CHAPTER 15

109 8 22
                                    

Confirmed.

Ganito talaga buhay ng walang magawa diba, kinakagat ang sariling kuku. Nasa loob ako ngayon ng sasakyan hinihintay si Drake.

Gusto ko siyang makita.

I never felt this before, kinakabahan ako pero kailangan kung malaman ang totoo. Inaamin kona unang kita ko sa picture nagselos ako.

Bakit koba nararamdaman to? Gusto ko na ba si Caspain? Seguro mas mabuting sabihin kung mahal kona ba si Caspain?

Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito.

And I already knew, Samantha is not Zarek ex girlfriend.

It was Caspain ex girlfriend.

"Wag mo sabihin na ako nagsabi sayo Megan." Paalala ulit ni Drake.

Psh! Mahigit sampong bises niya na akong sinabihan ng ganyan. Mabuti nalang at nauto ko siya para lang sabihin sa akin ang totoo. Tama nga nahuhuli sa bibig ang isda.

Hindi ako sumagot at nag-isip ng kung ano-ano. Siya ang ang tinutukoy ni Caspain sa sulat.

"Nandito naba tayo?" Tanong ko habang nakatanaw sa labas.

"Oo." Sagot ni Drake at lumabas.

I miss this place.

Mabilis akong pumasok sa loob ng building at ganun nalang ang gulat ng mga tao ng makita ako. Ang iba nagbubulong-bulongan pa pero wala akong pakialam sa kanila.

Lakas loob kung binuksan ang pinto at tumambad sila sa akin.

"Megan..." Nagulat na saad ni Manager Poy. "Ohh! My gosh, I miss you Darling." Sinalubong ako ng yakap ni Manager Poy, pero wala sa kanya ang paningin ko.

Samantha.

Gulat din siyang nakatingin sa akin, pero ngumiti din naman agad. Tch!

Binalingan ko si Manager Poy at nakangiti tumingin sa kanya. Iginala niya ako paupo at magkaharap kami ngayon ni Samantha.

"Megan dear this is-"

"Samantha." Putol ko sa sasabihin niya. Natakpan niya ang bibig ng marinig ang sinabi ko.

"Magkakilala na kayo?" Nagpalipat-lipat ang tingun niya sa amin ni Samantha.

"Yes, We know each other already." Malumanay na sagot ni Samantha.

Palihim akong napairap. Bakit sobrang bait niya naman?

"That's great! Megan why aren't you answering my phone calls." Biglang tanong ni Manager Poy.

Paktay! Anong isasagot ko?

Nag-isip ako ng maisasagot at mas na pressure ako sa pag-iisip ng makitang hinihintay nila ang isasagot ko.

"I'm married."

Napamura ako sa isip ko ng masabi ko ang dapat na sa isip ko lang.

Gulat! Gulat ang nakita ko sa mukha nilang dalawa. Napapailing si Manager Poy, napatingin ako kay Samantha pero nag-iwas siya ng tingin.

Gulat ka? Mas magugulat kapa kapag nalaman mong ex boyfriend mo ang asawa ko.

"What? Kailan pa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Manager Poy.

"Tatlong buwan na." Kaswal na sagot ko.

"Congrats, I don't know you're married." Sabat ni Samantha.

Wee? Totoo bayan? Baka pina-plastic mo lang ako.

"Why you didn't invite me? What his name?" I knew it itatanong ni Manager Poy, kaya naman napa-ngiwi ako.

Catching The WildWhere stories live. Discover now