PROLOGUE

658 73 8
                                    

BEAUTIFUL, Yan ang puri sa'kin ng mga staff ngayon. Katatapos lang ng photoshoot na ginawa namin ngayon. Isa akong model kahit sa anong magazine, ngayon ang huling araw namin sa pagsho-shoot dahil ako ang napili bilang cover ng magazine. Hindi naman bago sa'kin ang ginagawa ko dahil ilang taon nadin ako sa mundo ng pagmomodelo.

Sa una nahihiya ako dahil hindi naman ako masyadong confident noon sa pagharap sa camera. Pero ng tumagal na naging confident nadin naman ako at naging walang hiya. Hindi ko alam, seguro dahil kasundo ko lahat sa kalokohan ang mga staff kaya naging ganun.

Tuwing gagala naman ako papuri naman ng ibang tao ang naririnig ko. Mayaman naman daw ako pero bakit kailangan kopa mag trabaho. Well wala namang nagsasabi na porket mayaman ka ay hindi mona kailangan mag trabaho. Paano kaba yayaman kung hindi ka magta-trabaho. Sa totoo lang pwedi naman talaga akong hindi mag trabaho, nabibigay naman kasi ng magulang ko lahat ng kailangan ko. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi lang dapat ako dumepende sa magulang ko, na kailangan ko din magtrabaho. Hindi lahat ng bagay umiikot lang sa pera. Masaya naman ako sa trabahong meron ako ngayon, sapat naman ang kinikita ko para matustusan ang sariling kung pangangailangan.

Matalino, Maganda, Sexy, Mabait at kung ano-ano pa ang sinasabi sa'kin ng iba na may paghanga. Ina' amin ko na hindi lang isang bises kung naririnig ang ganyan pero naiilang padin ako sa ganun. Hindi naman sa pa'humble ako pero nahihiya ako kapag sinasabi nila yun sa'kin mismo.

Galing man ako sa marangyang buhay hindi naman naging dahilan yun para man'apak ako ng ibang tao. Nagagawa ko ang lahat ng bagay na gusto at kahit ganun ay nililimitahan ko parin ang sarili ko. Sa ganung paraan hindi ako nagiging abusado at pariwala sa anong meron ako.

Supportado ako ng magulang ko sa mga bagay na gusto kung gawin, sa mga bagay na nakakapag'pasaya sa'kin. Palagi silang naka supporta.

Kilala ang magulang ko dahil sa companya namin. Magaling sila sa pamamahal nito at napapanatili nila na maayos ang lahat, at walang magiging problema. Madami din ang nais na makipag business partner sa companya namin kaya palaging busy sa trabaho sila Mommy at Daddy. Kahit ganon nagkakaraoon padin naman sila ng oras para sa pamilya nila, kahit masyadong limitado ang oras nila dahil sa trabaho.

Naiintindihan ko naman yun.

Kagaya nga ng sinabi ko hindi lahat ng bagay umiikot sa pera. One year ago ng dumating sa buhay namin ang isang problema na nilugmok ako ng sobra. My mom passed away because of cancer. Dinala namin si Mommy sa magagaling na doktor gumastos kami para mapagaling lang si mommy, but still we end of losing her. Ilang buwan akong hindi nakapag' trabaho ng dahil dun, iniisip ko palang na wala na si Mommy nanghihina ako. Alam ko naman na wala na akong magagawa pero ang sakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na' t ina ko pa.

Na tanong ko din sa sarili ko na bakit si mommy pa? Bakit hindi nalang iba? Pero nakokonsensya ako dahil alam kung sa'kin nangyari at alam ko kung gaano ka sakit, pero bakit hinihiling kopa na pagdaan ng iba. Ng dahil sa nangyari nawalan ng oras si daddy trabaho na ang inatupag nya. Minsan nalang din kami mag kasabay kumain kaya mas lalo akong nalungkot sa ganoong sitwasyon namin.

"Hoy!"

Nagulat ako ng may magsalita sa'king likuran kaya naman masama ang tingin na lumingon ako dito.

"What?" Mataray na tanong ko at ang bilis padin ng tibok ng puso ko.

"Katanda mona magugulatin ka padin." Tawa tawang sabi nya.

Bakit bata lang ba ang pweding magulat? Iba nga akala nila mahal sila pero hindi naman pala, oh 'diba nakakagulat.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko at tumulala kung saan. Trip ko lang.

Catching The WildWhere stories live. Discover now