namin. Niyakap ko siya sa bewang dahil nakatayo parin siya. Dahan-dahan siyang umupo at pinantay ang katawan namin tapos tiningnan ako sa mata.

"Princess, listen to Kuya. Nasabi ko lang yun dahil nasasaktan ako para sayo,okay? Hindi kaya ni Kuya na mangyari sayo ang mga 'yon. Di kakayanin ni Kuya na pag nagkataon at kinasal kayo, lolokohin ka niya. Di kaya ni Kuya na ang lalaking mahal ng prinsesa ko ay di siya kayang mahalin pabalik. Of all people, your the one I treasured the most, princess. And I only want what's the best for you." umiiyak na sabi ni Kuya.


Surfiet Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon