CHAPTER 5

197 48 12
                                        

Home.

Drake Azel Hare P.o.v

Papunta kami ngayon sa bahay ni Mr.Lordcan, at syempre tahimik padin sya.

Sinulyapan ko si Megan na tulala lang at sa labas nakatingin. Wala din syang kibo kanina pa. Si Zarek tutok din sa pagmamaneho.

Nasan naba yung mga insekto dito?

Hindi ko inaasahan na yung babaeng sumampal sa'kin sa Mall. Ang mapapangasawa ni Mr.Lordcan.

Ang sakit nya manampal. Sobra.

"Caspain..."

Napatingin kaming lahat kay Megan. Huminto din si Zarek.

"Hmm." Tipid na sagot ni Mr.Lordcan

Grabi, sa ilang taon kung kasama si Mr. Lordcan si Megan lang ang narinig kung tinawag sya sa pangalan nya mismo.

"...I want to go home." Sagot naman ni Megan.

Saan ba kami papunta 'e sa bahay naman nila.

Suminyas si Mr.Lordcan kay Zarek na magmaneho agad naman itong sumunod. Ng biglang...

"Stop the f*cking car." Sigaw ni Megan.

Nilingon ko si Megan at galit sya ganung lumuluha. Ayaw nya ba sa bahay nila? Hindi nya pa naman nakikita yun. Malaki pa naman.

Napapikit si Mr.Lordcan, Nagpipigil ng galit.

"Ignore, her." Utos ni Mr.Lordcan

Ilang bises din kaming nakarinig ng sigaw ni Megan bago nakarating sa bahay nila.

Agad na bumaba ako nabingi ata ako sa sigaw ni Megan, kanina. Nabubungol ako.

"Caspain ang sabi ko sa bahay. Hindi dito." Mahinahon na ngayon ang pagkakasabi ni Megan.

Akala ko sisigaw na naman sya 'e.

"Come here." Utos ni Mr.Lordcan habang ginagalaw ang index finger back and forth.

Agad naman lumapit sa kanya ang asawa.

"This is your new home." Kaswal na sabi ni Mr.Lordcan ng makalapit ang asawa.

Gulat si Megan na napatingin dito.

"'E uwi mo sabi ako Caspain Lordcan!"

Takte! Ganito ba buhay ng mag asawa nagsisigawan. Natatakot tuloy akong mag'asawa mabubungol talaga ako.

Megan P.o.v

Sumusobra na talaga ang kapal ng mukha ni Caspain. Ikinasal nga ako sa kanya ng biglaan, balak pa akong ibahay.

Lumayo ako sa kanya. "Ano dito ako titira?" Turo ko sa malaking bahay ba parang mansyon na sa laki.

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang mamahaling kotse na nakahilera. Sa kanya pala talaga yung kotse. Akala ko hiniram nya lang 'e.

Pero bakit walang katao-tao tung bahay nya bukod samin. Nilingon ko ang mga kasama namin at may kanya-kanya silang inaasikaso.

Nagulat nalang ako ng hilain ako ni Caspain papasok ng bahay.

Holy... shit.

Napamura ako sa isip ko ng sumalubong sa'kin ang napaka 'gandang Chandelier. Sobrang laki no'n. Pabilog iyon mula sa itaas at naging mistulang baging ang mga ilaw pababa. Iginala ko din ang paningin ko sa loob ng bahay. Nasa ayos ang lahat puro libro ngalang ang mga nakikita ko. Kung ako papipiliin pwede na akong tumira dito napaka'ganda talaga. Yung hagdan naman parang matatakot ka apakan dahil glass stair iyon. Hindi ba mababasag yan?

Catching The WildWhere stories live. Discover now